_____________________________
—NATHANIEL POV— (SUNDAY)
Super excited akong gumisng. Matagal-tagal na din naman kasing hindi kami nakapag-bonding ni kuya. Kaya super excited ako ngayon.
Palabas ako ng bahay ngayon dahil maglilinis ako. Habang binubuksan ko yung pinto at lalabas na sana ng may napansin akong kakaiba sa may baba. May dalawang green na supot ang nandun.
Kinuha ko naman ito at tiningnan-tingnan 'Para kanino naman ito? Sa amin ba? Pero isang malaking imposible' saad ko sa isipan
Tiningnan ko naman ang mga kapitbahay namin, sirado pa lahat. 5:30 pa ng umaga eh.
Tiningnan ko naman kung ano ang laman ng nasa loob. Baka kasi may bomba palang inilagay. Pumasok na lamang ako sa loob bitbit nung dalawang supot
_____________________________
—CHRISTOPHER POV—
Nandito ako ngayon sa cr. Maaga akong naligo kaya ginagamit ko na ngayon ang mga ibinigay sa akin ni Earl. Grabe talaga, mas lalo akong kuminis haha nagsasabi lang ng totoo.
Pagkatapos kong magpahid ng cream ay tiningnan ko naman ang napakagwapo at napakakinis kong mukha sa salamin. Ilang segundo ko itong pinagmasdan at nagpasya ng lumabas.
Paglabas ko naman ay nakita ko si Niel at may dala itong dalawang supot na ikinataka ko.
"Kuya! Nandiyan ka pala!" Inilapag niya yung dala niya sa mesa, nilapitan ko naman ito.
"Niel, kanino yan galing ang mga yan?" Takang tanong konsa kaniya
"Hindi ko alam kuya. Nakita ko lang siya sa labas" saad niya "Tingnan mo kuya, may grocery tapos mga damit" masaya pa niyang sambit habang ako dito ay galit at nagtataka ang mukha.
"Tinanggap mo yan kahit hindi mo kilala kung sino ang nagbigay? Yan ba ang itinuro ko sayo Niel?" Medyo napataas ang boses ko
"Kuya di ko nga alam kung sino ang nagbigay. Nakita ko lang siya sa labas, diyan mismo sa pinto" nagpatuloy pa din siya sa pagtingin kung anong meron sa loob.
"Itigil mo yan Niel. Baka hindi satin yan. Nagkamali lang" saad ko
"Tinitingnan ko lang naman kuya" hinayaan ko na lang siya. Umupo ako sa upuan na nandito sa kusina.
"Basta remember Niel, maraming manloloko ngayon. Huwag kang magpapaniwala kahit sino. Tsaka yan! (Tinuro ko yung supot) Baka sa masamang tao yan galing. Kaya be aware" naka-crossed armed kong sambit
"Kuya! May letter oh!" Nagulat naman ako sa sinabi niya
Tapos ay binasa na ni Niel ang nakalagay sa sulat "To Christopher Enrile at Nathaniel Enrile. Sana magustuhan niyo ito. From secret person?" Pareho naman kaming nagtaka
'Talaga ngang sa amin ang mga yan. Pero sino si secret person?'
"Kuya sino kaya si secret person. Bakit niya tayo binigyan ng mga ito? Importante ba tayo sa kaniya? Kilala ba natin siya?"
"Wala din akong idea Niel. Pero kung sino man siya, salamat sa kaniya" saad ko sabay tumayo na
"May gutfeeling ako kuya na kilala natin siya. Ambait naman niya kuya noh"
"Oo nga eh. Kaya sana makilala natin siya"
****FAST FORWARD****
_____________________________
—ASHTER POV—
Time check. 7:35 am.
Paalis ako ngayon kasi nga diba susunduin ko si Rica? Ang aga kong pumunta noh? Hehe.
Huwag kayong jugdemental, sabi kasi niya ay magsisimba muna raw siya kaya sinamahan ko na. Pagkatapos ng misa ay diretso agad kami sa bahay. Hehe excited na nga ako na may halong kaba.
Habang papalabas ako ay bigla akong napahinto dahil nakita ko si Rey bumababa ng hagdan. At parang aalis ata.
"Uy Rey! Aalis ka?" Huminto naman ito sa harap ko
"Ah oo. Tama ka. Parang gagabihin din ata ako ng uwi" aniya na ikinangiti ko ng patago
'Yess! Wala siya dito mamaya!'
"Ikaw Ash, parang may lakad ka din ah?!"
"Ahh oo. May pupuntahan lang na kaibigan. At magsismba na din" sagot ko
"Naks! Ang bait naman ng pinsan ko!" Sambit niya
"Kaya sana magbago ka na din" bulong ko pero narinig niya ata e
"Huh? Ano yun Ash?"
"Ahh wala! Sabi ko aalis na ako, malapit na kasing mag-alas otso. Alas otso kasi simula ng misa" sabi ko dito
"Mag-iingat ka!"
"Ikaw din!"
Tuluyan na nga akong lumabas ng bahay.
Habang naglalakad ako patungo sa kotse ko at habang nilalaruan ko ang susi ko sa daliri ko ay hindi ko mapigilang hindi mapangisi
"Hays! Salamat, aalis ang epal" bulong ko
****FAST FORWARD****
Nandito ako ngayon sa bahay nila Rica. Hinihintay ko na lang siyang lumabas. Siya lang din pala ang naiwan sa bahay nila dahil si Tita at yung kapatid niya ay nauna na raw'ng magsimba.
Napalingon ako dun sa kuwarto dahil biglang bumukas. At iniluwa na nga ang napakaganda at mala diyosang binibini ko. Tumayo naman ako ng may mga ngiti sa labi.
Nakasuot si Rica ng isang simple color maroon fitted dress. Kaya nakakaakit yung kutis niyang mapuputi, with shoulderless (tama ba?) tapos ay may kwintas siya at sapatos niya ay puti. Bagay na bagay lang. Parang kami lang. Sobrang bagay. Ayieee. Kinilig tuloy si me.
"Uy Ash!" Nabalik na lang ako sa realidad ng hinampas niya ako. "Yung titig na yan ah?! Baka masapak kita! At yung laway mo oh! Tutulo na"
Hindi ko naman pinansin ang kaniyang sinabi "You look so beautiful Rica. Ngayon ko lang nakita na ganyan ka pala manamit" saad ko
"Hoy FYI! Ngayon lang toh! Baka mapapahiya lang ako kung iba ang sinuot ko. Mayayaman kaya yung mga magulang mo! Kaya gusto kong presentable ako sa harap nila. At syempre maganda"
Pero medyo hindi ko nagustuhan ang damit niya. Too sexy kasi.
Hinubad ko naman ang jacket ko at iniabot sa kaniya "Suotin mo Rica"
"Huh? Bakit naman?! Huwag na!"
Lumapit naman ako medyo sa kaniya "Isusuot mo o ako ang magsusuot sayo?"
Wala naman siyang ibang nagawa kundi suotin ito.
Medyo lumapit naman ako sa tenga niya "Ayokong tingnan ka ng ibang lalaki diyan. Ayokong bastusin ka nila. Cause you know what? Sa akin ka lang. Mahal na mahal kita aking Rica"
Ng nakita kong namula ang pisngi niya ay kinilig din ako
"Tara na Ash! Magsisimula na yung misa!" Nahila na niya ako
****FAST FORWARD****
______________________________
—MHEARL POV—
Si Ross at Elaine na lang ang ipinamahal ko dito. May tiwala naman ako sa mga yun kahit na minsan may pagkabaliw. May sakit sa utak.
Papalabas na sana ako ngayon para hintayin si Kuya Patrick ng biglang kay tumawag sa pangalan ko galing sa aking likuran.
"Mhearl Balmonte?" Isang boses babae na hindi pamilyar sa akin. Hindi ko man siya nakikita ay ningitian ko ito.
"Yes po maam?" Nakangiting sambit ko sabay harap sa kaniya
Mga nasa 40's na siya pero hindi halata dahil napakaganda pa din neto na parang isang teenager lang. At halatang mayaman ang ginang na ito.
"Can I talk to you? Importante lang" hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaba at taka
"Sige po. Doon sa opisina ko" sagot ko na lang at umuna nang maglakad patungong opisina.
_____________________________
—AGUSTIN POV—
Nasa sasakyan kami ngayon ni Patrick. E syempre, siya ang nagmaneho di ko naman alam kung paano magmaneho.
Napalingon na lang ako sa labas dahil huminto ang kotse niya. At nakita ko ngang nandito kami sa KleinShire?
Taka kong tiningnan si Patrick at magtatanong na sana ako ng magsalita ito.
"Kasama natin ang kapatid ko. Si Earl" saad niya.
Napatango-tango naman ako at minabuting tumahimik muna.
Napalingon ulit ako dun sa KleinShire dahil biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang mga taong nag-uusap. Si Earl lang pala tapos ay may kasama siyang isang may katandaang babae. Hindi ko namukhaan. Basta sigurado akong hihimatayin.
Nagpaalam na sila sa isa't-isa at naglakad na nga si Earl papunta sa direksyon sa kotse ni boss Pat.
'Teka lang. May tanong ako ba..... Diba magkapatid sila Patrick at Earl? Pero bakit hindi sila magkamukha?' Aniko sa isip
"Earl, sino yun?" Nabalik na lang ako sa realidad dahil biglang nagtanong si Patrick, sakto din ang pagpasok ni Earl sa kotse.
Ilang segundo ang nagdaan bago makapagsalita si Earl. Medyo namumutla siya at ang lalim ng iniisip.
"Ah wa-la ku-ya. Custo-mer lang yu-n" plus, nauutal pa siya ngayon.
"Ah sige. Si Agustin pala, isa sa nga empleyado sa kompanya" sambit ni Pat.
Hinarap ko naman si Earl at ningitian. Nakatingin din pala ito sa akin.
"Magandang umaga sayo Earl. Nice meeting you" sambit ko
"You too Agustin" suplado talaga 'tong si Earl! Di man lang ngumiti.
Umayos na lamang ako ng upo tapos ay tumingin sa labas ng bintana. Pagtingin ko naman dito kay Earl sa may salamin sa labas ng bintana ay nakatingin din pala ito sa labas.
At base sa reaksyon ng mukha niya ay di siya mapakali. Parang may bumabulabog sa kaniya. May problema siya. Doon ata sa ginang na kasama niya kanina lang.
'I don't think if it's true. Hehehe'
..
********************************
TO BE CONTINUED.......