CHAPTER 10

853 Words
Naging usapan sa business world maging sa showbiz ang relasyon naming dalawa ni Tate. Naging laman ito ng dyaryo maging mga balita sa social media. Wala naman akong nakikita na violent reaction mabuti na lamang. Baka hindi ko rin kayanin kung may makikita man ako. Marami sa mga katrabaho ko ang bumabati sa amin maging si Clouie ay masaya siya para sa akin. Finally raw ay may lalaki nang seseryoso sa akin. "Baby, come here." Rinig kong tinawag ako ni Tate kaya napalingon ako sa kaniya. Naglalaptop siya at may inaayos yata siya sa trabaho. Tumayo naman ako rito mula sa veranda at pumunta sa tabi niya. Ang ganda ng rest house niya rito sa Quezon Province at dinala niya ako rito para magpahinga at magpahangin. "Bakit ano po ang maitutulong ko?" malambing na tanong ko at niyakap siya sa tagiliran. Tumigil naman si Tate sa ginagawa niya at niyakap din ako pabalik. Every single day, pinaparamdam niya sa akin kung gaano niya ako kamahal. Napakaswerte ko kay Tate dahil sa wakas ay nakatagpo ako ng gugustuhin akong makasama habang buhay. A person who loves me dearly. Hinalikan niya ako sa noo at inayos ang buhok ko. I can't believe that he is already mine. Hindi rin ako makapaniwalang binigyan ako ng ganito kagwapo at kabait na boyfriend. "Look at this one. Maganda ba ang hotel o humanap ako ng iba? Modern style ang mga rooms nila at maganda ang ratings ng mga kumukuha sa kanila ng kwarto. It is also a five star hotel," tanong ni Tate. Napakunot naman ang noo ko habang nakatingin sa mga pictures ng hotel lalo na nang makita ko ang presyo ng one night stay. Nasa halagang 600usd na! "Grabe ang mahal naman ng stay r'yan! Maganda ang hotel kaso masyadong mahal. Gusto ko iyong elegant vibes niya pero may mas mura pa naman d'yan," sabi ko. "Baby, huwag mong tingnan ang presyo. Sa quality ka titingin okay? Wala ring sayang sa pera kung ikaw naman ang makakasama ko," malambing na sabi ni Tate at hinalikan ulit ako sa noo. Napaawang naman ang labi ko habang nakatitig sa kaniya. Mahina namang tumawa si Tate at isinara ang bibig ko. "Ako? Isasama mo ako r'yan?" tanong ko. "Yes, pupunta tayong United States the other day. I want to treat you at gusto ko ring makapagbakasyon kasama ka. Inasikaso ko na rin ang tickets at passport mo. Sa private plane ko pati tayo sasakay," sagot ni Tate at kinindatan ako. "Talaga!?" masaya kong tanong. Dinamba ko ng yakap si Tate kaya napahiga kami sa kama. Tumawa naman siya at ginulo ang buhok ko. "Excited ka na? Don't worry, mag-eenjoy tayong dalawa. Gagawin kong memorable ang bakasyon nating iyon para sa 'yo," malambing na sabi ni Tate. Mahigpit ko siyang niyakap at sininghot ang natural niyang amoy. Nakasuot siya ng sweater at pajama na checkered. Kahit nakapambahay si Tate ay napakagwapo pa rin niya. Pagkatapos niyang magbook ay bumaba na kami sa 1st floor nitong bahay. Niyaya ko na si Tate ulit na kumain, nagugutom na kasi ako. Pagdating namin sa kusina ay umupo ako sa may bar counter. Si Tate naman ang nagkuting-ting ng makakain namin sa ref. Habang naghahanda si Tate ng memeryendahin namin ay naglibot ako rito sa bahay niya. European style ang disenyo nang loob ng bahay niya habang ang labas ay modern style. Brown, white, gray, at black naman ang color combinations. Paniguradong napakamahal ng pagawa niya rito. Lumabas ako at nagpunta sa garden. May mga tanim dito na rosas kaya pumitas ako ng isa. Bumunot din ako nang bulaklak ng santan para gawing bracelet. Luminga-linga pa ako dahil baka mahuli ako ng hardinera ni Tate. Mukhang mataray pa man din si Manang Jena. Umupo ako sa may lilong na bench. Inilagay ko sa aking gilid ang rosas at sinimulang pagdugsong-dugsungin ang mga bulaklak ng santan. Kinakain ko rin ang matamis na katas nito. "Nandito ka lang pala," rinig kong sabi ni Tate kaya napalingon ako sa pinanggalingan niya. Nasa may sliding door pala ito. Nginitian ko si Tate at umupo naman siya sa tabi ko. Inilapag niya naman sa gitna namin ang dala-dala niyang tray na may lamang bowl ng prutas at dalawang baso ng orange juice. "Salamat," sabi ko at kumuha ng strawberry. Tahimik kaming kumain ni Tate habng gumagawa ako ng bracelet na gawa sa santan. Nang makatapos ako ng dalawa ay sinuot ko sa kaniya ang isa. "Ayan para couple tayo. Huwag mong iwawala ha kahit ganiyan lang," natatawa kong sabi. "How sweet, I'll keep this. No matter how simple or cheap your gift was as long as galing sa 'yo, itatago ko. Lalo na kung handmade," nakangiti niyang sabi at kinuhanan pa ng litrato ang braso naming dalawa. Napangiti na lamang ako habang nakatitig kay Tate. Kahit santan lamang na bracelet ang ginawa ko ay appreciate niya iyon. How lucky am I to have this man. Pinagsalikop ni Tate ang kamay naming dalawa habang kumakain at nakatanaw sa bakuran. We watched and stayed in that position hanggang sa makita at maabutan namin ang pag-ulan. Napakasaya ko na. Thank you, Taterson.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD