Sa nakalipas na isang buwan ay naging abala sila parehas ng asawa niya. Siya abala sa trabaho at si Janessa naman ay abala sa pag hihirap ng paglilihe. Minu-minuto nalang ay sinisikmura at oras-oras ay nayayamot sa kanya kaya ang ending nasa kabilang kuwarto siya natutulog at namamalagi. Doon siya natutulog at the same time nag tatrabaho. Para siyang nag mumungha doon dahil saka lang siya lumalabas ng kuwarto kapag alam niyang nasa kuwarto na nila ang asawa niya. Lagi siya naka-monitor sa laptop niya kaya nalalaman niya kung saan at ano ang ginagawa ng asawa niya. Para silang mga temang dahil tila nag papatentero sila. Kailangan hindi mag kita ang mga bulto nila dahil kapag nagkataon iiyak na naman ang asawa niya dahil naiirita sa kanya kapag nakikita siya nito. Ngayon, napapahinga

