CHAPTER 23

1438 Words
_____________________________ —RICA POV— Pagkatapos ng misa ay dumiretso kaagad kami ni Ash sa bahay nila kaya sobrang kaba ko ngayon. Habang papalapit ng papalapit, mas lalong kumakabog ang aking dibdib. Nandito na pala kami. Hininto na ni Ash ang sasakyan niya. Bumaba naman siya at pinagbuksan pa ako ng pinto. Paglabas ko ay nakatingin lang ako sa buong bahay nila. Napakalaki at pangmayaman talaga. Napakalinis pa ng paligid. "Should we go inside?" Napalingon ako kay Ash, hawak pala niya ang bewang ko. Napaka-gentleman lang at nahalata niya atang kinakabahan ako. "Hey Rica" iniharap niya ako sa kaniya at this time ay nakahawak na siya sa dalawang balikat ko "Kinakabahan ka nga talaga" saad niya "First time ko ito Ash. Maski si Rey hindi pa niya at never akong ipinakilala ang magulang niya. Kaya ganito na lang ang kaba ko ngayon" Hinalikan niya ang noo ko. At sa paghalik niya ay sobrang sarap lang sa pakiramdam. Tapos niyakap ako neto "Huwag kang mag-alala Rica, hindi ka naman kakagatin nila mommy at daddy. Hindi ako papayag. Kasi gusto ko? Ako lang ang kakagat sayo" Hinampas ko naman ito sa may dibdib niya. "Hehe joklang. Ikaw naman galit agad" di ko pa din siya pinansin. "Pasok na tayo sa loob dahil kanina pa yun naghihintay sila mommy at daddy" ****FAST FORWARD**** Yung akala ko talaga masungit mama ni Ash kasi ba kwento sa akin ni Tito noon na siya ang mahirap tapos asawa niya ang mayaman. Akala ko talaga masungit pero hindi pala. Sobrang napakabait niya. "Hey iha! Bakit ka hindi kumakain diyan?" Napalingon ako sa kaniya "Uhm kasi po... Busog pa kasi ako" sagot ko at ningitian siya. "You look Shy iha. Huwag ka mahiya, welcome na welcome ka dito sa pamamahay namin. Basta siguraduhin mo lang na magiging anak kita soon" medyo napatawa naman ako "Dad!" Suway ni Ash na nasa gilid ko lang. Tiningnan ko naman siya at sinabing "Okay lang yun Ash" _____________________________ —CHRISTOPHER POV— Dinala ko si Niel dito sa bagong bukas na zoo. Kung makikita niyo ang mukha niya ay sobrang saya neto na nakapag-bonding naman kami ulit. Sa pagkakatanda ko, matagal-tagal na din kaming hindi nakapag-bonding. Nandito pala kami ngayon kung saan makikita mo na may nagsasalita sa harap for instructions and etc. Ilang sandali din ay.... "You can now go inside. Enjoy!" Agad naman akong hinila ni Niel papasok. Hindi naman masyadong maraming tao. Sakto lang siya. "Omayghadd kuya! There's a tiger oh!" Aniya sabay turo dun sa tigreng mahimbing lang na natutulog _____________________________ —AUTHOR'S POV— Habang aliw na aliw sila Cris at Nathaniel ay sa kabilang banda naman ay makikitang papasok pa lamang sila Earl, Patrick at Agustin. "Ang ganda dito!" Manghang sambit ni Earl "Sabi ko naman sayo bunso eh!" "May ano sila oh!" Ani Agus at agad tinakbo kung ano yung nakita niya. Kapwa silang lahat aliw na aliw sa nakita nilang iba't ibang klase na hayop. Nag-enjoy silang lahat lalo na si Cris at Nathaniel. _____________________________ —MHEARL POV— Aliw na aliw ako habang kinukuhanan ng video ang mga isda. Habang kikuhaan ko ng video ang mga isda at habang palakad-lakad ako sa right side ko ay biglang..... May nabangga akong tao. Nilingon ko naman kaagad ito at pagkita ko naman ay laking gulat ko na lang ng makilala ko kung sino ito. Wala namang iba kundi si.... "CRIS?" "EARL?" Na-istatwa ako. Bigla ko na lang kasing naalala ang sinabi nung matandang babae kanina. Hindi ako makapaniwala nung nagpakilala ang babae kanina. Tsak akong magagalit si Cris kapag malaman kung sino ito. _____________________________ —CRISTOPHER POV— Pagkakita ko kay Earl ay parang napigilan siya. May malalim siyang iniisip na ikinataka ko naman ngunit hindi lubusan. "Uhm Earl?" Nabalik ito sa katinuan "Ey Cris! Nandito ka din pala" aniya "No. Kasama ko ang kapatid ko Earl. Ipakilala kita sa kaniya" at ngumiti "Teka speaking sa kapatid ko asan na yun?" Lumingon-lingon naman ako sa paligid ngunit wala akong Niel na nakita 'Asan na kaya ang batang yun?' "Mamaya na lang Cris. Gusto ko din siyang makilala" "Sige. Teka, ikaw lang ba? O may kasama ka din?" Tanong ko dito "Ah oo. Si Kuya Pat yung boss niyo. At kilala mo ata yung Agus?" "Huh? Si Agus? Oo kilala ko siya. Magkaibigan kami" "Hindi ko alam kung nasaan na ang dalawang yun" aniya "So.. Magkasama sila?" Napatango-tango naman ako at napangisi sa isip. Parang may something eh HAHAHHA _____________________________ —PATRICK POV— Hinahanap ko ngayon si Agus. At nakita ko nga ito. At kinakausap niya ang ibon? Huh? Nahihibang na ba ang lalaking ito? "Hey Agus!" Tawag ko sa kaniya na agad naman siyang lumingon at umayos ng tayo "Anong ginagawa mo sa ibon na yan?" "Tinuruang kumanta. Diba birdy birdy?" Aliw na aliw siya sa ibon. "Para kang baliw" hindi ko ito pinansin at ibinalik ang tingin sa iba. "Ikaw Patrick ang moody mo talaga! Kanina ang saya pa natin at ngayon naman oh nagsusungit ka naman!" Still hindi ko pa din siya pinansin "Bahala ka nga diyan! Maghahanap na lang ako ng makakain don!" Aniya First time ko ganun umasta si Agustin sakin kaya hindi ako sanay. Hindi ko napigilan ang sarili ko at hinabol na siya. 'I don't know what is happening to me. Lately, this fast fee days hindi makumpleto ang araw ko kapag hindi ko nakita ang mga ngiti at tawa ni Agustin. Sign ba ito na I like him?' 'Pero hindi puwede! Sigurado akong bugbog sirado ako ni dad. Like he did to Earl. At ako lang din ang inaasahan niyang magdadala sa apelyido namin. I should stop this sh*t!' _____________________________ —CHRISTOPHER POV— "Im glad Cris nagkita tayo!" Umupo si Earl na agad naman akong sumunod. "Bakit Earl?" Ilang segundo ang lumipas bago ito nakasagot "Pag-uwi niyo mamaya sa bahay niyo ay mag-impake na kayo" nagtataka naman ako sa sinabi niya "Huh? Impake? Bakit?" Takang saad ko "Aalis na kayo dun. Wala akong modelong sa ganung lugar nakatira. Kung saan maraming lamok, maingay at mainit. Sayang lang yung mga ipinamigay ko diyan sa katawan mo. Hindi man lang umeffective!" Napatawa naman ako sa kaniya. Bakla na bakla kasi siya yung binanggit niya ang word na 'umeffective' "Hindi kami aalis dun. At tsaka, saan naman kami titira?" "May nabili na akong condo para sa inyong dalawa. Huwag kang mag-alala Cris, ako na ang bahala sa lahat-lahat" "Pero Earl! Nakakahiya na! Huwag na! Ayos na ka–" pinutulan niya ako "Sabi ko nga kanina lang diba na... Huwag ka nang mag-alala. Ako na ang bahala sa lahat. Ang gastos mo lang ay ang pang-araw-araw pa din niyo ng kapatid mo. Ano Cris? Tinatanggap mo ba ang alok ko?" Saad niya Ayaw ko man pero.... Tumango na lamang ako at nagsabing "Sige na nga lang" _____________________________ —NATHANIEL POV— "Niel!" Napalingon ako sa likod ko. Si Kuya lang pala ang tumatawag sa akin. Tumakbo na ako papunta sa kinaroroonan niya ng biglang napahinto ako nung makita at makilala kung sino ang kasama niya 'Patay. Ang Balmonte Brothers' Kasama din nila yung kaibigan ni kuya na kapitbahay namin si kuya Agustin. "Niel mabuti't nandito ka na" inakbayan ako ni kuya "Gusto kong ipakilala kita sa kanila Niel. Sina Patrick at Earl Balmonte" aniya 'Hindi mo na kailangang ipakilala sila sa akin kuya dahil kilala ko na sila' Nanginginig at kinakabahan kong tinanggap ang kamay ni Patrick. Seryoso at masungit pa niya akong tiningnan kaya napalunok ako. "Nice meeting you Niel" ngumiti na lamang ako ng pilit sa kaniya at bumitiw na sa pagkaka-shake hands. Mas lalo pa akong nanginig nung nag-shake hands kami ni Earl. Kasabay nun ang biglaang pag-flashback sa utak ko ang kasalanan na nagawa ko sa kanila. Ano yun? About lang naman sa mama nila. Pero malalaman niyo din ang buong nangyari. At isa pa, hindi naman talaga kami ang may kasalanan. Napag-utusan lang. "Niel okay ka lang?" Napalingon ako kay kuya "Multo ba sina Patrick at Earl dahil gulat na gulat ka nung makita sila. At tingnan mo yang kamay mo, nanginginig" "Ahh wala po kuya. Okay lang ako" sambit ko Humarap naman ako sa dalawa "Ako po'y humihingi ng tawad sa ipinakita ko kanina sa inyo" "Okay lang yun. No problem" _____________________________ —PATRICK POV— May kakaibang amoy ako dito kay Nathaniel. Parang may tinatago siya sa amin ni Earl. Kung ano man yun malalaman ko din. Ipapa-imbestigahan ko siya. Ngayon nga habang kumakain at nag-uusap kami ay hindi niya magawang tumingin sa akin or kang Earl lang. Halata siya masyado. May tinatago siya. Tsk. ... ***************************** TO BE CONTINUED......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD