CHAPTER 4

1269 Words
Naging mainit ang pagtanggap sa amin ng mga taga-isla rito. Masaya pala sa isla ni Mr. Lenegham. Sa pagtagal ko ay rito ko na lamang sobrang yaman pala niya. Mula sa pamilya niya na nagsimula lamang sa shipping business ang kanilang negosyo, ngayon ay may sarili na silang mga isla na nagiging tourist attraction dito sa Pilipinas. Maging sa ibang panig din ng mundo kay dinarayo ito ng mga foreigners. Nagsuot lamang ako ng red maxi dress na floral at spaghetti strap ito. May dala rin akong payong dahil sensitive ako masyado sa araw habang tumatagal. Sinabi ng doktor ko noong nagvideo call kami sa Skype na iwasan ko raw muna ang pagbibilad sa araw kahit saglit hangga't hindi pa niya natitingnan ang pasa ko sa may bandang likod. Pagbaba ko sa lobby ay sinalubong ako ni Clara, ang tour guide ko. Madalas kasi wala si Mr. Lenegham at may inaasikaso. Iyong sa eroplano nga lang ang huli naming kita noon. Naalala ko na naman tuloy ang nangyari sa amin na ikinapula na naman ng pisngi ko. Ilang minuto na kaming magkatitigan ni Mr. Lenegham hanggang sa binitawan niya na ako. Napalunok naman ako dahil napalunok din siya at nakita ko ang pag-alon ng adam's apple niya. Para akong nanonood ng pelikula. "I just want to say sorry for what I've done earlier. You can go now and do whatever you need to do. And don't call me Mr. Lenegham anymore. Tate will do," malamig nitong sabi na bumalik sa dati niyang ugali. Naglakad ito palayo at iniwan na naman akong nakanganga sa pwesto ko. Mula sa nag-aalala nitong mga titig ay napaltan na naman ng malalamig na tingin. Daig niya pa ako kapag mayroong mood swing. Pumasok na ako sa banyo at umupo sa bowl. Naihilamos ko naman ang aking palad sa mukha ko at naitapat ito sa aking dibdib. "Bakit mo pinapabilis ang t***k ng puso ko? Sino ka ba sa buhay ko Mr. Taterson Lloyd Henris Lenegham?" Bumalik ako sa wisyo nang sigawan na ako ni Clara. Nang mapatingin ako sa kaniya ay nakanguso na ito. Mukhang inip na kakakuha ng atensyon ko. Maganda si Clara at mukhang mas bata ito sa akin. Kayumanggi siya at kulay brown ang kulot na buhok. Hindi rin ito katangkaran. "Ma'am Brazeal, mukhang okupado po kayo ah. Ayos lang po ba kayo? Tara na po at iniintay na kayo ni Sir Tate sa may talon. Kung hindi naman po maayos ang inyong pakiramdam ay ipapasabi ko na lang po sa kaniya. Maiintindihan naman po ni sir iyon," nag-aalalang tanong ni Clara. "Ay hindi, ayos lang ako. Tara na at baka magalit si Mr. Lenegham sa akin dahil huli na naman ako," nakangiti kong sabi. Para namang napanganga pa sa akin si Clara habang nakatitig. Tumawa naman ako at tinapik siya sa braso. "Ma'am Brazeal, para po akong nakakita ng dyosang bumaba sa langit tuwing ngingiti o tatawa po kayo. Wala pong binatbat ang mga kalaban niyo sa modelling industry na si Hannah Leigh, Andrea Leigh, at Amber Soledad. Sigurado po ba kayong hindi kayo girlfriend ni Sir Tate?" tanong at puri sa akin ni Clara. "Salamat, ano ka ba naman. Wala talaga kaming relasyon ni Mr. Lenegham, boss ko kaya siya. Tara na at masama siyang pinaghihintay," nakangiti kong sabi. Sumakay na kami golf cart na maghahatid sa amin sa may talon kung nasaan si Mr. Lenegham. Matapos ang sampung minuto ay nakarating na kami roon. Maganda ang isla at nakakahumaling lumusong sa talon. Napakatahimik at rinig na rinig ng pagnagsak ng tubig mula sa taas. Marami ring halaman dito na nagpalilim sa lugar. Bumaba na ako ng golf cart at pinayungan ako ni Clara. Doon sa kubo ang punta namin kung nasaan daw si Mr. Lenegham. Naiwan si Clara sa labas at ako lang ang pumasok. Air-conditioned pala rito sa loob at kahanga-hanga. Nakita ko naman si Mr. Lenegham sa dulo ng isang lamesa. "Pasensya na po at nahuli ako, Mr. Lenegham. Maiintindihan ko po kung babawasan niyo po ulit ang perang makukuha ko. Pasensya na po talaga at huli na naman akong dumating," paghingi ko ng paumanhin. Nang tingnan ko si Mr. Lenegham ay nakangiti siya. Parang may dumaang anghel at nakangiti ang isang bathala sa kagwapuhang na kaharap kong ito ngayon. Daig niya pa ang lahat ng modelong lalaki na katrabaho ko sa ganda ng ngiti niya. Sa simpleng suot niya ring blue polo shirt ay napakagwapo niya. "I'm really sorry noong napagalitan kita, I didn't mean it. Let me help you there," nakangiti niyang sabi. Iginiya niya akong maupo sa tapat niya at pinaghila ng upuan. Ngayon ko lang napansin na parang sa isang restaurant ang ayos ng lamesa. May mga LED lights pa at wine sa mesa. Umupo siya sa tapat ko at muling ngumiti. Para talagang matutunaw ang puso ko sa tuwing ngingiti siya. "Brazeal, can I tell you something? Nahihiya akong magpakita sa 'yo these past few days and I cannot take this anymore," sabi ni Mr. Lenegham at napasuklay sa kaniyang itim na buhok. "Ano po iyon?" tanong ko. "Do you remember me?" curious na tanong naman niya. "Ha? Noong sa kompanya ko pa lang naman po kayo nakita. Hindi ko pa ko kayo nakikita dati," naguguluhang sagot ko. Napatango-tango naman ito at nag-isip. Bumuntong hininga naman siya at sumimsim sa kopita niya ng wine. "I'm always there noong nagshoshoot kayo sa Daty Magazine hiding at the corner. I'm also the one who's sending you bouquets of flower everyday. I am not your stalker but don't you remember me? Nagpakilala ako sa 'yo bilang Henry before when I still have my dreds," tanong niya. Nanlaki naman ang mata ko. Ibig sabihin ay siya pala iyon? 'Yon ang lalaking matagal kong naging crush at nagpakilala siyang modelo. Siya ang nakausap kong estranghero noong brokenhearted ako sa ex ko. "I remember you na! But why did you changed your hair? Your style? You also told me before na isa kang model," interesadong tanong ko sa kaniya. Tumawa naman si Tate at kinuha ang kamay ko kaya nagsimula na namang mag-init ang aking pisngi. Matagal na pala kaming magkakilala. I should stop calling him Mr. Lenegham anymore. Isa pa, wala rin naman kami sa trabaho. "Kasi kwento mo sa akin noon na ang gusto mo sa isang lalaki ay 'yong disenteng tingnan. Even without a high paying job that you told to be your ideal type, I became a CEO at pinagpatuloy ang kompanyang ipinamana sa akin ng mga magulang ko noon na dating tinatakbuhan ko. You changed me, Binay. From the old bastard Henry like I was before, I am the better version of that person now," mahaba niyang sabi. "Pero bakit mo ginawa lahat ng iyon? I can't believe that it is you!" masaya kong sabi at pinisil ang kamay niya. "Dahil noong unang araw na nagtama ang ating mga mata, nahulog na ako sa 'yo. And before that night ends, I know that I am falling for you," nakangiting sagot sa akin ni Tate. Hindi ko alam ang mararamdaman ko dahil sa pag-amin niya. Ang tanging nangingibabaw lang sa akin ngayon ay ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari at kung sino talaga siya. Bigla namang tumugtog ang Perfect ni Ed Sheeran. Tumayo sa tapat ko si Tate at inilahad ang kamay niya. "Can I have this dance?" yaya ni Tate. Tinanggap ko naman ang kamay niya at sumayaw kaming dalawa. Masaya kaming dalawa at nagtatawanan. A reunion of ours. This is one of the best days of my life. Isang reunion sa isang importanteng kaibigan.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD