____________________________
—CHRISTOPHER POV—
Time check. 6:15 pm.
Nandito pala ako ngayon sa KleinShire. Wala, gusto ko lang silang bisitahin. Actually si Earl pala ang binisita ko dito.
Napangiti na lamang ako kapag naalala ang nangyari sa gabing iyon. Kung ano? Huwag kayong atat. Malalaman niyo din mamaya. Hahaha.
Kaya din ako nandito dahil gusto kong magpasalamat sa kaniya ng personalan.
Kumatok muna ako sa pintuan sa opisina niya. Wala naman akong narinig na sagot kaya pumasok na lamang ako.
Pagpasok ko naman ay wala akong nakitang Earl. Pero nakabukas yung laptop niya. Kusa na lang naglakad ang nga paa ko papunta don. Weird nga eh. Parang may powers ako noh? HAHAHA Baka nga talaga kay powers ako.
Tiningnan ko ang screen ng laptop niya. Isang post ni Agatha na isang sikat na designer din, tapos ay may kasama siyang isang gwapong lalaki
'Eh ano namang naka-connect neto kay Earl? Baka nag-scroll scroll lang siya sa sss ta's napahinto dito. Ako kasi, judgemental eh!'
Napalingon naman ako sa pinto dahil bumukas ito, umayos na din ako ng tayo. Iniluwa doon si Earl.
"Cris?" Yung tono ng boses niya ay yun btaw'ng galing lang sa kakaiyak
"Uhm Earl sorry kung pumasok ako kahit wala ka. Huwag kang mag-alala, wala naman ako ditong ginalaw or what so ever dito" sambit ko at medyo lumapit sa kaniya.
"Ok lang Cris. I trusted you" lumapit ito sa lamesa niya. "Bakit ka pala nandito Cris? May kailangan ka ba sa akin?"
"Naalala ko kasing di pala ako nakapagpasalamat ng personalan sayo. Kaya ako nandito ngayon... Maraming salamat Earl" saad ko at nilapitan siya.
"Walang anuman Cris" sambit niya sabay upo sa swivel chair niya kaya't umupo na lang din ako sa upuan na nandito sa harap ng table niya.
"Salamat talaga. Tsaka, pwede bang magtanong?" Di naman ito sumagot, busy lang siya sa laptop niya.
"Ka-ano ano mo ang lalaki na kasama ni Miss Agatha sa pic?" Di ko alam kung bakit ko yan natanong. Tiningnan niya tuloy ako ng emotionless na mukha.
"No personal questions diba? Number one rule!"
Kaya pala natanong ko yun kasi feel ko may ugnayan or something sila ni Earl.
"Ang daya mo naman! Yun lang eh! Bakit ba? Importante sayo ang lalaking yun? Kwento ka naman!"
"Ayoko. Ayoko. Ayoko. Period!" Emotionless pa din niyang saad.
"Okie! Di ba sabi nila, huwag mamilit sa tao kung ayaw naman" balik ulit ito sa ginagawa niya.
Ilang segundong tumahimik ang paligid kaya nakaramdam ako ng pagkaboring. Ng bigla akong may naalala na ikinangisi ko. Sakto din na tumayo si Earl at may kinuha doon sa mga folder.
_________________________
—MHEARL POV—
Habang may hinahanap akong isang folder ay--
"Earl, nagustuhan mo ba?"
Nagulat ako sa biglaang pagsalita ni Cris sa tenga ko. Tapos yung boses niya ay nay pagkaharas na hindi ko naman nagustuhan. Tapos ay ano nga ulit yung sinabi niya?
"Huh?" Owemjiiee ang lapit pala ng mukha namiiinnn.
"Wala ka naman sigurong amnesia noh para makalimutan yung nangyari nung gabing dinala moko sa condo mo"
He cornered me na naman. Itinakip ko na lang yung folder sa bibig ko baka kasi magkahalikan kami.
Teka... Halikan???? Owemjieee yun yung ibig sabihin sa sinabi niyaaa!! Waaaahhhhh
"Nakalimutan mo talaga? Or gusto mong sabihin ko pa" nakangiti pa siya kaya di ko mapigilang di mainis.
"Oo! Naalala ko na!" Saad ko habang nakatakip pa din sa harap ng bibig ko ang folder.
Unti-unti naman niya itong tinanggal, at pinigilan ang isang kamay ko na huwag ibalik ang folder.
"Earl, tutal tayo lang naman dalawa dito. Gusto mo ba ulitin natin yun?"
'Teka lang... Gising talaga siya nun? TAKTTTEEEE!!!'
"Hindi!" Padabog na pagkasambit ko ngunit isang ngisi lang ang nakuha ko mula sa kaniya.
"Pero para sa akin e gusto ko"
'Sh*t! Buti napigilan ko ang kilig ko'
Itinikom ko naman ang aking bibig at siya naman ay lumalapit sa akin.
Not until....
"EEAAARRRRLLLL!!"
'Teka.. Boses yun ni Cris ah?'
Idinilat ko ang aking dalawang mata at pagdilat ko naman ay nagulat na lang ako dahil nakatayo lang pala si Cris sa inuupuan niya kanina at taka lang ang mukha netong nakatingin sa akin.
'Sh*t! Imagination ko lang ang nangyari kanina? Owemjieee ka sellffff!!!! Sobrang nakakahiyyyyaaaa!!!'
"Uy Earl! Bakit wala kang imik diyan? Yung phone mo kanina pa nagri-ring!"
Tinakbo ko na lang yung phone ko.
'Di talaga ako maka-get over! Paano kung nakita niya akong parang baliw kanina? Isa kang malaking kahihiyan Earrrlllll!!!'
_____________________________
—CHRISTOPHER POV—
Napa-smirk ako kay Earl. Tapos ay tumawa ng patago. Habang siya'y sinasagot niya yung tawag medyo malayo sa akin.
Alam niyo guys, totoo naman yung nangyari kanina. HAHAHA. Tinakasan ko lang siya at bumalik sa upuan hehe. Hehe. Sorry na lang kung nagalit kayo sa akin. Tapos sakto din dahil may tumawag sa phone niya at tinawag ko si Earl ta's umarteng parang walang nangyari.
Tapos na ang tawag ni Earl at bumalik naman kaagad ito sa upuan niya. Pero parang bad mood ata siya, dahil padabog siyang umupo. Dahil ba sa nangyari kanina lang? HAHAHA
"Earl dito muna ako ah? Uuwi din naman ako mamaya" saad ko sabay ang pagtayo.
"Bahala ka sa buhay mo. Basta huwag mo lang akong guluhin dahil nagtratrabaho ako dito" aniya habang di pa din tumitigil sa ginagawa niya.
"Okay!" Sagot ko na lang at nagpunta dito sa di katamtamang laki na lamesa.
May bigla namang sumagi sa aking isipan.
***FLASHBACK***
"Kailan ka ba babalik sa pagguhit kuya? Sayang din naman kasi"
Ilang segundo muna ang lumipas bago ako nakasagot. Inilagay ko muna sa gilid ko ang mga artwork na hawak ko. At bumuntong hininga pa ta's tiningnan siya
"Sa tamang panahon Niel" sabi ko sabay gulo ulit sa kaniyang buhok at ningitian
***END OF FLASHBACK***
Napangiti na lamang ako dahil dun. Tiningnan ko uli si Earl, busy pa din ito sa ginagawa niya.
Binuksan ko na lang ang sling bag ko at kinuha ang sketch pad na binili ko noon at lapis na din. At nagsimulang magguhit.
Sinong iguguhit ko? Secret muna hehehe.
________________________________
—ASH POV—
Kumakain kami ngayon ni Rica sa may street foods. Dadalhin ko nga sana siya sa mamahaling restaurant eh pero hindi raw niya gusto. Kaya ito kami. Sinunod ko na lang siya. Mahal ko siya eh. Hehehe.
"Ash?" Napalingon naman ako sa kaniya "Hindi ko pa talaga alam kung pupunta ba ako sa inyo bukas. Nakakahiya din naman kasi"
Oo nga pala. Yung about bukas.
"Pupunta ka talaga Rica?"
"Oo. Nangako na kasi ako sa papa mo. At nagui-guilty ako kapag hindi ko tinutupad yung mga pinapangakuan ko"
'No! Hindi siya dapat pumunta! Sigurado akong magkikita sila ni Rey! Patay na!'
"Ash okay ka lang? May problema ba?"
Ipinakalma ko muna ang sarili ko
"Wala. Change topic tayo Rica. Tanong ko lang ba.... Galit ka pa din ba sa ex mo? Si Rey?"
"Oo naman. Pagkatapos ng aming hiwalayan ay hindi na kami nagkita o nagka-usap pa. Hanggang sa nabalitaan ko na lang.... Bumalik pala siya sa probinsiya nila"
"What if dadating yung araw na aksidente kayong magkita? And he will ask na mag-usap kayo. Papayag ka ba?" Saad ko
"Hindi ko alam. Pero baka. Gusto ko malaman kung bakit kami madaming minahal niya or sadyang babaero lang talaga siya" aniya
"Pero what if he ask... Maging kayo ulit? Papayag ka ba Rica?"
"Anong mga klaseng katanungan yan Ash?! Syempre hindi noh! Hindi ko na babalikan yung lalaking nanakit sa akin. At tsaka Ash, nandiyan ka naman. Kuntento at masaya na ako sayo"
Hindi ko naman mapigilang ngumiti sa sinabi niya
'May pag-asa pa pala ako kay Rica. Yung Rey na yun ay wala na. HAHAHA'
______________________________
—SOMEONE'S POV—
Nakaupo lang ako ngayon sa aking opisina. Habang hawak ang litrato ng dalawang nagwagwapohan kong anak.
'Miss na miss ko na kayo mga anak ko. Tama nga ang hinala ko na kayo ang mga anak ko.... Sana mapatawad niyo kaagad ako kapag dumating yung oras na muli naman tayong magkita at malaman niyong ako ang mama niyo' saad ko sa isipan.
Bumukas naman ang pinto at iniluwa doon ang sekretarya ko.
"Maam, ito na po ang ipinapautos niyo sa akin" sambit niya
"Do you think magugustuhan nila yan? Baka hindi kasi" malungkot kong saad
"Magugustuhan nila ito maam. Dahil galing sayo"
"Sige. Umalis ka na at mag-utos ng dalawang tauhan para ihatid sa kanila yan"
"Masusunod po maam"
Sinimulan ko na ang pagbawi sa inyo mga anak ko. Gagawin lahat ni mama mapatawad niyo lang ako.
Mahal na mahal ko kayo mga anak.
..
********************
TO BE CONTINUED.....