Sobrang saya ko dahil kay Tate. Nabubuo ang araw ko dahil sa kaniya.
Lagi akong binibisita ni Tate sa aking kwarto. Nagdadala siya ng flowers, pagkain, at minsan nakakakwentuhan ko pa.
I just can't believe na mayroon akong magiging lalaking kaibigan like him. We are close and he is a gentleman. He is also caring and sweet kaya sobrang swerte ng magiging girlfriend niya. Sabi niya sa akin ay gusto niya raw ako pero hindi pa naman siya nanliligaw. But after all, we are enjoying each other's company.
Lalo ring nadevelop ang feelings ko for Tate, I like him already. Sino ba naman kasi ang hindi? Despite of others na ang tingin sa kaniya ay masungit, cruel, and too bossy, he is gentle and he always appreciates me kapag magkasama kami. Also, I used to like him before noong kilala ko pa siya bilang Henry. Mabait si Tate kaso masungit ito sa hindi kilala.
Bumalik naman ako sa wisyo nang may kumatok sa pinto ng hotel room ko. Kaagad naman akong nagsuot ng bath robe bago binuksan ang pinto. Nakapantulog pa rin kasi ako.
Pagbukas ko ay si Clara pala. Pinapasok ko siya at abot tenga naman ang ngiti niya. Inilibot niya ang kaniyang tingin sa kwarto ko.
"Ma'am Brazeal, ang ganda po pala ng mga kwarto rito. At ang bango po amoy kayo! Sana all na lang po talaga ma'am. Kung kasing ganda niyo po ako ay baka araw-araw akong may katabing salamin," natutuwa niyang sabi.
Mahina naman akong tumawa at pinaupo siya sa couch. Nakangiti lang si Clara habang inililibot ang kaniyang tingin. Maganga naman talaga ang mga kwarto rito at hindi iyon maitatanggi.
"Ikaw talaga, natatawa na lang ako sa 'yo. By the way sa 'yo na lang ito, marami naman ako niyan. Nagustuhan mo pala ang amoy niya," nakangiti kong sabi.
Kinuha ko ang aking perfume sa bag at ibinigay kay Clara. Napanganga naman siya dahil sa ginawa ko. Clouie kasi ang brand nito, perfume and cosmetics line ng besfriend kong si Clouie Felipe.
"Seryoso po kayo ma'am? Hindi ko po matatanggap iyan! Nasa limang libo na po yata ang isang botelya ng pabangong iyan!" nahihiyang tanggi ni Clara.
"Ayos lang, ano ka ba. Libre ko lang kaya 'yang nakuha dahil bestfriend kami ni Clouie. Sponsored niya ako," natatawang sabi ko kay Clara.
Nahihiya naman niya nang tinanggap ang pabango. Pasalamat sa akin nang pasalamat si Clara kaya sinabi kong wala iyon. Sinabi naman na niya ang ipinunta niya sa hotel room ko.
"Ma'am Brazeal siya nga po pala kaya po ako napa rito. Ngayon po ang photoshoot niyo kasama ang Head Photographer ng isla na si Mr. Richard Solis. Medyo strikto po iyon pero kasama niyo naman po ako," sabi ni Clara.
"Sige, maghahanda lang ako saglit. Si Tate pala kasama sa shoot?" tanong ko.
"Ay ma'am hindi po. Nasa may bayan po siya at may inaasikaso. Baka po bukas o sa isang araw pa siya makabalik. Bakit niyo po hinahanap?" mapang-asar na tanong ni Clara.
"Ikaw talaga," sabi ko na lamang at pumunta na sa banyo.
Kaagad akong naligo at nagsabon. Alagang-alaga ko ang aking balat dahil sensitive ito lalo na sa araw. Laging may sunscreen o kaya ay mataas ang spf level ng lotion ko. Hindi ko naman maiwasan minsan na magbilad dahil s uri ng trabaho ko.
Napatingin naman ako sa salamin at tumalikod. Mukhang hindi ako makakapagsuot ng two piece sa photoshoot. May pasa kasi ako sa likod at dalawa na pala ito.
Matapos kong maligo ay lumabas na ako ng banyo. Hindi ko malilimutan ang ganda ng banyo nila. Brown ang theme color nito. Para akong nasa loob ng isang barko.
Wala na si Clara kaya malaya akong nakapaghubad. Naghanap naman ako ng maisusuot na leggings at box crop top sando na may terno sa loob. Hindi ko rin kinalimutang isuot ang rastaclat bracelet ko.
Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako ng hotel room at bumaba sa lobby. Hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko dahil aayusin naman nila ito mamaya.
Sumakay ulit kami ni Clara sa golf cart. Sa may talon pala ang pictorial namin. Maganda nga roon at pa tahimik ang paligid. Bukas naman ay sa beach front at sa magagandang hotels ng isla ang pictorial.
"Clara, alam ba nila ang request ng manager ko at mga kailangan regarding sa init ng araw? Hindi talaga kasi ako pwede na masyadong magbilad. Sensitibo kasi talaga ang balat ko sa araw," tanong ko kay Clara.
"Opo ma'am, sinabihan ko na po sila. Ang assistant po ni Sir Richard ang nakausap ko," sagot naman sa akin ni Clara.
Matapos ang sampung minuto ay nakarating na kami sa may talon. Wala pang harang at mainit kung saan sila nakapwesto. Mukhang hindi pa yata nag-aayos.
"Siya na ba ang model? Si Brazeal Viglianco ba talaga 'yan? Ordinaryong babae na anak ng araw lang ang nakikita ko. Mas maganda kung ang supermodel sisters ang kinuha. Napakaputi pa at ang panget niyang tingnan," sabi ng photographer habang sinusuri ang kabuuan ko.
Nakaramdam naman ako ng panliliit dahil sa sinabi niya. Siya lang yata ang photographer na nagsabi sa akin no'n. Ni siya lang yata ang nakapag sabi noon. Sabagay, totoo naman. Wala naman akong dapat na itanggi na ordinaryong babae lamang ako. Pero hindi niya dapat minamaliit ang tulad kong may albinism.
"Sir mawalang galang na po, masyado naman po kayong magsalita. Hindi niyo naman po dapat sigurong laitin ang tulad kong may sakit na ganito," magalang kong sabi.
"Ineng, ikaw lang at hindi sila. I just don't like you. Mukha kang b***h, just so you know. Ngayon bilisan mo na dahil nag-iinit ang ulo ko! Bihis na at ayusin na ang set!" sigaw ni Sir Richard at tinalikuran ako.
Napatungo na lamang ako dahil sa pagkapahiya. Hinagod naman ni Clara ang likod ko dahil ramdam niyang malungkot ako.
"Ma'am Brazeal, hayaan niyo na ho 'yong bading na iyon. Ang attitude! Ni wala naman pong binatbat sa ganda niyo. Tara na po at pakitaan natin siya," pagpapalakas ni Clara sa loob ko.
"Tama ka," nabubuhayan kong sabi.
Nagtungo kami sa kubo at inayusan na ako ng mga make-up artist. Nilagyan ako ng light make-up at tinabunan ang pasa ko sa likod ng mga concealer at foundation. Pinagsuot nila ako ng green two piece na bumagay sa itsura ng labas na maraming halaman.
Tumingin naman ako sa salamin, napakaganda ko pala. Natutuwa ako dahil mas nagiging matatag ang self-confidence ko sa sarili. Hindi hadlang ang aking sakit para maabot ang mga pangarap ko. At hindi rin hadlang ang mga mapanlait na tao para ihinto ko ito. Hindi rin naman kamalasan ang turing ko sa aking albinism, I am God's creation. He loves me so I should love myself too no matter how I look dahil sa Diyos ay maganda tayong lahat.
Lumabas na ako ng kubo at nagtungo sa may talon. Tanging malaking cardboard lang ang hawak nila panangga sa init. Ayos na rin siguro iyon kaso medyo mabibilad ako.
"Pwesto na at ayoko ng pabagal-bagal!" sigaw ni Sir Richard kaya umayos na kaming lahat.
Pumwesto ako sa may tubig at nagsimulang magpost. Tinatabunan naman nila gamit ang cardboard ang sinag ng araw na tumatama sa akin. Malilong habang nagshoshoot kami.
"Tanggalin nga iyang cardboard at sagabal sa shoot! I need the sun! Maganda ang araw kapag tumama sa tubig at magmumukhang buhay! We need to feel the nature's presence!" sigaw ni Sir Richard kaya kinabahan ako.
"Excuse me po, Sir Richard. Bilin po ng manager ni Ma'am Brazeal na hindi po dapat siya maarawan nang matagal–"
"Shut up! Tuloy ang pictorial! Huwag kang maingay na bansot ka kung ayaw mong ikaw ang ibilad ko!" sigaw nitong si Sir Richard at itinulak si Clara dahil sa pagka-irita.
Kita ko naman ang nahihiyang mukha ni Clara. Sumusobra na ang photographer na iyan. Hindi niya dapat ginagano'n si Clara lalo na at lalaki pa rin siya at babae ito! Malakas kaya niyang naitulak si Clara at muntik nang matalisod!
Umalis ako sa tubig at tinulungan si Clara na makabawi sa nangyari. Pinapunta ko naman ito sa kubo at hinarap itong photographer.
"Sumusobra na ho kayo. Hindi ho porket kayo ang nasusunod eh pwede na kayong manakit ng staff! Babae pa ho si Clara at itinulak niyo siya–"
Parang nagmanhid ang pisngi ko nang malakas niya akong sampigahin. Doon na ako napaluha at napaatras. Bakit may ganitong klase ng tao? Masyado siyang maraming galit sa puso. Wala naman akong masamang ginagawa sa kaniya.
"Wala akong pakialam sa sasabihin mo at kung ayaw mong matulad sa alalay mo eh manahimik ka! Sabi na at dapat pinaltan kang panget ka! Napakapanget mo na nga pakialamera ka pa–"
Sa pagkurap ko ay biglang tumumba si Sir Richard sa sahig. Dadaluhan ko sana siya nang may pares ng kamay ang humila sa bewang ko.
May isang pamilyar naman na amoy ang yumakap sa akin. Pag-angat ko ng tingin ay si Tate pala ito.
"T-Tate? Akala k-ko ba ay nasa bayan ka?" nauutal kong tanong dahil sa pag-iyak.
"Tinawagan ako ni Clara kanina pa dahil parang may problema raw sa set, mayroon nga. I'm sorry, hindi ko alam na mangyayari ito. Sana ay sinamahan ko na kayo, it's my fault. Please forgive me," malungkot niyang sabi.
"Wala iyon, Tate. Wala ka namang kasalanan," pilit na ngiti kong sabi.
"Mayroon, Binay. Tauhan ko siya and I should have known his bad behavior. Sinaktan ka pa niya. He'll pay for this," tiim bagang na sabi ni Tate.
Pinuluputan niya ako ng balabal at binuhat. Napasinghap pa ako pero lalong humigpit ang pagkakabuhat niya sa akin.
Nang mapatingin ako sa asul niyang pares ng mata, para itong nag-aalab sa galit. Napalunok na lamang ako dahil maging ako ay nakaramdam ng takot sa kaniya.