Pakiramdam ko ay sobrang swerte ko na. Para akong nasa ulap at nakalutang kapag kasama ko si Tate. Hindi ko maipagkakailang hindi ko na lamang siya gusto. I love him at sino ba naman ako para hindi magustuhan ang isang Tate? Natakot lamang akong umamin sa sarili noong una. Natakor kasi akong masaktan but he is different from the others.
He is intelligent, productive, handsome, rich, and all the good traits are on him. Pero kahit wala ang mga iyon, I will still love him. Dahil hindi naman ako nahulog sa pera at itsura niya, sa ugali ako nadala at sa masuyo niyang pagsasalita.
Nakabalik na kami sa Manila at inaayos na lang ang release ng mga pictures, ads, at posters para sa bagong isla. Ako rin ang ginawa nilang ambassador dahil iyon ang gusto ni Tate. Sila na ang bahala dahil nakuha ko naman na ang aking sweldo. Laking pasasalamat ko sa kanila, that was a big opportunity.
Sobrang saya ko rin noong nasa isla kaming dalawa. Gumagala kami at nag-eexplore sa buong isla. Ang paborito ko ay tuwing gabi na nakatanaw kami sa mga butuin. I love it before the sun comes down at makikita ko ang sunset, lalo na at si Tate ang katabi ko.
Nalaman ko rin na siya pala ang kachat ko sa Mate. Nagtanong ito sa akin kung bakit hindi raw ako nagrereply na ikinataka ko. Iyon pala ay tadhana na mismo ang naglapit sa amin sa Mate pa lang. Nalaman niyang ako si Binay dahil sa picture at nickname ko. Napakagaling talaga ni Tate. Iyon daw ang dahilan kung bakit niya ako nireplayan. Pinilit daw kasi siya dati ng mga kaibigan niyang gumawa noon eh wala naman siyang interes.
Hindi naman na ako nagreply noon dahil mas gusto na ako kay Tate. Ayaw ko ng salawahan, that is not me. Loyal kaya ako kahit lagi akong niloloko noon.
Naupo naman ako sa veranda at tinanaw ang magandang labas. Nagliliwaliw muna ako dahil kinakabahan na ako para mamaya. Magpapacheck-up kasi ako dahil parang dumadami ang mga pasa ko sa katawan. Kutob ko ay may anemia na ako. Hindi na rin ako bumabata pa.
Sasamahan daw ako ni Tate mamaya sa check-up ko. Nag-aalala na rin siya sa akin. Mabuti na rin ang magpakonsulta para maagapan.
Maaga pa naman kaya kumakain muna ako. Nagluto ako ng scrambled egg at ipinalaman sa tinapay. Napakasarap ng ganitong agahan lalo na kung magandang tanawin ang bubungad. Ang magagandang buildings ng Manila. Hindi naman mausok dito lalo na kapag umaga.
Matapos kong kumain ay naligo na ako. Naghanda ako ng bubble bath para mapanatili ang ganda ng aking balat. Gusto ko ring mabango ako dahil magkasama kami ni Tate mamaya. Ayaw ko namang maturn-off siya sa akin.
Nagkuskos ako ng katawan at ginawa ang aking daily routine sa paliligo. Hindi ko rin nakalimutang maglagay ng lotion at face skin care. Mahalaga ito para manourish ang aking balat.
Matapos kong mag-asikaso ay namili na ako ng susuotin. Itong pink strawberry dress naman ang nakaagaw ng pansin ko. May truffles ito at maganda ang disenyo. Ito na lang ang susuotin ko, sana ay magustuhan ni Tate. Napangiti na lamang ako.
Sunod ko naman itong pinaresan ng white strap heels. Light make up na lamang ang inilagay ko at hinayaan kong nakalugay ang aking mahabang puting buhok.
Maaga akong natapos sa pag-aayos kaya tinawagan ko na si Tate. Ang sabi niya kasi ay susunduin niya raw ako at sabay kaming pupunta sa ospital.
Nagriring naman si Tate ang kaso ay ang tagal niyang sumagot. Napakunot naman ang noo ko nang hindi siya sumagot sa unang tawag and cannot be reach ito.
Tumawag ulit ako at sa pangatlong ring ay sumagot na siya. Baka hindi lang narinig o kaya ay may ginagawa.
"Hi Tate, tapos na kasi akong mag-ayos. Anong oras tayo aalis? Susunduin mo ba ako?" tanong ko sa kaniya.
"Hi Brazeal I'm sorry hindi kita masasamahan. May importanteng meeting kasi kami ngayon, I'm really sorry. Babawi ako next time. Mag-iingat ka," sagot ni Tate.
Napakagat labi naman ako. Ayos lang iyon, naiintindihan ko naman. Ang kaso hindi ko maiwasang hindi malungkot dahil umasa akong magkasama kami ngayon.
"Sige, ayos lang iyon. Ba-bye! pupunta na ako sa ospital. Ingat ka r'yan at huwag ka masyadong magpapagod," paalam ko at pinatay na ang tawag.
Tumingin muna ako sa salamin at ngumiti. Kinuha ko na ang aking shoulder bag at lumabas ng hotel. Kumuha pa man din ng leave si Shane kaya wala akong makakasama. Hayaan na, kaya ko namang umalis na mag-isa.
Pagkapunta ko sa parking lot ay agad akong sumakay sa aking kotse. Nagmaneho na ako papunta sa ospital at agad naman akong nakarating dahil hindi naman traffic.
Dumiretso ako sa lobby at tinanong ang floor ni Dr. Reyes. Pagkasagot naman ng nurse ay agad na akong sumakay sa elevator at nagtungo sa kaniyang opisina.
Pagtungtong ko sa pinto niya ay bumuntong hininga muna ako. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok.
"Oh dear, good to see you! On the other hand, bad na rin. Kasi may problema na naman sa health mo," nakangusong sabi ni Dr. Reyes.
"Good to see you too, beshy. Game na ba?" nakangiti kong tanong.
Ngumuso naman si Ricardo Reyes, Rica sa gabi, at niyakap ako. Magkaibigan kami mula pa noong highschool. Classmate kami dati at close din siya kay Clouie.
"So ano ang problema ngayon madam?" tanong niya.
"Nagkakaroon kasi ako ng mga parang pasa sa katawan. Natatakot ako dahil baka kung ano na ito kaya gusto kong ipatingin," sagot ko.
Tumango naman si Rica at nagsulat. Gumaganda ang beking ito ah. He is a transgender at mukhang blooming ito. Marahil ay may love life na ang lola mo.
"Hmm, so magrurun ako ng iba't ibang test. Katulad ng sabi mo ay baka anemia dahil may history ka na noon but let's see. I wanna check your eyes na rin dahil baka mas lumabo. Isinumbong sa akin ng PA mo na hindi mo raw sinusuot ang salamin mo at laging nakakalimutan. Pagagamitin na kita ng contact lenses eh. Sa akin ka na rin magpacheck-up lagi at huwag na sa ibang doktor ha," saway sa akin ni Rica.
"Sorry, nakakalimutan ko kasi talaga minsan. Kapag naalala ko lang isinusuot," palusot ko naman.
Matapos ng ilang chikahan ay nagtungo na kaming dalawa sa baba ng ospital kung saan ako kukuhanan ng dugo, ihi, x-ray, at kung ano-ano pang examination. Ang kutob kasi ni Rica ay baka raw skin problem ko ito dahil sa itsura ng pulang kung ano ko sa likod. Prone kasi kaming may mga albinism sa skin problems kaya alagang-alaga ko ang aking balat.
Pagkatapos ng mga test ay pinapabalik ako ni Rica after three days para makita ang resulta. Full result na raw iyon at kumpleto ang findings. Marami-rami kasi ang chineck sa akin na posibleng maging sakit dahil sa albinism ko.
Nagpaalam na ako at nagpasalamat kay Rica pagkatapos at lumabas ng ospital. Nagring naman ang cellphone ko at kaagad itong sinagot.
"Hi Brazeal," bati ni Clouie.
"Hello Clouie napatawag ka yata?" masaya kong tanong kay Clouie.
"Where are you? May mga busina akong naririnig, siguro nasa labas ka. Open your f*******: account be. Check mo ang bagong post ni Andrea Leigh," sabi niya at pinatay ang tawag.
Napakibit balikat naman ako at sumakay na sa kotse. Agad naman akong nagmaneho pauwi dahil nacurious din ako kung ano iyong sinasabi ni Clouie. Siguro ay bagong chika sa supermodel sisters. Hindi naman ako masyadong interesado sa buhay nila pero nakakacurious pa rin.
Pagdating ko sa aking hotel room ay nagbihis na ako at nagpalit ng silk sleeping coordinates. Binuksan ko na ang laptop at agad nagsearch.
Nakita ko naman ang bagong post ni Andrea at kuha niya ito sa kapatid niyang si Hannah Leigh na may kausap na isang lalaki. Ang sumunod pang picture ay nakayakap si Hannah roon sa lalaki.
Ang caption ni Andrea ay approved. Mukhang boto ito sa lalaki at tiyak kong kilala ko kung sino iyon. Hinding-hindi ako nagkakamali.
"I thought ako ang gusto mo Tate? Sabi mo ay may meeting ka? Bakit ka nakikipagdate ka kay Hannah Leigh? Nagsinungaling ka pa sa akin. Kitang-kita ko ang mukha mo rito sa post na pinagkakaguluhan na ng mga tao," malungkot kong tanong habang nakatitig sa aking laptop.
Paluha ko namang kinuha ang cellphone ko at itinext si Tate kung nasaan siya. Agad naman din siyang nagreply.
Tate:
Nasa opisina ako at nakabalik na. Nakakapagod ang meeting ko with some investors. Wish you were here.
Doon na pumatak ang mga luha ko. Investors ng kumpanya o nag-iinvest na siya ng feelings para sa iba? Akala ko naman ako lang, Tate. Bakit may Hannah na?