_____________________________
—RICA POV—
"Maraming salamat sa lahat tito, tita. Ang bait niyo po sobra" nakangiting saad ko sa kanila with matching pa-bow-bow pa.
"Walang anuman yun iha! Napakabait mo din kasing bata!" Si Tito
"Natawa talaga ako sa mga jokes mo kanina. Palabiro ka din palang bata ka! Same vibes lang tayo" napatawa naman ako sa mommy ni Ash. Speaking sa kaniya, eto dumating na.
"Mom, dad. Gabi na. Iuuwi ko na siya" sambit neto
"E ayaw ko anak!" Humarap si tita sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko "Iha bumalik ka dito ha? Welcome ka sa pamilya namin"
"Ah sige po. Makakaasa po" ningitian ko naman siya ng matamis
"Sige iha. Pasok na din kami sa loob" ani Tito
"Sige po"
Akmang papunta na sana sila sa kanilang silid ng napalingon kaming lahat sa main door dahil bumukas ito.
Tapos biglang nag-slow motion ang paligid nung pumasok na yung...
Teka....
'Si ano toh!'
Sobrang nanlaki ang mata ko at kinabahan ng makilala ko kung sino ito
'It's Rey!'
_____________________________
—REY POV—
"Put*ngin*! Galit pa din ba sa akin ang mga magulang ni Rica?! Nagpatawad na nga ang tao ayaw pa ding patawarin! Tsk!"
Bad mood akong umuwi sa bahay nila Auntie. Paano ba naman kasi e kanina lang pumunta ako sa bahay nila Rica tapos pinagalitan lang ako ng magulang niya. May kasalanan ka din naman Rey! Tapos hindi ko pa nakita si Rica dahil wala sila sa bahay nila.
Bumaba na ako sa kotse ko at naglakad na papasok ng bahay. Pagpasok ko ay agad namang may umagaw ng atensyon ko.
And I was shocked, medyo nanlaki ang mata ko.
'Yung hinahanap kong babae, nandito lang pala. Sino ang nagdala sa kaniya dito? At bakit?'
"Rica?"
_____________________________
—BACK TO RICA POV—
"So Rica, how are you?" Si Rey unang nagsalita, klaro naman ata.
Nandito kami sa may garden nila Ash. Nag-uusap. Kami lang dalawa dahil gusto ni Rey na makausap ako at gusto ko din siyang kausapin.
Tsaka wala si Ash dahil siya ang nagpapaliwanag kay tita at tito. Ang dami nilang tanong eh! Haha.
Tanong ko din 'Ano palang ginagawa ng lalaking ito dito sa bahay nila Tito?'
"Alam ko Rica nagtataka ka kung bakit ako nandito at anong ginagawa ko sa bahay ni Uncle"
'Huh? Uncle?'
"Wala bang sinabi si Ash sayo? Magkamag-anak kaming dalawa"
Napa-isip isip ako.
"Wala.. Wala siyang sinabi" sabi ko dito. Di din naman yun importante.
E ano ngayon kung ang ex ko ay related sa lalaking nanligaw sa akin ngayon. Wala namang masama dun.
Napatingin ulit ako kay Rey dahil bigla niyang hinawakan ang dalawang kamay ko na agad ko namang inilayo
"Sorry Rica. Sorry for everything I've done to you! Pinagsisihan ko na yun Rica! Dapat hindi kita niloko!"
Uminit yung ulo ko "Putchaa naman Rey! Ngayon nagsisisi ka?! Nakalimutan mo na ba?! Hindi lang isa! Tatlo ang babae mo! Apat kami! Sabihin mo na lang na babaero ka talaga!"
"Parang wala na akong pag-asa sayo" iniangat neto ang kaniyang ulo "Liligawan at liligawan pa rin kita!"
"Nahihibang ka na ba?!!" Napatayo ako "Para ano?! Paiibigin mo ulit ako?! Tapos sasaktan o lolokohin mo lang ako gaya ng ginawa mo dati?!! Ulol! Di na yun mauulit noh!"
"Nagbabago na ako Rica. Handa ko yung patunayan sayo" aniya
"I didn't believe you. Tsaka nanliligaw na si Ash sa akin" umupo ulit ako
"Nanliligaw pa naman siya ah? Wala pang kayo. Ang panliligaw ay walang limitasyon kong gaano kadami. Kaya makikipagkompentensiya ako kay Ash para sayo" saad niya
'Hay naku! May salta na ata sa utak ang lalaking ito!'
"Ang taas talaga ng confidence mo na magpaligaw ako sayo noh?! Paano kung sabihin ko sayong ayoko? Paano kung sasabihin ko sayong... Mahal ko na pala si Ash?"
Napatigil naman ito "Mahal mo na siya Rica? Bakit? Paano?"
"Hindi ko na kailangang sagutin ang tanong mo" tumayo ako "Paalam Rey. You can find a woman better than me. Sorry"
Aalis na sana ako para iwanan siya ng hinawakan niya ang kamay ko. Agad naman akong lumingon muli at binitawan yun.
Nagulat na lamang ako ng bigla ako netong niyakap. At ngayon, umiiyak siya. First time kong makitang umiiyak siya.
Napalingon ako dun sa may pinto ng biglang may lumabas
"Ash" Oo. Tama si Ash. Pagkakita niya sa amin ay agad siyang umalis.
Napagtanto kong nagyakapan pala kami ni Rey kaya agad akong bumitaw at iniwan siya. Ginawa ko ito dahil susundan ko si Ash.
_____________________________
—ASHTER POV—
'Bwesit! Ang daming tanong nila mom and dad'
'Corious na corious ako kung ano ang ginagawa nina Rica at Rey. Eh alam ko namang babaero at manyak ang lalaking yun!' Saad ko sa isipan.
Nagmamadali akong naglakad papuntang garden dahil alam kong nandun sila. Konting hakbang na lang at makakarating na ako.
Pagkarating ko sa garden ay nakita ko naman sila kaagad. Pero napahinto na lamang ako. Nakayakap sila sa isa't isa.
Umalis na lang ako para hindi ako makaabala. Kasabay nun ang pagpatak ng luha ko pababa.
'Di ko alam pero naiinggit ako. Oo.. Tama nagseselos ako. Matagal na silang wala diba pero ba't sila ganun magkayakap?"
"Ash! Teka lang!"
Pinunasan ko muna ang luha ko bago ko siya hinarap "Oh Rica?" Ngumiti ako pero pilit lang "Nagkabalikan kayo? Congrats ah?"
"Ash hindi! Ano bang pinagsasabi mo?!" Lumapit ito sa akin.
"Alam ko namang simula una mahal mo pa siya eh. Tama nga ako. Tama hula ko. Ako lang naman itong tangang umasang may pag-asa sayo kahit alam ko namang walang-wala" tumulo ang isang butil ng tubig na agad kong pinunasan.
"Paalam Rica. Si Rey na lang maghahatid sayo pauwi" saad ko at tatalikuran ko na sana siya ng bigla niyang hinawakan ang isang kamay ko at ipinaharap ako sa kaniya
Panandaliang na lamang ako ng bigla niya akong hinalikan. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, ginantihan ko na lang din ang halik niya. At ang lahat ng yun ay parang nag-slow mo.
Ilang segundo lang ang halik na yun at bumitaw na siya.
"Hindi kami nagkabalikan ni Rey. Mali yung nakita mo at mali yang iniisip mo... Ikaw ang mahal ko Ash. At dahil dun sinasagot na kita"
Nag-echo naman sa isip ko ang binanggit niya.
Yung kaninang malungkot na mukha ay napalitan ng saya.
"Talaga? Sinasagot mo na ako?! SALAMAATTT!!!"
Niyakap ko si Rica ng sobrang higpit. Ramdam kong niyakap ako neto pabalik.
"You deserve it Ash. Ako ang magpapasalamat. Sa totoo lang natatawa ako sa mga jokes mong corny. Pinapatawa mo'ko sa tuwing malungkot ako. Kaya salamat Ashter"
Bumitaw ako sa pagkakayakap at hinalikan ang noo niya.
"Maraming-maraming salamat din sa lahat. Ibibigay ko sayo ang buo kong pagmamahal. Pangako Rica, hindi kita lolokohin"
Niyakap ko ulit si Rica.
'Hindi talaga nawala ang ngiti ko. Hindi ko inexpect na sasagutin na niya ako sa gabing ito. Nagpasalamat din ako kay Rey. Dahil kung hindi siya dumating, hindi ito mangyayari. Kaya thanks to him'
_____________________________
—REY POV—
Do you know where I am? It's simple. I'm in the bar.
E di umiinom! Broken e! Saksing-saksi ko kanina ang lahat. Hindi pa din ako maka-move on sa paghalik ni Rica kay Ash.
At dahil sa pangyayaring yun, tumutulo naman ang luha ko.
Habang painom-inom ako dito ay bumubuhos ang luha ko pababa. Umagaw naman sa atensyon ko yung lalaking nasa tabi ko. Umiinom ito na umiiyak na panigurado akong katulad ko din. Broken.
"Hey! Anong nangyari?" Sambit ko sabay punas ng mga luha.
Lumingon ito sa akin "Yung kaibigan ko! Mas pinili niya yung bago niyang kaibigan keysa sa akin na matagal na niyang kaibigan!"
Mas lumapit ako dito "Masakit talaga yan tol! Cheer up!" Saad ko
"Kasalanan ko naman eh! Kasi, di ko sinabi sa kaniya na gusto ko siya! At ngayon, umaasa pa din akong mahal din niya ako!"
"E tanga ka pala tol! Bakit ka umasa?"
"Ewan ko din"
Ilang segundong tumahimik kaming dalawa.
"E ikaw tol? Anong ginagawa mo sa bar na ito? Mag-photoshoot? Tingnan mo yang suot mo"
Lasing na pala ito e! "Hindi! Broken din ako katulad mo!"
"Anong nangyari tol?"
"Wala tol! Tanggap ko na na hindi na ako mahal ng ex ko! Iba na pero mukha naman yung gunggong!" Aniko
"Grabe ka naman magsalita tol! Sabihin mo na lang, gwapo din yun"
Hindi ko na pinansin ang sinabi niya ta's uminom ulit
"By the way tol, ako pala si Rey" saad ko sabay lahad ng kamay. Tinanggap naman niya kaagad ito at binitawan din.
"Teka lang tol. Nakalimutan ko pangalan ko"
Hays. Lasing na talaga.
"Naalala ko na! Pangalan ko ay Ross! Nice meeting you tol!"
"Nice meeting you din!"
So Ross pala ang pangalan niya. Napatango-tango ako.
.....
******************************
TO BE CONTINUED.......