CHAPTER 3

1097 Words
"Seryoso po ba kayo Mr. Lenegham? As in sa isang araw na po? Hindi pa po ako nakakapag-ayos. Saka po wala pa po akong paalam sa manager ko, sir. Baka po pwedeng–" "Ms. Viglianco, are you going to take my offer? If nakukulangan ka, I will make it 10 million. Are you taking my proposal or what? Rush na rin ang pagbubukas ng isla. Kailangan namin ng modelo ngayon at kung ayaw mo iba na lang ang kukunin ko," putol sa akin ni Mr. Lenegham. Napabuntong hininga naman ako at napakagat labi. Tumingin ako sa magandang paligid at nag-isip. Sayang ang offer niya. Sampung milyong piso at cash pa! Wala rin naman akong projects pa at soon pa iyon next month. Kaso kailangan kong bumisita sa doktor dahil napapansin kong may mga red patches ako sa katawan na parang nagiging parang balat o pasa. Masyado kasi akong nabibilad nitong mga nakaraan sa araw na talagang bawal sa katulad kong may sakit na albinism. Nagagamot ko naman ito ng cream. "Sige, pumapayag na po ako. Gaano po ba katagal ang shooting at ang pananatili sa isla? Saan po mananatili at free po ba ang kain natin? May aircon din po ba roon?" tanong ko. "Maybe hindi tatagal ng one month. The shortest can be three weeks. Libre ang kain, stay, all will be free even ang tour. Mayroong hotel sa isla na open at mayroon ding fully air-conditioned. You can choose," seryosong sabi niya. Tumango naman ulit ako sa kaniya at tiningnan ang naglalakihang mga building. Nasa balcony kami ng floor nila at dito niya napagdesisyunang makipag-usap. Naiintimida naman ako sa mga titig niya. Masyado itong malalim tumingin at parang nadadala ako sa magandang pares ng kaniyang mata. "Okay po, salamat Mr. Lenegham. Aayusin ko po ang magiging trabaho ko with your company," nakangiti kong sabi nang muli akong humarap sa kaniya. "Good, I have high expectations on you, Ms. Viglianco. Do your job well. See you around at ipapadala ko na lang sa sekretarya mo ang flight instructions," paliwanag niya. Tumango naman ako at nagkamay kaming dalawa. Mabuti na lang at hindi napaawang ang labi ko dahil sa lambot ng kamay niya. Kahanga-hanga dahil halatang masipag siya. "You can let go of my hand Ms. Viglianco," sabi ni Mr. Lenegham kaya binitawan ko ang kamay niya. "Cute," rinig kong bulong nito na iniwan akong nakatayo sa aking pwesto. Pakiramdam ko ay namula ang aking mukha dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay sasabog ako sa hiya. Nakakainis, crush ko na yata siya! ____________ "Madam, tara na po. Hinihintay na raw po kayo ni Mr. Lenegham sa airport," sabi ni Shane. "Sige, saglit lang. Papatayin ko lang itong laptop ko," nakangiting tugon ko. Nagtype naman ako kay Poseidon_18 ng paalam dahil aalis na ako at pupunta sa isang isla para magtrabaho. Sabi niya ay aalis din daw siya para sa isang business. Nagiging crush ko na rin yata siya, goals kaming dalawa. Salamat sa Mate App at nakilala ko si Poseidon. Sa nakalipas na isang araw ay maghapon kaming nag-usap ni Poseidon_18. Nakakaturn-on talaga ang mga hilig niya. Magaling daw siyang magsurf at lumangoy. Nature-friendly rin daw siya na bagay na ikinatuwa ko. Tumayo na ako at pinatay ang laptop. Nanalamin naman ako bago kami umalis para tingnan ang itsura ko. Hindi ko alam pero gusto kong maging maganda sa paningin ni Mr. Lenegham. Napangiti naman ako sa ayos ko ngayon. Nakasuot ako ng leggings na tinernuhan ko naman ng croptop box na white sando. Mayroon itong doble sa loob. Nagtali naman ako ng windbreaker jacket sa bewang dahil malamig sa eroplano. Simple lang din ang ayos ko. Nagsuot ako ng salamin na lagi kong nalilimutang isuot at nakatirintas kabayo rin ang buhok ko. Hindi ako nagkilay dahil sabi ni Shane ay maganda raw ang natural lang. Cheek and lip tint lang ang nilagay ko at compact face powder. Palabas na sana ako ng pinto nang tawagin ako ni Shane. Ngininitian ko naman siya para tanunging kung ano iyon. "Madam, mukhang nakalimutan niyong suotin ang favorite niyong  bracelet ah. Iyong lagi niyo pong sinusuot kapag magtatravel at walang photoshoot," nakangiting paalala ni Shane. Napangiti rin ako at dali-daling kinuha ang aking Rastaclat bracelet. Isa itong shoe string bracelet na pinaghalong kulay pink, violet, blue, at white. Disenyong galaxy ito at umiilaw sa gabi. Paborito ko ito dahil maganda siya at hindi mabilis masira tulad ng ibang beads na bracelet. Sinuot ko na ito at lumabas na kami ni Shane sa hotel. Hindi ko siya kasama at ihahatid niya lang ako. Sa eroplano kasi ako ni Mr. Lenegham sasakay. Sumakay na kami sa service na naghatid sa amin sa airport. Mabuti na lamang at hindi traffic pati malapit lang ang airport sa hotel ko. Huli na ako at baka pagalitan ako ni Mr. Lenegham. Pagdating ko sa airport ay patakbo kaming pumunta sa kinalalagyan ng eroplano. Kita ko naman si Mr. Lenegham sa baba ng eroplano na naghihintay. Paglapit ko sa kaniya ay parang galit na ito. Kinabahan naman ako dahil parang lalapain na niya ako ng buhay. "P-Pasensya na po, Mr. Lenegham dahil late ako. Hindi na po m-mauulit," nahihiya kong paliwanag. "I don't accept apologies lalo na kung late, Ms. Viglianco. Babawasan ko ng isang milyon ang sasahurin mo. Sumakay ka na at mahuhuli tayo sa pagsalubong ng mga taga-AceLand sa atin," nagtitimpi niyang utos. Tumango naman ako at nakayukong umakyat. Sinulyapan ko lang si Shane bilang paalam at inabot niya na ang maleta ko sa mga cabin crew. Pag-akyat ko sa eroplano ay agad akong naghanap ng pwesto para sa take-off. Nang makaangat na ay tinanggal ko na ang seatbelt. Ramdam ko ang patulo kong luha dahil hindi ako sanay na pagalitan. Kadalasang hindi kasi ako pinapagalitan sa photoshoot namin dahil maayos naman ang performance ko. Si Mr. Lenegham na yata ang pinakamasungit. Parang may pait akong naramdaman sa dibdib kaya napahikbi na ako. Tumayo naman ako at nagmamadaling naglakad papunta sa banyo. Itutulak ko pa lang ang pinto rito sa isang cubicle nang may humila sa braso ko. Napaharap ako sa gumawa no'n at si Mr. Lenegham pala ito. Isinandal niya ako sa pader at inilagay ang kaniyang kamay sa gilid ng ulo ko. Ang isa naman niyang bakanteng kamay ay pinunasan ang aking luha. Sa gulat ko ay nakanganga lamang ako sa kaniya. "Hey, I'm sorry. Please talk to me," nag-aalalang sabi ni Mr. Lenegham at iniangat ang baba ko. Nautal na lamang ako at hindi alam ang sasabihin. Nangyayari ba talaga ito? Ang isang Mr. Lenegham ay nacorner ako sa pader?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD