"Ingat kayo Brazeal ha. Ingatan ang sarili mo saka mga bilin ko ha. Saka don't forget my pasalubong!" masayang sabi sa akin ni Clouie.
"Oo naman, inchendes madam. Mag-iingat kami at babalitaan kita. Naipaalam naman na ako ni Tate sa manager natin at sa kumpanya. Wala pa naman din akong bagong project for the mean time," nakangiti ko ring sabi.
Sinara na namin ang maleta. Nagpunta rito si Clouie para tulungan akong mag-ayos ng gamit. Supportive talaga itong bestfriend ko pagdating sa aking love life. Kaya mahal na mahal ko itong si Clouie eh.
"Una na ako ha, may meeting pa ako sa bago kong magiging business partner. Mag-iingat ka and don't forget na itext ako. Huwag ka ring masyado magbibilad sa araw Brazeal," bilin ni Clouie.
"Yes madam, mag-iingat ako. Ikaw rin ha and goodluck sa iyong business!" masaya kong sabi.
Inihatid ko si Clouie hanggang sa elevator bago ako bumalik sa aking unit. Naligo na ako at nag-asikaso. Excited na ako para sa pag-alis namin mamaya ni Tate dahil first time kong makakarating sa USA. Ang napuntahan ko pa lang na bansa dati ay South Korea, Brazil, England, at Russia kung saan kami nagkaroon ng photoshoot. Nakuha na kasi akong modelo ng Vogue at nakuha na rin ako sa mga sikat na fashion shows.
Pagkatapos kong maligo ay kaagad akong naghanap ng maisusuot. Summer pa sa amerika kaya humanap ako ng damit na maaliwalas at presko.
Napili ko naman ang pantalon kong white leg jeans with matching puff long sleeves na crop top na kulay sky blue. Pagtingin ko sa salamin ay napangiti na lamang ako. Habang patagal nang patagal ay mas na-aappreciate ko na ang aking ganda.
Naglagay naman ako ng lip and cheek tint. Sunod naman ay kinuha ko na ang Chanel kong bag at inilagay ang mga kailangan ko rito.
Nang matapos kong ayusin ang aking damit, mukha, at mga dadalhin ay nagsuot na ako ng heels. Hinila ko na ang maleta ko palabas at isinara ang aking unit.
Hindi kami magkasabay ni Tate dahil mauuna na siya roon. Medyo malayo kasi ang bahay niya at bumalik pa siya para kumuha ng mga damit. Nag-insist naman siyang ihahatid ako at sabay na kaming pupunta sa airport kaso ang sabi ko ay huwag na. Si Shane na ang maghahatid sa akin para iuuwi niya pabalik ang kotse.
Pagdating ko sa lobby ay nabutan ko si Shane na nakaupo at tumitingin ng magazine. Vogue pala iyon at ako pa ang nasa front page. Natawa na lang ako at nakipagbeso kay Shane.
"Let's go na madam?" tanong ni Shane.
"Daan tayo sa fast food at makaorder muna ng pagkain. Parang gusto ko ng coke float at peach mango pie," sabi ko kay Shane.
"Oki doki madam," tugon niya naman at tinulungan ako sa maleta.
Pumunta na kami sa parking lot at sumakay sa kotse. Siya ang magmamaneho habang nasa passenger's seat naman ako.
Nag-umpisa na kaming magroadtrip habang nagpapatugtog pa. Nang mapadaan naman kami sa isang fast food ay dumiretso si Shane sa drive-thru.
Ibinaba niya ang salamin kaya dumungaw naman ako sa gawi niya. Binati naman kami nung cashier at tinanong ang order namin.
"Tatlo nga pong coke float, tatlong peach mango pie, at tatlong ring ube pie. Pasamahan na rin pala ng isang sundae," order ko.
"Ay ma'am kayo po ba si Brazeal Viglianco? Ang ganda niyo po pala lalo sa personal! Pwede pong manghingi ng autograph?" tanong ng cashier.
Tumawa naman kami ni Shane dahil hyper na hyper si ate. Inabutan niya ako ng panyo na pinirmahan ko naman. Pagkatapos ay inabot na niya ang order namin.
"Salamat!" pasalamat ni Shane sa cashier at umalis na kami.
Halos fifteen minutes din bago kami nakarating sa airport. Medyo traffic na kasi lalo na at summer pa.
Sa harap ako ng airport idinaan ni Shane. Nang magkatitigan kami ay nakanguso na siya.
"Oh bakit?" tanong ko.
"Mamimiss kita madam eh," nakanguso niyang sabi.
Nagyakapan naman kaming dalawa. Sinabi ko naman siya na ilang linggo lang kami roon. Ngumuso lang si Shane kaya napailing na lamang ako.
Bababa na sana ako ng kotse nang makita ko si Tate. Lihim naman akong napangiti dahil napakagwapo nito sa suot niyang black polo shirt at khaki pants.
Tinitigan ko pa si Tate bago ko napagdesiyunang lumabas. Kakabukas ko pa lang ng pinto nang mapakunot ang noo ko sa aking nakita.
Lumapit si Hannah Leigh kay Tate. Kita ko pa ang pagngisi ni Tate nang makita siya.
"Madam nakikita mo ba ang nakikita ko? Huwag kang lalabas! Tingnan natin kung may relasyon nga ang dalawang iyan," sabi ni Shane pero hindi ko siya nilingon.
Nakatitig lamang ako kay Tate at Hannah na nag-uusap. Baka sa isang lingat ko ay may malakdawan akong gagawin nilang dalawa.
Nagyakapan naman si Tate at Hannah kaya parang pinipiga na ang puso ko. Hinalikan pa ni Hannah si Tate sa pisngi at pinisil ang pang-upo. Oh, j-jusko po.
"T-Tate," nanghihina kong tawag sa kaniya.
Napaiyak na ako at hagulgol dahil sa nakita. May relasyon nga ang dalawa at tama si Clouie noon sa ipinakita niya. Hindi lamang pala ako maling akala.
"Umalis na tayo, Shane. Wala na dapat kaming pag-usapan pa. Ang tanga ko Shane eh. Nagpaloko ako kay Tate," nanghihina kong sabi habang lumuluha.
Hindi na nagsalita pa si Shane at hinayaan akong umiyak para mailabas ang hinanakit ko. Nagmaneho na lang siya paalis sa airport.
Tinanaw ko na lamang si Tate habang palayo kami. Akala ko, ikaw na talaga. Akala ko lang na naman pala.