Chapter 6 - Awkward

2254 Words
"Aaaahhhh!" talagang napatili si Tori at napatalon nang makitang may isang tigre sa kaniyang harapan. Titig na titig pa talaga ito sa kaniya. The tiger's tail is wagging, para ba'ng nag-aantay sa kaniyang bigyan niya ito ng pansin and worst, makipaglaro. Ibinaba pa nito ang ulo sa lupa habang nanatiling nakatingin sa kaniya. Paano'ng nagkaroon ng tigre sa kanilang bakuran?! Hindi makagalaw ang dalaga. Sa isip nito'y gusto niyang kumaripas ng takbo papasok ng kusina pero may sariling utak ang kaniyang mga paa. Para itong nag-ugat doon. Sino ba naman ang hindi masha-shock kung sa tanang buhay niya'y ngayon laman siya nakakita ng tigre? Ni sa zoo nga ay hindi pa siya nakakakita ng lahi ni Diego, sa Ice Age film lang, eto pa kayang wala pang dalawang metro ang layo sa kaniya? Mas lalong nanlaki ang kaniyang mga mata at hindi na makahinga ang dalaga nang lumapit pa ito sa kaniya at walang pakundangan, gamit ang bunganga nito ay bigla na lamang nitong hinila ang kakarampot na tuwalyang nakabalot sa kaniyang katawan bago iyon iniwasiwas. "Hooyy, ang tuwalya ko!" naluluhang napatakip sa kaniyang dibdib at pagitan ng mga hita niya si Tori. Suwerte na lang na naka-bra at panty pa siya nang mga oras na iyon, pero naman! Lantad ang kaniyang kahubdan sa.... "Finley!" biglang may malalim na boses na sumigaw. Isang mahinang pagmura pagkatapos ang sinambit nito kasabay ng mabilis nitong pagtakip sa mga mata. Damn. Ramdam na ramdam ni Tori ang pag-iinit ng kaniyang mukha. She's in her most embarrassing situation at sa harapan pa ng taong sobrang kinaiinisan niya! Mukha pa itong natulala sa kaniya. Tila natulos ito sa kinatatayuan at nanigas habang nakangangang nakatitig sa kaniya. Pagkatapos ay bigla itong napatakip sa mukha. Hindi na niya napigilan ang inis. Mabilis na dinampot ng dalaga ang bagong bukas na sabong pampaligo at binato sa lalaking nakatakip nga ang isang palad pero magkakahiwalay naman ang mga daliri. Bull's eye itong tinamaan sa kanang mata na agad ikinahiyaw nito sa sakit. Ikaw ba naman ang puwersadong batuhin ng malaki at solidong sabon. Nagtakip nga ng mata, may butas naman ang palad nito. Dapat lang niya talagang batuhin ang preskong intruder na ito! Walang pagdadalawang-isip niyang dinampot ang kabubukas lamang na sabong mabango at binato dito. Sapul sa kaniyang noo si Marcus na bahagya pang natamaan ang kanang mata. "What the f*c-" "Ikaw na naman?! Bastos! Manyak!" "Hey, stop it. Hindi ikaw ang ipinunta ko dito," nagkukumahog sa pag-iwas si Marcus. Tengeners naman kasi at bull's eye kung makatama ang babaeng ito. Nawili na nga yata sa pagbato sa kaniya at hindi na alintana ang nakabalandrang katawan na tanging lacy underwears lamang ang suot. Kung ilang beses na siyang napapalunok at napapamura. Hindi nakaligtas sa paningin nito ang napakakinis at kulay porselanang kabuuan ng diyosang nasa harapan. Sa pinakaunang pagkakataon, pinamulahan siya sa buong mukha at natuliro. Tanging manipis na bra at panty lamang ang nakatabing sa kahubdan nito. Hindi iyon ang unang pagkakataong nakakita siya ng ganun sa babae pero bakit parang iba ang epekto nito sa kaniya? T*ngina talaga! 'Andaming hubad na babae na siyang nakita pero iba ang kaniyang kaharap. Sobrang liwanag ng babaeng nasa kaniyang harapan idagdag pang ang mga binti na yata nito ang nakita niyang halos perpekto at sobrang kinis. Bumalik siya sa reyalidad nang muling nasapul sa ulo ng isang matigas na bagay. This time, isang plastic bottle naman iyon ng shampoo na halos hindi pa nangangalahati ang laman. This time, ang matangos na ilong naman ng binata ang tinamaan. "Pervert! Sabi ko na nga ba, manyak ka!" naiiyak nang sigaw ng dalaga. Naninigas siya't hindi makagalaw. Sino ba naman ang hindi kung ang kaharap niya'y halos isang metrong haba ng tigre at kasing-laki ng rottweiler? Nanlalaki na naman ang mga mata ni Tori nang lumapit ulit ito sa kaniya at mukhang may balak pa yata siyang amuyin. Napapikit si Tori habang naninigas at hindi na makahinga sa sobrang takot. "Finley, stop!" Agad na nilapitan ni Marcus ang hayop para kunin. Nahiga naman ito nagpalambing pa sa amo. Napamulat ang dalaga. Halos hindi ito makapaniwala sa kaniyang nakikita. Mabilis na nagsalubong ang dalawang kilay nito. "A-Alaga mo ang t-tigreng 'yan?" "Yes. And for your safety, bilisan mo na at pumasok ka na sa loob." nanggigigil si Marcus nang mga sandaling iyon. It's for her safety not from the tiger but from him dahil pigil na pigil na siyang lapitan si Tori at payagang umalpas ang kasalukuyang nararamdaman. He's a healthy male specie at hindi siya sanay na may babaeng katulad ni Tori na tila hindi man lang apektado sa kaniya simula nang magkita sila nito kanina. "Sira-ulo ka ba? Bakit ka may alagang tigre? At bakit hindi ko ito alam? Alam mo bang-..umph! Ano ba?!" Mabilis na tinakpan ni Marcus ang bibig ni Tori nang makarinig ito ng mga boses na papalapit sa kanilang kinalalagyan. Halatang nataranta si Marcus. Boses ng tatlong ugok ang paparating at hindi dapat makita ng mga ito ang sitwasyon ng dalaga. With an impulse, inilang hakbang lamang ni Marcus ang pagitan nila ni Tori. Mabilis na hinablot nito mula sa lokong tigre ang tuwalya at binalot sa katawan ng babae. Wala siyang choice kundi ang itulak pabalik sa direksyon ng pintuan ng kusina ang dalaga para maitago sa mga paparating. Nanlalaki ang mga mata ni Tori. Ramdam na ramdam niya ang high voltage na gumapang sa kaniyang katawan nang magkadikit ng hindi sinasadya ang mga balat nila ng lalaki. Ibinalot sa kaniya n Marcus ang tuwalya pero dahil sa posisyong iyon ay nakayakap na rin ito sa kaniya habang nakayuko. "A-Ano'ng gi-" "Ssshhh. Huwag kang maingay, kundi ay makikita tayo ng ganito." He warned her. Sobrang awkward ang kanilang sitwasyon. Nakaharap sa kaniya si Marcus habang yakap-yakap siya ng mahigpit. Tanging tuwalya lamang ang nakapagitan sa kanilang katawan at ang manipis na mga tela na kanilang suot. Ang malas naman at kung kelan bubuksan na ng binata ang seradura ng pinto ng kusina ay siya namang pagsulpot ng mga tukmol sa kaniyang likuran. Pilit na tinatakpan ni Marcus ang kaniyang kahubdad dahil huli na ang lahat. Marcus could only hide her face from his chest habang yakap-yakap pa rin nya ang babae. "Oh, s*it, pare!" ani ni Tom. "Oooppsss." napasipol naman si Vaughn. "Come on, open the damn door!" nanggigigil ang boses ng binata saka nilingon ang tatlo. "Tumalikod kayo o tutusukin ko 'yang mga mata niyo!" at nagsitalikuran nga ang mga ito habang sumisipol. "I'm trying, okay! S*it, bakit kasi hindi pa 'to nagawa?!" naiinis na turan ni Tori. Nasa listahan na niyang ipapagawa ang sirang door knob ng kanilang kusina pero nalimutan niya pa. "Get the hell out of here, idiots! Iuwi niyo na si Finley." Nilingon ni Marcus ang tatlo. Matatalim ang mga titig nito sa tatlo. Halatang pinipigilan ni Tom at Vaughn ang matawa samantalang si Declan naman ay parang hindi pa nakuntento, tinukso pa si Marcus na lalapit. Mabuti na lamang at hinila na ito ni Tom. "It's not what you think it is. Umalis na nga kayo!" Tatawa-tawang umalis na ang tatlo habang akay-akay ang tigre na mabuti na lamang at sanay na rin sa tatlong hudiyo. Nakita pa ni Marcus kung paano humaba ang leeg ni Declan para sumilip pero sinamaan ito ng tingin ng nauna. Itinaas nito ang magkabilang mga kamay saka sila iniwan. Napapikit-mata si Marcus. Nakahinga ito ng maluwag. He's sure na hindi nakita ng tatlo ang mukha ng dalaga pero alam din niyang hindi siya titigilan ng mga ito. They knew what a Marcus Sy could do kapag nasa harap ng isang temptasyon. But not with the woman in front of her. Kahit pa nga sobrang pagtitimpi na ang nangyayari sa kaniya nang mga oras na iyon. Nang mawala ang tatlo'y buong lakas na hinampas ni Tori ang dibdib ni Marcus. Napamura na naman ang binata at halos marindi ang tenga sa matinis na sigaw ng kaharap. "Bitiwan mo na nga ako!" "Sandali, araykupo-, Oh s**t!" hindi magkandatuto si Marcus sa pag-iwas sa mga hampas ng dalaga. "Siraulo ka ba? Bakit may alaga kang tigre dito sa barangay?!" "Wait, magpapaliwanag ako," Pero isang sapak na naman ang tumama sa mukha ni Marcus. "Mag-uusap tayo sa barangay hall!" "Ikaw, sumosobra ka na sa pananakit, ha.You woman! Pasalamat ka at naitago kita sa tatlong 'yon! Tumigil ka na bago pa kita..." "Bago ano, ha?" "Don't ask dahil baka hindi ko na mapigilan," his voice is now husky at halata na rin ang pamumula nito sa leeg. May panganib na rin sa boses ng binata sanhi para matahimik saglit si Tori. Bukod sa mga tama nito mula sa ipinagbabato ng dalaga'y sobrang timpi na ang ginagawa nitong damhin ang dalaga. He's really having a hard time at hindi niya gagawin iyon. Not to her, especially to her na unang babaeng hindi man lang naapektuhan sa kaniyang presensiya. Pero mas lalong naniningkit ang mga mata ni Tori. Dahil doon ay napaatras si Marcus. Kamuntikan pa itong na-out balance. He just felt it. Mukhang ibang klase magbuga ng galit ang kaharap na babae. "Really? Should I be thankful to you? Mukhang sarap na sarap ka kasi kanina, e." poker-face si Tori. "Your wrong. And besides, kung hindi kita binalot ng tuwalya kanina niyakap, they will see you. Bakit ba kasi hindi mo nagawang buksan kaagad itong pinto ng kusina niyo? Saka kung makaarte ka naman, akala mo pinagnasahan kita?" Then he smirked sarcastically. "Ah, kaya pala ramdam na ramdam ko na naman ang nasa harapan mong tumutusok sa akin." Nagliliyab na ang mga mata ni Tori. "Huh?!" Gumalaw ang adam's apple ng lalaki at napaatras.Halatang nasukol. May dalawang metro kaagad ang layo sa babae. "S-si Finley ang sisihin mo dahil kung hindi sana siya tumakbo dito-" Pero tuluyan na itong nawalan ng kulay nang sa isang iglap, mabilis na lumipad papunta sa mukha nito ang isang kutsilyo. Tumama ito at bumaon sa pintuang kahoy na nasa likuran ng binata. Halos wala pang isang dangkal ang layo mula sa makinis nitong mukha. "Run, you pervert. Bago ko pa mai-bull's eye sa mukha mo 'tong hawak ko!" namumula na sa galit ang dalaga. Pahiyang-pahiya na talaga siya. Sa lahat ba naman ng lalaki, bakita ito pa ang nakaunang humawak sa virgin niyang katawan! "Oh s**t!" Mabilis pa sa alas-kuwatrong kumaripas ng takbo si Marcus, nang makitang may balisong na namang hawak ang babae. "Tori? Sino ba'ng..Ano ka ba namang bata ka, bakit ka nakahubad diyan? Pumasok ka nga dito!" nagulat ang kadarating lamang na si Aling Nita. Bahagya pa nitong naaninag ang papalayong bulto ng lalaki habang tumatakbo pero hindi na nito napagtuunan ng pansin dahil sa nakikita nitong galit sa kaniyang mukha. "Ano ba'ng nangyari? Sino iyon? May nagtangka ba sa'yo?" nagugumilihan nitong tanong. "May tigre, Nay. May tigre po'ng nakapasok dito sa ating bakuran na sinundan ng amo niyang manyak!" Halatang hindi pa rin makasunod sa kaniya ang ina. Kinalma ni Tori ang sarili hanggang sa nagawa nyang ikuwento dito ang nangyari, except of course sa pananantsing sa kaniya ng may-ari ng tigre. "Teka sandali, anak. Tigre ba kamu? May nakapasok na tigre dito? Eh, ang alam ko'y iyong sa villa lamang ang may alagang tigre dito sa atin, e. Hindi ko ba naikuwento sa'yo? Naku, tiyak na si Finley iyon, Tori. Mabait naman iyon at hindi nangangagat ng tao. Laki kasi sa mga tao iyon." Napanganga ang dalaga. Alam ng nanay niya pero hind nito nagawang banggitin sa kaniya? "Nay, alam niyo pong merong pagala-galang tigre dito sa baryo natin at hindi niyo po sinasabi? Paano na lang po kung may mabiktima ang tigreng iyon?" "Anak, mabait si Finley. Pasensiya ka na at nalimutan ko talagang banggitin sa'yo, pero alaga iyan ng anak ni Don Carlos. Minsan ko na iyang nakita noong isinama ako ni Sonia sa farm sa villa. Aba'y napakalambing. At saka hindi naman iyon pagala-gala. Baka nakawala lang sa kulungan." Napapikit ang dalaga. Paano'ng wala siyang natanggap na impormasyong may tigre sa kanilang barangay? Singbait man ito ni Barney, still, it's carnivorous. Paano na lang kung biglang gumana ang predator instinct nito? At ang mga tag-Macabebe? Ang mga bata? Right, malambing nga. At sa sobrang lambing, talagang nagpunta pa sa kapit-bahay para makipagkaibigan. "Nay, hindi po pupuwedeng basta ganoon na lamang. Kailangan ko pa rin pong siguraduhin ang safety ng mga taga-Macabebe. At ng mga karatig barangay inkaso por kaso na makawala ito ulit at makipag-friendship sa ibang lugar." Natatawang napapailing ang ina-inahan. "Maniwala ka, anak. Magugustuhan mo ang tigreng iyon kapag mas nakilala mo. Kita mo nga at hindi ka naman sinaktan" halata ang galak sa mukha ni Aling Nita habang nagkukuwento ng tungkol sa tigre. Poker-face namang ngumiti ang dalaga. Pagkatapos niyang ikuwento ang ginawa ng Finley the tiger na 'yon, parang na-amuse pa ito sa sobrang friendliness nito. "Mabuti naman at sinundo ni Marcus. Aba'y bakit nga pala nagtatatakbo ang batang iyon, ha? Inaway mo ba?" mukhang worried pa talaga ito sa amo ng sinundong hayop. "Aba'y huwag mong aawayin ang binatang iyon, Tori. Napakabait noon." Tori just rolled her eyes. Hindi na lang siya sumagot at baka kung ano pa ang kaniyang masabi. Napasapo sa kaniyang noo ang dalaga. Bakit kailangan pang maging awkard palagi ang kanilang pagtatagpo? "Alam mo anak, may punto ka rin. Kausapin mo na lang ang amo. Mukha namang pinagtagpo kayo, e mismong tigre na nga ang nagdadala dito sa amo." Napanganga ang dalaga. The moment she turned to look at her Nanay Nita, mukhang tuwang-tuwa pa ito. She even winked at her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD