#HGDChapter60 That day "Thank you for always visiting, Mommy, Ate." Nakangiting abot sa akin ni Steven ng mango juice. Binalingan ko ang nakapinid na pinto kung saan iniwan ko si Hurricane ayon na rin sa gusto ng ina ko. "C-can I ask you for a favor, Ate?" Agad ang baling ko kay Steven at matamis siyang nginitian. Tiningala ko pa siya dahil sa edad na kinse ay mas matangkad siya sa akin. Kamukha ni Steven ang kanyang ama na si Tito Henry pero parehas ang mga mata namin at labi na nakakatuwang tingnan. Inakala ko na noong malaman kong nagkaanak nang iba ang ina ko at naalagaan niya 'yon na hindi niya nagawa sa akin ay makakaramdam ako ng paninibugho para kay Steven. Pero hindi. Magaan ang loob ko sa kanya at nakatutuwang malaman na tanggap niya rin ako. "Sure. What is it?" "I hear

