#HGDChapter44 Tatay Answer me please...let's meet Amara. Mariin akong napapikit matapos mabasa ang hindi na mabilang na mensahe ni Nico. Akala ko ba ayos na sa 'yong makita siya? Why are you avoiding him? "Mamsh, i-chika mo na 'yan sa akin...Tingnan mo nga ang eyebags mo wala kang tulog loka. Malayo na narating ng panaginip ko gising ka pa rin--ay shet! Ang init! Pweh!" Uubo-ubo si Beauty na basta na lang hinigop ang mug ng kape na mukhang nawala sa isip niyang hipan dahil nag-uumpisa na naman ang pagiging chismosa niya. Wala sa sariling sinubo ko ang pandesal na nasa harap ko at malalim na napabuntong-hininga hindi magawang tawanan ang katangahan ni Beauty. "Ano na mamsh?!" untag niya sa akin makalipas ang ilang minutong busy siya sa pagpagpag ng dila niya. "May tumawag sa aki

