Chapter 7 - The Chairwoman, The Lady Mechanic

2675 Words
"Ateng, sige na. Pumayag ka na dahil mapapahiya ako kay Mayor!" "A.yo.ko nga. Ba't ba ang kulit mo?" "E, kasi nga, kinukulit din ako ni yorme! Sige na, please? Last na talagang pangungulit 'to. Alang-alang sa friendship nating malupit. Teka nga at lumabas ka nga muna diyan sa lungga mo at nang magkausap tayo ng maayos." But she remained busy, ni hindi sinagot ang mga huling sinabi ng kausap. Nasa kaniyang talyer ngayon si Tori, nasa ilalim ng kinukumpuni nitong SUV, habang nakaangat ito gamit ang jack stand. Nakahiga ang dalaga sa kaniyang creeper habang may kinakalikot sa ilalim nito. Hinding-hindi siya padadala sa pang-ookray ng baklush. Kailangan niya pang matapos ang SUV ni Vice Mayor dahil na rin sa pakiusap nitong matapos niya sana kaagad. Ipapagamit kasi iyon sa ikakasal na taga-kabilang baryo sa darating na sabado. Kasalukuyan siyang nasa kaniyang talyer na nasa katabing bakanteng lote lamang ng kanilang bahay. Bago siya dumeretso ng barangay hall, kinailangan niyang dumaan muna dito dahil sa merong importanteng pinuntahan si Estong samantalang si Kikoy naman ay abala pa sa isang sasakyan. Kanina pa buntot ng buntot sa kaniya si Inah. Nag-iinit na nga ang ulo niya dahil sa nangyari kahapon, dadagdagan pa ng kakulitan ng isang 'to. Ilang beses na ba niyang sinabi na hindi siya sasali sa sinasabi nitong pageant dahil una, wala siyang kahilig-hilig sa mga ganoong bagay at pangalawa, nasa Macabebe ang kaniyang atensyon at wala siyang balak bawasan iyon. Lalo pa ngayong mayroong papalapit na taunang event - ang kanilang barangay fiesta. "Tori naman. Alam mo namang puspusan ka na ngang nililigawan ng munisipyo, pagbigyan mo na naman. O, baka naman gusto mo pa'ng pumunta pa dito si Gov? Sus, kung hindi ko pa alam eh crush mo si Gov kaya nagpapapilit ka pa diyan." Anak ng...ang galing talaga nitong mabwisit at gumawa ng paraan para maharap siya ng lubusan. Mabilis na itinulak ni Tori papalabas ng sasakyan ang creeper na kinahihigaan. Sumasakit na ang bumbunan niya dito sa kakulitan. Mangani-ngani niya itong sakalin dahil sa ginagawa pang issue ang high school history niya kasama ang binatang gobernador na ngayo'y malapit na rin niyang kaibigan. Akma na sana niyang sisinghalan ito kung hindi lang sana nagsalita ang kaniyang ina. "Siyanga naman, anak. Maano ba'ng ilang oras lang naman yun? Makikita kita sa TV at ng buong Benguet," nakangiting ani ni Aling Nita habang nag-hahanda ng kaniyang inumin. Agad niyang sinamaan ng tingin si Inah na noo'y ngingiti-ngiti pa at mas pinapungay pa ang mga mata.Binelatan pa siya nito para mang-inis. Nalintikan na ang magaling. Ilang oras ng ano, pagbibilad ng katawan? Napabuga siya ng hangin at napapikit ng mga mata. Meron ka talaga sa'kin, mamaya. Tiyak, binreyn-wash na naman nito panigurado ang nanay niya. She sighed. Ganitong nagbibigay na rin ng opinyon ang nanay niya, mukhang gusto rin nito ang siya'y masakal. Este, masali. Pero ayaw niya talaga kasi. Wala siyang ambisyong sumali sa beauty pageant na'yon. It's not her craft and included sa bucket list, not like most of the women. Kahit nga sa TV hindi sila nagkikita ng Bb. Pilipinas dahil hindi siya mahilig sa mga pageant, ang sumali pa kaya? Kaya nagtataka siya kung bakit ba ang hirap ipaintindi 'yon sa mga taong kausap niya ngayon. Ilang araw na ding natutulilig ang tenga niya sa mga pakiusap nito! "Nay," mahinahon niyang hinarap ang nanay niya habang patagong iniirapan si Inah. "Hindi naman po kasi "ilang oras" lamang ang pageant. Una po, madami pong preparasyon na umaabot nga po ng ilang buwan. Eto nga lang po na ako ang nililigawan nila dahil nabuntis bigla iyong sasabak sana, ako pa pong walang karanasan ang gusto nilang kunin. Baka mapahiya lang po sa akin ang probinsiya." "Anak, hindi ka naman siguro ino-nominate ni Gov kung wala siyang nakitang potensyal sa'yo, hindi ba?" balik nito sa kaniya habang iniaabot ang isang baso ng apple juice. "Naging malapit mong kaibigan si Gov at mula high school ay isang eskwelahan na kayo at unibersidad kaya alam niyang may ibubuga ka, Mang." "Medyo nakakahiya na rin kasi kay Mayor Caloy dahil dalawang beses na siyang nakiusap sa akin, sa palengke at noong isang araw nagawi dine. Talagang ikaw daw ang napipisil." "Saka Mang, ano ka ba? Huwag ka ngang magdamot diyan. Share your blessing nga di ba?" Nahihilo siya sa salitang justification ng dalawang kausap pero doom kumunot ang noo niya sa huling narinig. Ano'ng "share your blessing" ang pinagsasasabi ng isang 'to? Napairap naman si Ina at pumilantik pa sa hangin ang mga kamay bago siya pinatayo nito at iniikot. Ngumuso pa ito at isinenyas ang sariling dibdib. "Vitals 35-24-35, height 5'7. Victoria, bulag ka ba o talagang hindi lang marunong mag-appreciate ng magagandang bagay? You got the beauty and brains para maging representative ng Paraiso sa Binibining Pilipinas! Kaso, bulag ka nga yata at manhid. Sana kung sakin lang binigay yang hinaharap mo, di sana ako na lang ang rarampa ng naka-two piece." pinaikot pa nito ang mga mata kaya agad niya itong sinamaan ng tingin. Napahawak na siya sa kaniyang batok at napatingala. Paano niya ba kasi ipapaliwanag? "O e di tara, ilipat natin sa'yo 'tong hinaharap ko at nang magmove-on ka na diyan sa pangarap mo. At saka baka nakakalimutan mong madami akong trabaho dito sa ating baryo ngayon dahil magpi-fiesta na. Ilang beses ko na ding sinabi sa inyo ni Nanay - wala akong hilig o panahon sa mga ganiyang kaanek-anekan?" "Si Jacky na lang kasi ang hilahin mo dun. Huwag ka nang ma-stress diyan," inisang lagok lamang ng dalaga ang apple juice. "Ayoko sa babaeng parang pinahiran ng kandila ang mukha at buong katawan dahil sa retoke!" Natawa si Nanay Nita sa sinabi nito habang siya nama'y napangiwi. Balitang-balita kasi sa kanila na retokada nga ang nasabing babae na nagkataong may gusto sa crush ni Inah na si Samuel. Ang huli'y isa sa mga barangay kagawad ng Macabebe. "Nay," malambing siyang tumingin sa lampas sisenta anyos na ina-inahan. "Hingin niyo na lang po sa akin ang lahat, huwag lang po 'to." "Wala naman sa' kin 'yan anak, kung ayaw mong sumali, nabanggit ko lang naman na nagkita kami ni Mayor nakaraan at kinukumbinsi nga niya akong pumayag ka," kunwa'y mahinahong sambit nito pero may buwelo pala. Bumaling ito sa kaniyang kaibigan. Umangat ang isa niyang kilay nang marinig ang kunwa'y nagpapa-konsensiya nitong tono. "Inah, kilala mo naman ang kaibigan mo. Wala talagang hilig 'yan sa mga ganiyan kaya huwag na nating pilitin kung ayaw. Mas gusto pa niyan ang magmukhang madungis at taong grasa kesa maging beauty queen. Hayaan na lang nating sumakit ang ulo nila Mayor at Gov kahit na gustong-gusto talaga nila ang ating mahal na kapitana. This is a democratic country after all. Ang humawak ng batuta at maging tanod na rin ang gustong gawin ng ating chairwoman, hindi ba anak?" Nagkamot siya sa kaniyang sintido at hindi apigilan ang matawa sa drama ng nanay niya. Sa puntong' yon, alam niyang tinatapos na rin ni Nanay Nita ang pangungulit ng kaibigan niya. Alam talaga nito ang kaniyang ugali. "Ang daming magaganda dito sa probinsiya natin at hindi ako naniniwalang wala silang makikitang ipapalit kay Leilani. Kung bakit pa kasi nabuntis ang batang iyon. Anyway, wala naman tayo sa disposisyong manghusga. Blessing ang pagdating ng bata sa buhay ng kaniyang mga magulang kaya tama ang naging desisyon ni Leilani na maging honest hangga't maaga pa kesa itinago niya ito." "Basta Mang, hindi pa'ko susuko. Alam kong ikaw pa rin sa huli ang magre-represent ng Benguet. Itaga mo 'yan sa bato, Chairwoman." "Pssh, ewan ko sa'yo." Inilingan niya lang ito at pgkuwa'y tumalikod na para bumalik sa kaniyang ginagawa. "Sige na't iniistorbo mo pa ang ginagawa ko, Inocencio." Natatawa niyang pang-aasar dito na sinagot naman ng toda-max na pang-iirap ng isa. Pero hindi natuloy ang balak niyang pagbalik sa ilalim ng sasakyan nang makarinig sila ng pagtawag mula sa labas ng gate ng talyer. Nasa limang metro ang layo nito mula sa kanilang open garage. Mabilis na naaninag ni Tori si Kagawad Samuel habang nakatagilid siya't nag-aadjust sa tool na gagamitin, ngunit ang tatlong nagtatangkarang mga lalaki na kasama nito'y hindi. Hanggang sa nakita niya ang pagdating ng isa pang mukhang pamilyar sa kaniya ang titig. The man is wearing a gray t-shrt with a skull print paired with tattered jeans. Nanliliit ang mga mata ni Tori, dahil bukod sa bigla niyang naalala ang dalawang beses na awkward moments nila ng lalaki, mukhang sinampal pa siya sa kaguwapuhan nito dahil sa hindi niya napigilang mapatunganga dito. Mabuti na lamang at may kalayuan ito sa kanila at mukhang hindi pa siya nakikilala. Mangani-ngani niyang singhalan ang sarili sa pagtatraydor nito. Guwapo, check. Gentlemaness, eenkkk.... "Nanay Nita, Kap, magandang umaga po!" kaytamis ng ngiti ni Kagawad Samuel. Speaking of, ang crush ng kaniyang kaibigan. Napatuwid ito ng tayo habang minamasdang pumapasok ang binata. Biglang naghugis puso ang mga mata ni Inah lalo na nang bumaling dito ng ngiti ang kagawad. Sinenyasan niya lang ito ng pagkaway at tumuloy sa garahe. "O, bunganga mo, Inday. Itikom mo at tulo-laway ka na naman." pasimple niyang tukso kay Inah sabay ngisi. "Kagawad Sam, magandang umaga." binigyan ni Tori ng sibil na ngiti ang mga bagong dating at pahapyaw lamang na tiningnan ang pinakahuli. That moment, she's now sure na nakatunganga na ito sa kaniya't narinig ang itinawag sa kaniya ni Samuel. "Good morning, Kagawad. Ano ba ang sadya ng ating nagu-guwapuhang mga bisita ngayong umaga?" masayang bati ng nanay niya. "Mga taga-Maynila ba silang apat, Samuel?" "Ah, opo, Nanay Nita. Pero si Marcus po, siya po ang nakatira sa villa. Anak po siya ni Don Carlos Sy." Lumawak ang ngiti ni Nanay Nita. "Ikaw pala iho ang guwapong binatang pinag-uusapan nina Inah at Tori. Ang anak ni Carlos." Ang ngiting nakaplaster sa mukha ni Tori kanina ay agad na napalis nang marinig ang sinabi ng ina. Nakita niya ang gulat sa mukha ng Marcus pero mabilis lamang iyong napalitan ng pagngisi nang marinig ang sinabi ng nanay niya. "Magandang umaga po. Yeah, I'm the eldest." tumikhim si Marcus bago napabaling ng tingin kay Tori. Gusto namang hilahin ng dalaga ang ina-inahan nang mga oras na iyon. Hindi nakalampas sa dalaga ang makahulugang pagtitinginan ng tatlo nitong kaibigan. Naiinis niyang tinapunan ng tingin ang lalaking bigla na lamang nag-iwas ng tingin sa kaniya nang makita ang kaniyang pagsulyap. Bagama't kita niya ang bahagya nitong pagngisi. Malamang, dahil nang mga oras na iyon, kung alam lang ni Tori, naa-amuse si Marcus tuwing naaalala ang nangyari sa kanila kasama si Finley. Siraulo. Mangani-nganing singhalan ng kapitana ang panganay na anak ng isa sa pinaka-mayamang tao sa buong Asya. Mabuti na lamang at maagap na muling nagsalita si Samuel. "Kap, Nanay Nita, dinala ko po sila dito kasi 'yung sasakyan ng isang kaibigan ni Sir Marcus ay nasira. Eh, mukha pong kailangan ng expertise niyo, Kap." "Marcus na lang, pare." ani nito. Napaismid naman ng lihim si Tori lalo na nang muli itong tumingin sa kaniya at ngumisi. "T-Teka, s-siya ang mekanikong sinasabi mo? At saka, Kap?" mukhang hindi makapaniwala ang mga kasama ng kagawad, pero si Declan ang nangunang nagtanong. "Oo, siya nga, ang maganda at pinagpipitagan naming chairwoman s***h magaling na mekaniko ng Paraiso. Ang Chairwoman namin, si Engr. Victoria "Tori" Linares." Ang apat na panauhin ay saglit na hindi nakahuma kung hindi lamang tumikhim si Tori. "Hi, ikinagagalak ko kayong makilala. Ano nga pala ang sasakyan at ang probelma nito?" ---------------------------- "Ah, Sir. Excuse me po. Nandito na po si Kagawad." "Sige po, Manang. Lalabas na po ako." Nasa laptop ang mga mata ni Marcus nang tumugon. Tinapos niya muna ang huling bahagi ng kaniyang ginagawa bago siya tumayo at lumabas ng library. Naabutan niyang nasa salas ang tatlong kaibigan kasama si Aaron at ang alaga nitong pusa. Nakangiti pa ang bata habang nakikipaglaro kay Tom. Sa isang sulok naman ay tahimik lang na natutulog i Finley. Napailing ang binata nang biglang maalala ang nangyari kahapon. Mabilis niyan iniwaksi ang babaeng tumambad sa kaniyang imahinasyon. Ilang beses na niyang kinastigo ang sarili dahil sa walang humpay na pabalk-balik ng kakaibang amazonang iyon. Kung hindi lang talaga sa kutis at taray nito, isipin niya lang na nakadamit to ng mga dahon at may sibat, swak na swak nang matatawag itong lider ng mga primeval warriors. Kakaiba kasi ang tapang nito. He sighed. Deretsong naglakad si Marcus papunta sa porch kung saan naghihintay ang bisita. Hindi niya pinansin ang mga kaibigang nagbabangayan na naman nang mga oras na iyon. Paalis na sana sila pasado alas-sais ng umaga nang bigla na lamang ayaw mag-start ng makina ng Alfa Romeo ni Declan. "Ano ba kasing ginawa mo at ayaw mag-start?! Tangina, Vaughn, babayaran mo talaga 'yan!" Bad trip na bad trip si Declan dahil kung gaano ito kagaling bumutingting ng motor nito, siya namang bobo nito pagdating sa 4 wheels. "Ayusin mo yan, dude. Bakit kasi ginamit mo pa' yan kagabi hindi ka man lang nagpaalam." "Taena mo naman, dude. Parang ang layo naman ng pinuntahan ko! Okay pa naman 'yan kagabi." Mukhang hindi naman apektado sa pagsisintir ng kaibigan nila si Vaughn. Tuwang-tuwa pa itong nakikipaglaro sa pusa. Sumasakit na ang ulo niya sa bangayan ng dalawa. Mula't - sapul, lagi na lang sina Declan at Vaughn ang nagkakaasaran. Paano ba naman kasi, napaka-arte ni Declan sa gamit na siyang mahilig tuksuhin ni Vaughn. Ang huli nama'y lagi nitong inaasar ang isa. Madalas nitong itakbo ang mga gamit na ipinagbabawal gamitin ng isa. Silang dalawa ni Tom ang palaging referee dito. Mabuti na lamang at nabanggit sa kaniya ni Mang Rodel na may malapit lamang na mekaniko sa labas ng villa. Nasa isang buwan pa lang kasi silang nakauwi ng pamangkin sa Macabebe kaya hindi niya pa masyado kilala ang mga taga-roon. Idagdag pang madalas siyang sumasaglit ng Maynila. Though may isang taon na niyang nabili at napaayos ang property, sa US sila naka-base noon ni Aaron. "Good morning, Sir!" agad bati ng Kagawad. Binati din nito ang kaniyang nga kaibigan na tumugon lamang ng simpleng tango. "Nandiyan lamang naman po sa labas ng Villa ang talyer ni Engr. Tori Mukhang kailangan pong siya na lang ang sumadya dito kung ganiyang ayaw po palang mag-start ng makina." suhestisyon ng kagawad. "Sige, sasama ako, Kagawad. Kayo?" binalingan niya ang tatlo na agad ding nagsipagsunuran na rin nang makitang humakbang na siya papalabas ng gate. "Tito Marcus, where are you going, po?" agad na tanong ni Aaron. "Just stay here inside, Aaron. Pupuntahan lang namin 'yung mag-aayos sa sasakyan ni Tito Declan." "We'll play again, buddy. Okay?" si Tom. Tumango lang ang bata matapos humalik sa tito bago naglakad papasok ng mansiyon. Nakabuntot sa bata si Finley at Rocket. "Magaling ba ang mekaniko, Kagawad? Limited edition kasi ng alfa romeo ang sasakyan ko. Baka mamaya..." Declan railed na tila nag-aalangan sa kakayahan ng taong pupuntahan habang nakikipag-kulitan na kay Vaughn. Natawa ang binatang kagawad. "Magaling na magaling po si Engr. Baka nga lang hindi kayo maniwala 'pagka nakita niyo siya. Hindi niyo iisipin sa unang kita na mahilig sa sasakyan 'yon." Magaan ang tawa ng kausap, halatang mabait at close ang pupuntahan. "Bakit,ano ba yang Engr na iyan, bakla? Natural! mahilig sa sasakyan ang mga lalaki. Ang mahirap kung hindi niya kaya ang sasakyan ko, at baka masira pang lalo." tila nagdududang tanong ni Declan. Ngumisi si Kagawad bago sumagot. "You'll see, dahil hindi lang siya basta-bastang mekaniko." And now, sa ayos pa lamang ng talyer plus the presence of some vehicles na alam ni Marcus ay hindi basta-basta ang presyo, he can tell that the woman is a pro. Ang mga gamit nito ay hindi rin basta-basta ang mga presyo. But what caught his attentiin the most, is a motorcycle placed in a corner. It is securely caged in a wide portion of the area. Marcus knew, that motorcycle is for the sport motocross. And when he saw Declan's fascinated face looking into it, may kakaibang naramdaman si Marcus. He now confirms, she is not just an ordinary woman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD