CHAPTER 6

1151 Words
"You sure ayos ka lang? Anong masakit sa 'yo?" nag-aalalang tanong ni Tate. "Nothing, ayos naman na ang pisngi ko. Pahinga na lang sigurado dahil medyo nahihilo ako. Ang sakit sa ulo ng init," sagot ko. Tumango naman si Tate at inayos ang magulo kong buhok. Nasa clinic kami rito sa isla. Nilapatan nila ng ice bag ang pisngi ko dahil pulang-pula ito kanina. Napakainit din sa labas kaya nandito kami sa loob. "Ipagpabukas na natin o sa isang araw ang pictorial, mas mahalaga ang kalusugan mo. Ako na rin ang magiging photographer dahil mahirap kapag iba pa. I don't want you to suffer from the same thing again," nag-aalalang sabi ni Tate at hinawakan ang kamay ko. Napangiti naman ako at pinisil din ang kamay ni Tate. Sa wakas ay ngumiti na rin siya. Nasilayan ko na naman ang nakakamatay niyang ngiti. "Salamat, Tate. Hayaan mo na lang sila. Wala naman tayong ginagawang masama," nakangiti kong sabi. "I know Brazeal, that's why I love you. Napakabuti mong tao," nakangiti naman niyang tugon. "And kahit you can't love me back, I still want to love you wholeheartedly," sinsero nitong sabi bago lumabas ng clinic. Doon ako natuyuan ng laway at hindi nakapagsalita. Hindi ba at parang ang bilis ng mga pangyayari? Siguro kay Tate ay hindi dahil matagal niya akong nakikita sa malayo at nasusulyapan. Kilala naman namin ang isa't isa matagal na pero bago pa lang kami sa set-up na ito. Naalala ko naman noong una kaming nagkakilala ni Tate. Henry pa ang kilalang tawag sa kaniya. Pumasok ako sa loob ng isang convenient store dahil basa na ako ng ulan. Hindi ko na ito inalintana at sobrang sakit pa rin ang ginawa sa akin ni Vixon. Binasura niya ako at ipinagpalit sa mas batang modelo na iyon. He is 28 at ang batang iyon ay 18 lang! I just can't believe it! "Hey watch out!" Nakabangga na pala ako ng isang mama na namimili sa rack. Nabasa ko pa siya dahil nabangga ko ang kaniyang likod. Nang magkatitigan kami ay roon na ako napatigil. Napakaganda ng kaniyang asul na mata, para siyang isng modelo. Ang buhok naman niya ay nakadreds at halatang hindi ito pinoy. "Oh, babae ka pala. Sorry for my rude attitude," paghingi niya ng paumanhin. Napasabi naman ako ng 'ha' dahil marunong itong magtagalog. Baka half siya kaya marunong o kaya ay rito na nanirahan sa Pilipinas. "I am Henry and you are? Damn, are you crying?" tanong niya. "N-No, I am not. Ako naman si Brazeal. You can call me Binay for short," pakilala ko naman. "Nah, mukha kang sabog. Hindi ako naniniwalang hindi ka naiyak. Let us talk about your problem because I am sure that you have. Hindi mo ba alam na magandang makipagkwentuhan sa isang estranghero? I don't know you personally kaya hindi kita huhusgahan," sabi ni Henry. Umupo kami ni Henry sa isang bakanteng mesa. Nag-usap kami at agad naman niyang nakuha ang loob ko. Hindi ako makapaniwalang nagkukwento ako sa isang estranghero. "Someday Binay, we will see each other again. Intayin mo lang and you will see the best version of me," pagyayabang ni Henry. Natawa naman ako sa aking mga naalala. Ibang-iba na siya ngayon at asensado. Hindi nga lang best version ngayon, perfect version pa! Masaya ako para kay Tate, ang swerte nga niya. Ako nga noong ipinanganak eh iniwan ng mga magulang ko sa labas ng ampunan. May naiwan daw sa basket na pinaglagyan sa akin na letter. Ang sabi, ayaw raw sa akin ng mga magulang ko dahil sa sakit kong albinism. Iniisip din nilang masyadong magastos ang pagpapalaki sa akin kaya itinakwil nila ako. Sinasabi pa nga ng iba na malas. Pero looking at myself right now, ang swerte ko. May umampon sa akin na isang mag-asawang negosyante, nagbebenta sila ng balut at gumagawa no'n. Doon na rin ako nadiscover dahil may isang photographer ang nakakuha ng candid shot ko na sumikat noong nagbebenta kami isang gabi. Kinuha ako ng mga magazine companies dahil daw sa taglay kong ganda. At heto na ako ngayon, isang supermodel na. Ginawa kong inspirasyon ang aking albinism at hindi ito inisip na isang malas. Hindi ko rin kailan man nakalimutang lumingon sa pinanggalingan ko. Suportado ko ang ampunang kumupkop sa akin maging ang bayan na dati kong tinirhan. At ang mga foster parents ko, alam kong proud sila sa akin. Kahit mahirap kami noon ay napagtapos nila ako ng HRM. Kaya lagi ko dapat na tandaan na kahit sinong tao ang manira o manakit sa akin, Diyos na ang bahala sa kanila. Lagi akong magpapakumbaba at susuklian sila ng kabutihan. Iyon ang turo sa akin ng mga madreng kumupkop sa akin dati. Sana kapag nalaman ni Tate ang lahat, matanggap niya ko. I can't also stop this feeling anymore. I like him from his Henry identity, hanggang ngayon na kilala na siya bilang Tate. Nalove at first sight yata ako sa kaniya. Ang gulo ng puso ko. Sana nga lang ay magkaroon ako nang lakas ng loob na umamin kay Tate na gusto ko siya dahil sa buhay ko, hindi ako masyadong magtatagal. I want to know more about Tate. Gusto kong mahulog nang malalim sa kaniya at mahalin siya habang buhay. Dahil sa lahat ng lalaking nakilala at sinaktan ako noon, ngayon lang ako nakaranas ng ganito sa isang Taterson Lloyd Henris Lenegham. Tumayo na ako sa clinic bed at bumalik sa aking hotel room. Hindi ko na inintay si Tate dahil baka abala iyon. Si Clara naman ay inaayos ang nangyaring gulo kanina sa may talon. Naiwan siya kasama ang ibang crew. Pagkabalik ko sa aking hotel room ay humiga na ako sa kama at inilagay sa tabi ng aking pisngi ang ice bag. Tutulog na ako dahil bukas panigurado ang shoot namin. Pakatapos ng nangyari kanina ay marurush na lalo ito. Malaki nang perwisyo ang isang araw na nabawas. Mahirap pa ang pag-eedit ng pictures at pagpapakalat ng ads. Pumikit na ako at nagpahinga. Kailangan kong magpahinga at mag-ipon ng enerhiya. _____________ Kinabukasan nang magising ako ay may kumakatok na naman sa aking pinto. Paniguradong si Clara ito kaya hindi na ako nagpalit ng damit. "Saglit lang!" sigaw ko na rinig naman ni Clara sa labas. Dali-dali akong pumunta sa may banyo at nagkusot muna ng mata. Naghilamos ako at nagsipilyo ng ngipin. Nakakahiya dahil baka ang dungis ko. Baka maamoy ni Clara at baka mabaho ang aking hininga. Pagkatapos ay pumunta na ako sa pinto at binuksan ito. Laking gulat ko naman dahil si Tate pala ito. Nanlaki ang mata niya sa suot kong night dress at bakat pa ang aking dibdib. Kaagad naman akong napatakip sa aking katawan at malakas na sinara ang pinto. "I'm s-sorry! Hindi ko sinasadyang tingnan k-ka!" sigaw ni Tate mula sa labas. Mapakagat labi naman ako at nagbath robe. Nakakainis, nakakahiya iyon! Argh, dapat nagpapalit lagi ako ng damit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD