Chapter 27 - Contract Signing

1011 Words
“Wow! Ate Tori, ang ganda mo!” Napatakip sa kaniyang bibig si Gia nang makita ang dalaga.  Nag-aalangan namang ngumiti si Tori, o mas tamang sabihing napapangiwi at hindi alam ang gagawin gayung namamawis ang kaniyang mga kamay dahil sa matinding kaba. She’s wearing a five-inches beige Gino Rossi stiletto at kung inaakala ninyong iyon ang dahil kung bakit parang nag-aalangan ang babae’y nagkakamali kayo.  “Oh my, Tori. You really made my dream come true! Ang ganda-ganda mo at sobrang bagay sa’yo ang outfit mo!” Huminga ng malalim si Tori bago iniikot ang sarili sa harap ng salamin.  Siya ba talaga ang nakikita niya? Dahil ang babae nga naman na nasa repleksyon ng salamin ay sobrang hot sa suot nitong puting cotton shirt na v-cut at medyo mababa pa ang tabas, making a little bit of her...you know, na parang sumisilip. Cup C siya at salamat na lamang dahil merong itim na blazer na ipapatong doon kaya medyo kumalma si Tori.  “Ano ba naman ‘to, Mang? Wala na bang ibang pang-itaas diyan?” “Ay naku, huwag ka na ngang mag-inarte diyan ano? Ayan at tayong-tayo ‘yang dapat mong ipagmalaki, ikahihiya mo? Day, baka nakakalimutan mong may swimsuit competion ka dito.” Inirapan ni Tori si Inah na abalang nag-aayos ng kaniyang pang-ilalim. Inah let her paired her upper outfit with Levi's denim skinny jeans.  “Ate, promise, ang ganda mo. Sobrang hot mo, Ate! Para ka ngang nakaka-tomboy. And to think, kagabi pa tayo nag-uusap at ngayon ko lang malalaman na Bb. Pilipinas pala ang ipinunta mo dito sa Manila!” “Maniwala ka sa bata, Mang,” nang-asar na naman ang bakla pero iyon pinansin ni Gia. Ngumuso lamang ito bago muling tumingin kay Tori ng may paghanga.  “At huwag kang mag-alala kasi hot ka ngang tingnan pero ang whilesome naman ng dating. Grabe, I’m so proud kasi ang isa kong kaibigan candidate ng BP!” Natawa ang chairwoman. Unti-unting nawawala ang kaniyang kaba sa mga naririnig niya sa dalawa niyang kasama.  “Thanks, Gia.” “Walang anuman, Ate Tori. Basta pagdating mo doon mamaya, show what you got, girl!”  Nagkatawanan ang dalawang babae habang si Inah naman ay nagkunwaring napapairap but a hint of smile can be seen. “Mabuti pa ang iba diyan, pinapasalamatan. Samantalang ako-” Hinampas ni Tori ang balikat ni Inah. “Ang arte mo, Mang. Siyempre, sa’yo ang credit hanggang sa matapos ko ang kumpetisyong ito dahil ikaw kaya ang maghihirap sa aking magpaganda at magturo ng mga gagawin?” “Sus, ma-eenjoy ko naman ‘yun. O sige na, kailangan na nating lumarga at nang hindi ka ma-call out doon kapag late tayong dumating. Nasa baba na ang sundo natin,” mabilis na dinampit ni Inah ang isang may kalakihang bag kung saan nakasilid ang kaniyang mga gamit katulad ng make up, ekstrang comfortable clothes na hindi nalulukot. Meron namang isa pang dala ang kaibigan niya na nasa hanger at bibitbitin na lamang ng isa pero kahit ganoon ayngdala pa rin siya ng ekstrang pamalit. Girl scout si Tori mula pagkabata, pero hindi siya palaging sumasali. Gayunpaman, iyon ang isa sa kaniyang motto - ang laging handa.  “Nakuha mo na ang number ko at nakuha ko na rin ang sa’yo. Keep in touch, okay?” Nag-thumbs up kay Tori si Gia. Nasa lobby na sila ng hotel naglalakad papalabas kung saan ay nakaabang na ang van na may tatak ng pangalan ng hotel kung saan sila patungo. Nagsabi na si Gia na kailangan na rin nitong umuwi. She promised na one of these days ay tatawag siya sa chairwoman.  “Oo naman, Ate. It is so nice to meet you both, Inah…” bumaling ito sa isa na noo’y nakatingin lamang sa nagsalita. Bahagya na ring lumambot ang mukha nito. “Pasensiya ka na kung iniinis kita kagabi, ha? Alam mo ‘yun, crush sana kita e, pero mas gusto naman kitang maging kaibigan.” Napailing ang bakla saka ito lumapit kay Gia. “Well, ikaw din naman, crush sana kiya kung hindi ka lang din parang bulate sa sobrang likot. Pero, of course, gusto din naman kitang maging kaibigan lalo pa’t parang pinag-biyak na bunga kayo nitong si Victori. Kung hindi ko lang talaga alam ang kuwento ng buhay nito, iispin kong magkapatid kayo.” Nagkatinginan ang dalawa bago nakangiting nagyakapn. “Ingat ka. Mukhang ayan na ang taxi mo.” “Yeah,” muli itong ngumiti at kumaway sa kanilang dalawa bago naglakad at pumasok sa loob n taxi na nakaantabay na.  “Tara na at baka tayo’y ma-late sa ating appointment.” “Hanggang ano’ng oras ba tayo doon?” “Ang alam ko, hanggang 2pm lang yata pero merong dinner get-together ang mga kandidata sa Sky Deck. Kailangan mo doong umatend sabi ni Rupert, nagtext kanina dahil baka daw mang-indian ka.” Nagtatakang napatingin siTori sa kaniyang katabo. “Close kayo noon? Bakit may patext-text pan kayong nalalaman?” “Of course, ako ang manager mo. Kailangan niyang dumaan sa aking mga kamay.” Inirapan ito ni Tori. Hindi na lang pinansin ang pagkaka-career nito sa ginagawang pag-aasikaso sa kaniya. Tama nga naman ito dahil si Inah ang ilalagay niyang POC niya during the competition period. In short, ito nga ang magiging puntahan ng mga taong gustong magkaroon ng komunikasyon sa kaniya, mula sa mga schedules niya hanggang sa kaliit-liitang activities niya hanggang sa matapos ang pageant.  “Basta, tapusin na natin ito kaagad at nang makabalik na tayo ng Macabebe. And dami ko pa’ng kailangang asikasuhin.” "Huwag mo na'ng masyadong i-stress ang sarili mo diyan. Nandoon si Samuel at Luwanda, alam mo namang mapagkakatiwalaan naman ang dalawang iyon. Besides, mayroon kang tatlong linggo para muling bumalik dito so fingers croessed, sana ay maging smooth ang lahat later, para makabalik na tayo sa iyong mahal na baryo." "Pssh, kung nagsalita parang hindi ka taga-Macabebe."      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD