CHAPTER 7

1245 Words
Hiyang-hiya akong makita si Brazeal sa ganoong itsura. Damn, dapat pala ay nagpakilala ako. Akala niya siguro ay ako si Clara kanina! "I'm s-sorry! Hindi ko sinasadyang tingnan ka!" sigaw ko. Rinig ko naman ang mga hakbang ng paa ni Brazeal sa loob. Namamawis ako dahil sa kaba. Paano kung magalit siya sa akin? What if paglabas niya ay sampalin niya ako? Damn, I am worried. Pagbukas ng pinto ay nakasuot na ng roba si Brazeal. Nang magtama ang tingin naming dalawa ay agad din kaming nag-iwasan ng tingin. "U-Uhm, pasensya na kanina at lumabas akong ganoon ang suot. Akala ko k-kasi ay ikaw si Clara," sabi ni Brazeal kaya napasulyap ako sa kaniya. "Pasensya na rin dahil kumatok ako at hindi nagpakilala agad. I should have known," kamot ulong sabi ko naman. Saglit pa kaming natahimik nang yayain niya akong pumasok. Mabilis naman akong umiling dahil nahihiya na ako sa kaniya. "Hindi na ako papasok, I'll wait you na lang sa baba. We need to start at exactly 8:00am dahil masyado nang mainit kapag dumating ng 12:00pm. Kahit hindi ka na mag-ayos dahil may mga make-up artist at hair dresser naman sa baba. Umakyat lang ako to inform you that our photoshoot will be today," paliwanag ko. "Ay sige, susunod na lang ako. Salamat sa personal na pagsasabi," nakangiting pasalamat ni Brazeal. Muli kaming dalawa na nagkatitiganan. How I love her innocent face. Brazeal Inayica Viglianco is perfection. Hindi na ako magtataka kung bakit ako nahulog sa kaniya. Nalove at first sight ako and I even fell deeper because of her wonderful attitude. Always down to earth and smilling. Nagpaalam na siya na mag-aasikaso at sinara niya na ang pinto. Maaga pa naman, it is only 6:32am. Sa labas ko na lamang siya iintayin dahil nagseset-up na ang mga crew sa tapat ng hotel na beach front ng isla. Kukuhanan din kasi ng montage ang lahat ng photoshoot sessions para sa television broadcasting ads. Pagbaba ko ay siniset-up na nila ang camera. Tinawag ko naman si Clara para utusan. "Yes sir?" tanong niya. "Pakitulungan si Brazeal na mag-asikaso sa taas. Ako na ang kakausap sa mga make-up artist niya," utos ko kaya agad namang tumango si Clara. Umalis na ito kaya pumunta na ako sa pwesto kung saan aayusan si Brazeal. Sinabi ko na sa mga mag-aayos sa kaniya ang tema at ang isusuot niya. Maya-maya pa ay bumaba na ang hinihintay ko. Sinalubong ko siya at tulad ng lagi, nakangiti ito ng napakatamis. Parang tinutunaw ang puso ko. I can't believe that I let myself became a cheesy man. Ayos lang iyon dahil kay Brazeal lang naman. "Huli na ba ako?" tanong niya. "No, tama lang ang dating mo. Magpaayos ka na roon and we'll wait for you," sabi ko at kaagad naman siyang naglakad palayo. Halos forty minutes na inayusan si Brazeal kaya inip na inip na ako. I don't know that it will took so long just to put a light make-up. Ang napag practice-an ko lang kasi noon ay male models at mga kabayo. Hindi naman sila ganito katagal ayusan dati. "Start na po, Sir Tate! Nandito na si Ma'am Brazeal! Ang ganda-ganda!" rinig kong sigaw ni Clara.  Paglingon ko sa gawi nila ay bigla akong napatayo. Parang napatigil kaming lahat nang dumaan ang isang dyosa sa aming harapan. How could that Richard Solis guy told that Brazeal is ugly? She's the definition of perfection. Suot niya ang isang truffles gown na kulay blue. Bagay na bumagay sa kaniya at sa kulay ng dagat. Para talaga siyang isang dyosa na bumaba sa langit. Nakakulot pa ang kaniyang buhok at inayusan ng konti. Ayaw ko na nga sanang ituloy ang photoshoot dahil kahit maging tourist attraction ang isla ko dahil sa ads kung dadami naman ang kaagaw ko kay Brazeal, huwag na lang. Damn, I am overthinking again. Umabot kami ng 10:00am sa photoshoot bago kami tumigil. Magaling talagang modelo si Brazeal at mabilis mag-iba ng anggulo. Her title as a supermodel really suits her. Mamaya namang after lunch ay sa loob na kami ng hotel. May ilan naman nang nakuha kahapon sa talon na magagamit namin. Nakakulong na rin ngayon ang Richard Solis na nanakit kay Brazeal. I paid him for his service, he also paid for what he have done. Umupo sa may bench si Brazeal at nagmeryenda katabi si Clara. Nagtikhiman naman ang mga kaibigan kong nagkukunwaring crew. "Hey, what now man? Ang tagal mo naman. Tanda mo na bahag pa rin ang buntot mo sa isang babae. Magtatanong ka lang kung pwedeng manligaw hindi pa naman kasal ang iaalok mo," pang-aasar sa akin ni Andrei. "Huwag niyong ipressure. Baka umurong iyan at si Brazeal pa ang manligaw," asar din sa akin ni Bryan at sabay silang nagtawanan. Napailing na lamang ako at hinataw ang dalawa ng dyaryo. Napadaing naman sila at masama akong tiningnan. "Damn, let's do this. Buhayin niyo na ang background music dahil sisimulan ko na. Sana ay pumayag siya," sabi ko sa dalawa. "Dude kung iniisip mo pa rin na masyadong mabilis, ilang taon mo na rin siyang hinihintay. Kutob ko rin namang gusto ka na niya. Ito na ang pagkakataon mo kaya huwag mo nang sayangin," payo sa akin ni Andrei. "He is right, Tate. Kutob ko rin namang may gusto sa 'yo si Brazeal. The way she looks at you ay parang may something," sabi naman ni Bryan. Napabuntong hininga na lamang ako at inilabas sa aking bulsa ang box ng kwintas. I bought her a Swarovski rose necklace. Nagsimula namang tumugtog ang kanta na Perfect ni Ed Sheeran kagaya noong sinayaw namin sa kubo. Nang marinig niya pa lang ang kanta ay napatingin na siya sa gawi ko. Naalala niya siguro. Nginitian ako ni Brazeal kaya naglakad na ako papalapit sa kaniya. Nang makalapit ako ay inilahad ko ang aking kamay sa harap niya kaya tinanggap niya naman ito. "Ma'am Brazeal, alis na po ako. Bigla po akong nababanyo," palusot ni Clara kay Brazeal at biglang tumakbo. Habol tingin naman siya kay Clara. Dinala ko na si Brazeal sa may tabing dagat habang hawak ang kaniyang kamay. Sa malilong kami na parte tumigil. "Tate ano ba ang trip mo?" natatawa niyang tanong. "Hey, please don't laugh at me after this. Lahat na yata ng katapangan ko sa katawan ay napiga ko," sabi ko kay Brazeal at lumuhod sa harap niya. Kita ko ang gulat sa kaniyang mata dahil sa ginawa kong pagluhod. Inilabas ko rin ang box ng kwintas at binuksan sa harap niya. It is either now or never. "Brazeal Inayica Viglianco, can I court you? I'm loving you from afar for about more than two years. I can't take it anymore and I want to ask you now if I can court you," kinakabahan kong tanong. Kita ko naman ang panunubig ng mata ni Brazeal. Parang piniga ang puso ko dahil sa nakita ko. "Ayan ka na naman sa pag-iyak ko, tears of joy ito ano ka ba. I like you, Tate. Pumapayag na ako. You can court me," naluluha niyang sabi. Abot tenga naman ang ngiti kong tumayo at sinuot sa kaniya ang kwintas. Mahigpit kong niyakap si Brazeal at rinig ko naman ang pagpalakpak ng mga kasama namin. "Hayaan mong iparamdam ko sa 'yo ang pagmamahal ko, Brazeal. Let me treat you as my queen. Gagawin ko ang lahat para iyang pagkagusto mo sa akin ay maging pagmamahal," masaya kong bulong habang mahigpit pa rin siyang yakap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD