CHAPTER 2

1206 Words
"Ang ganda niyo po talaga madam," nakangiting puri sa akin ni Shane. "Really? Sana ganiyan din ang tingin ng iba. I'm not that confident when it comes to my beauty kahit na makinis naman ako. I'm sick, Shane. You know that," malungkot kong sabi. "Madam, hindi po dahil may sakit kayo eh hindi na kayo maganda. Ako nga ho walang sakit mas maganda pa rin kayo sa akin! Saka hindi naman po iyan hadlang. Hustisya naman doon madam!" biro ni Shane kaya naman natawa ako. Tumayo naman ako mula sa pagkaka-upo at nanalamin. Napangiti naman ako. Kailangan ko nga lang siguro talagang magkaroon ng confidence. Nakasuot ako ng floral truffles dress na abot hanggang itaas ng tuhod. May manggas ito na net na abot naman hanggang siko ko. Fancy dress para sa isang interview. Ayaw kong makipag sabayan sa iba na nakasuot ng sexy dress. Masaya ako sa mga simpleng damit na sinusuot ko. Tinernuhan ko pa ito ng strap heels na galing sa isang sikat na brand. Sponsored nila kaming mga modelo. "Let's go na madam. After daw ng meeting ay gusto kayong makitang lahat ng CEO nitong kompanya. Balita ko madam eh single raw at mayaman iyon. Baka type niyo madam. Trenta pa lang naman," bulong sa akin ni Shane habang sabay kaming naglalakad. "Kahit magustuhan ko Shane, hindi naman ako magugustuhan. Ano ka ba," nahihiya kong sabi. "Hindi mo sure madam," biro niya kaya nagtawanan ulit kaming dalawa. Nang makalabas kami sa studio ay nakasalubong ko ang ibang supermodel. Alam ko ring hindi lahat sila ay gusto ako. Ibinabalita sa akin ng isang kaibigan ko na supermodel din. "Brazeal! Nice to see you again!" sigaw niya. Nagyakapan naman kami ni Clouie, Clouie Felipe. Ang bestfriend kong source ko ng chika. "Nice to see you too, Clouie. Namiss kita," nakangiti kong sabi. "Ang plastic ni Hannah, alam ko namang ayaw niya sa 'yo. Pangiti-ngiti pa rito sa gawi natin. Don't she dare na pagsalitaan ka. Naku, baka makalbo ko ang babaeng iyan," gigil na sabi ni Clouie. Tumawa naman ako at napailing. Napatingin din ako sa gawi nila Hannah at doon na nila ako inirapan dahil hindi lumingon si Clouie. Nginisian pa ako ni Andrea na kapatid ni Hannah. The supermodel sisters. "Brazeal Inayica Viglianco, Clouie Felipe, Hannah Leigh, Andrea Leigh, and Amber Soledad pwesto na! Magsisimula na ang interview!" sigaw ni Direk John. Pumwesto na kami at isa-isang tinawag para pumunta sa gitna kung saan ang aming designated seats. Mabuti na lang at magkatabi kami ni Clouie. Nagsimula nang tumugtog ang theme song ng Tonight With Georgina Rodriguez at nagpakilala ang host. Sunod naman kaming kumaway sa camera at ininterview. Nang ako na ang tatanungin ay ngumiti ako. Pasimple naman akong sinamaan ng tingin ni Andrea. "So Brazeal, ano ba ang feeling na maging top model ngayon ng Pinas? Ikaw ang may pinakamaraming projects at pinakamalaking net worth ha!" tanong ni Ms. Georgina. "Masaya po, of course. I'm glad na maraming tao ang nagiging fans ko at nagmamahal sa akin. They are my motivation para magpatuloy pa at galingan ang passion ko sa aking career. At syempre maging inspirasyon na rin para sa marami," masaya kong sagot. "What an answer, Brazeal. Pwede na sa Miss Universe ha," sabi ni Ms. Georgina kaya tumawa kami ni Clouie. Panay naman ang bulong sa akin ni Clouie dahil puro kayabangan daw ang sinasabi ni Hannah at Andrea. Si Amber naman ang may walang pakialam sa aming apat. Siya ang pinakatahimik. Nang matapos ang interview ay nagpaalam na kami. Sunod kaming pinapunta sa office ng CEO. Inanunsyo rin sa amin na pipili pala sa aming lima kung sino ang magiging modelo ng bagong islang itatayo ng CEO. Ang AceLand. Kinakabahan ako dahil isa lang ang mapipili. Masaya ako kahit sino pa sa aming lima ang mapili lalo na kung si Clouie dahil magiging break niya ito. Nang pumasok kami sa opisina ng CEO ay napamangha ako. Ang ganda at linis ng opisina. May nakita rin akong lalaki na maayos ang postura sa dulo. Lalaking-lalaki rin ito tingnan kahit nakatalikod pa lamang. "Mr. Lenegham, nandito na po ang mga supermodel. Mamili na po kayo ng magiging endorser niyo at model sa bago niyong isla. Ito po ang mga profiles nila," sabi ng sekretarya yata nitong si CEO. Pagharap ni Mr. Lenegham ay napahanga ako sa taglay niyang kagwapuhan. Matangkad ito na abot lang yata ako sa taas ng balikat. Mayroon siyang asul na pares ng mata, makapal na kilay, itim na itim na buhok, matangos na ilong, at nakakahumaling na titig. Ngayon lamang ako napahanga ng ganito sa isang lalaki. Ang nakaharap sa akin ngayon ay perpeksyon. Paanong napunta sa kaniya ang lahat ng kagwapuhang mayroon sa mundo? Tinanguhan niya lamang kaming lima at pinasadahan ng tingin. Nakatitig lamang ako sa kaniya hanggang umupo siya sa swivel chair. Kahit pag-upo niya ay ang gwapo ng paraan. Paano naman kaya iyong magandang umupo? Mukhang kailangan ko iyong matutunan. Isa-isa niya kaming tinawag at pinaikot. Ako ang huli niyang tinawag at sa akin nagtagal ang kaniyang paningin. Pagtapos niyang magtanong ng ilan ay tumitig lamang siya sa akin. Hindi ko alam ang ibig sabihin ng mga titig na iyon. "Nakapili na po ba kayo?" tanong ng sekretarya niya. "Yes, I like Ms. Hannah Leigh but her features are more sharp. I'm chossing Ms. Brazeal Viglianco to be AceLand's model," sagot ni Mr. Lenegham sa sekretarya niya. Napaawang naman ang bibig ko dahil sa pagkabigla. Sa aming lima bakit ako pa? Hindi hamak na mas maganda sa akin ang apat na ito! Katawan lang naman ang laban ko. "She looks timid, simple, a bit conservative, and beautiful. Mas maganda niyang maimomodelo ang isla kung saan ipinopromote natin ang peacefulness and serenity," sabi nito kaya tumango naman ang kaniyang sekretarya. "This is not happening!" Bigla akong napalingon kay Hannah dahil sumigaw siya. Nabigla rin ang mga kasama namin sa silid at inaawat na siya ni Andrea. "Sis, calm down. Nagrereflect sa atin ang actions mo," rinig kong bulong ni Andrea. "You chose that anak ng araw at hindi ako? I am more beautiful than her! Mas maganda ako at hindi hamak naman na puti lang ang panlaban niyan kaya mukhang may lahi!" sigaw ni Hannah. Sa sinabi niya ay parang kinurot ang puso ko. Tinatawag ng iba ang sakit ko o ako bilang anak ng araw dahil sa puti kong buhok maging ang lahat ng buhok ko sa katawan. Ginagamitan lang nila ako ng make-up para hindi ako magmukhang maputla. Even my body, sobrang puti ko. Tama naman si Hannah, hindi ako maganda at nadala lamang ako ng sobra kong pagkaputi. I have an albinism disorder. "You can't even compare yourself to her, Ms. Hannah. She's simple and beautiful, very natural hindi katulad mong retokada. Now kung ayaw mong ipakaladkad kita palabas ng opisina ko, lumayas ka na. Ayaw ko sa mga babaeng umaalingasaw ang ugali," galit na sabi ni Mr. Lenegham. Padabog namang lumabas si Hannah na sinundan ni Andrea. Nagpaalam naman sa akin si Clouie na aalis habang si Amber ay lumabas na yata dahil hindi ko napansin. "Ms. Viglianco," pagtawag sa akin ni Mr. Lenegham. "Y-Yes sir?" tanong ko. "Come with me," sabi niya at hinatak ang braso ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD