“Are you having a hard time again, wife?” Mula sa kanyang likuran niyakap siya ng kanyang asawa. Pansamantala niya itong nilingon bago ibinalik muli ang paningin sa napakagandang tanawin kung saan kitang-kita ang kabuuan ng city lights. The two of them spent their vacation in Europe where Quinn lived for a long time. Isang linggo na sila doon at pakiramdaman niya hindi parin siya maka-get over dahil sa ganda ng Europe. First time niyang makapunta sa ibang bansa kaya gano'n na lamang ang epekto sa kanya. “Kanina lang. Ngayon, hindi na siya nag lilikot.” Tukoy nito sa tiyan niyang malaki na. Parehas nilang hinahaplos iyon at parang dinadama nila ang bawat likot ng bata at mag ngingitian sila kapag bumukol na ulit ito dahil nagambala sa pagpapahinga. Sa mga nag daang ilang dekada muli ni

