More or less one hour ay nasa Sheraton Manila Hotel na sina Tori, Inah at Gia. Kung nakakasugat lamang ang mga irap ng kaniyang kaibigan, malamang, sugat-sugat na ang dalaga. Hindi na lamang niya pinapansin si Inah dahil bukod sa alam niyang nag-iinarte lamang ito, naniniwala naman siyang mabait si Gia. Tori can’t even help but to smile lightly dahil mandalas, habang pinagmamasdan niya ang bago nilang kaibigan, ang gaan-gaan talaga ng kaniyang loob dito.
“May binisita ka ba sa norte?” tanong niya kay Gia habang nasa veranda ng kanilang hotel suite, courtesy of the pageant committee. Each candidate is given an accommodation, sagot ng komite pati na ang kanilang pamasahe ni Inah papunta at pauwi ng Benguet. Sakto ngang maximum of two ang pwedeng bitbiting alalay ni Tori during the entire period of competition, mula sa preparasyon hanggang matapos sa gabi ng pageant. Kaya walang naging problema sa pagsama nila kay Gia.
Nakapaglinis na sila ng kani-kanilang mga katawan at ngayon nga’y may hawak na salabat si Tori habang si Gia naman hot chocolate. Kaninang pagdating din nila ay agad silang ini-estima ng mga taga hotel. Mabilis silang nagpaakyat kanina ng kanilang maiinom, wala namang balak na magpuyat pa si Tori. Alas-diyes bukas ng umaga ang call-time nila sa Hilton Manila, para sa kanilang two-days contract preparations.
Si Inah ay knock-down na sa kabilang kama. Dalawang double size bed ang nasa loob na kanilang suite, at pwede din mag-request ng isang extra foam, which Gia automatically requested sa staff na dumating kanina. Anito’y malaking abala na ang ginawa nitong pagsabit sa kanila kaya hindi na rin naman pinigilan iyon ni Tori. Ang maldita niyang kaibigan kanina, nang sabihan niyang magpalit sila ni Gia ng higaan, hindi man lamang natinag. Hindi daw uso dito ang gentleman gesture dahil dalagang pilipina daw ito. Natatawa na lamang si Gia sa inaasta ng kaibigan. Pansin nga ng dalagang naaaliw talaga dito ang bago nilang kaibigan at mukhang hindi naman napipikon sa mga pinaggagagawang pagsusungit ng bakla.
“Wala naman. Actually, nag-soul searching ako. Gusto ko lang hanapin ang sarili ko,” ani nito kay Tori.
“Uhum?” pinag- masdan niya ng mabuti ang maamo niton mukha. “So, parang lost ka ngayon, ganoon ba?”
Mahinang natawa si Gia. “Hindi, ayos lang. Tanggap ko naman ang sitwasyon ko. Lumaki kasi akong wala mga magulang at ang nagpalaki sa aking kinikilala kong ama ay hindi ko pala totoong tatay.”
Natahimik si Tori. Alam niya ang nararamdaman ng kausap dahil siya’y ganoon din. Buong akala niya kanina’y perpekto ang buhay nito dahil sa palangiti nitong mukha. Iyong pala’y mukhang pareho pa sila ng history.
“I’m sorry to hear that. Pero alam mo, we’re the same. Lumaki din akong walang tatay at nanay. Kaya maniwala ka man at sa hindi’y alam ko ang pakiramdam.”
Halatang hindi inaasahan ni Gia ang kaniyang sinabi. Napatingin ito sa kaniya ng may katagalan bago tila malungkot na nangiti.
“Paano mo nalaman? Matagal na? Sa akin kasi, nitong nakaraang buwan lang. Kung hindi ko pa aksidenteng nakita ang bracelet na pag-aari ko daw noong baby pa ako, hindi ko malalaman na ampon pala ako.”
Mula sa pagkakaupo ay tumayo si Tori at lumapit kay Gia na noo’y nakasandal lamang sa barandilya habang nakaharap sa kaniya mula kanina. Matangkad siya kay Gia ng mga limang pulgada. Napatingala ito sa kaniya at siya nama’y kinuha ang dalawa nitong kamay at ginagap ng parang sa isang kapatid.
“Sa akin kasi...” nakayuko si Tori at hindi nakatingin kay Gia habang nagsasalita. Biglang parang may pait siyang naramdaman hindi pa man niya nasasabi ang gustong sabihin niya.
“I was brought by my nanny to her older sister who happens to be my known mother. Alam kong hindi ko siya biological mom noon pa man. Wala din akong pagkakakilanlan sa totoo kong mga magulang. Masakit, may kulang. Pero hindi ko hinayaan ang sarili kong magpatalo. Hanggang ngayon, wala akong impormasyon sa kanila. But at the back of my mind, I know, someday malalaman ko din kung sino sila.”
Ramdam ng isang Victoria Linares sakit ng kaniyang lalamunan nang mga sandaling iyon. For so many years, kinipkip niya ang bagay na iyon sa kaniyang puso. Oo, tanggap niyang hindi niyang tunay na ina ang nagpalaki, nag-aruga at nagmamahal sa kaniya na parang isang tunay na ana ngayon, pero hindi ibig sabihin noon ay hindi na sumasagi sa kaniyang isipan kung sino nga ba? Saan na nga ba ang mga magulang niya? Bakit meron siyang pakiramdam na buhay pa ang mga ito at sa tuwing binibisita siya ng mga panaginip na halos magkakarugtong, bakit bumabalik sa kaniyang isipan na may kinalaman ang mga iyon sa tunay niyang pagkatao.
All those years, ang alam niya’y matapang siya. Pero sino ang niloloko niya? Dahil higit sa anupaman, basta pamilya na ang usapan, sarili man o ang buong Macabebe, iba na ang kaniyang laban.
“Ate? Okay ka lang?” bakas sa boses ni Gia ang pagkakataranta. When Tori looked at her, nagulat na lamang ito nang iangat nito ang mga kamay para pahiran ng magkabilang hinlalaki nito ang luhang kumawala sa kaniyang mga mata.
“Umiiyak ka, Ate. I’m sorry. Mukhang hindi nakabuti ang mga nasabi ko sa’yo.”
Pilit siyang natawa bago kunwari ay napahikab. Tori patted Gia’s head bago niya bahagyang ginulo ang buhok nito. “Tara, tulog na tayo.”
Yumakap sa kaniya ang kausap and on that moment, Tori has felt peace.
“Salamat, Ate. Alam kong ilang oras pa lang tayong nagkakakilala pero pinagtiwalaan mo’ko. Hindi katulad ni Ino…” saka bahagyang lumayo si Gia sa kaniya bago ininguso ang nakangangang si Inah sa loob ng suite. Natawa si Tori sa narinig niyang tinawag nito sa kaniyang bestfriend. Talagang pinanindigan ang Ino.
“Talagang gagawin mo siyang lalaki, ha?”
“Ang guwapo kasi, sayang.” Napanguso ito at napapalatak.
“Haist, good luck. Dahil ilang taon na kaming magkaibigan niyan, wala ka diyang pag-asa.”
Gia chuckled. “Well, I just tried my luck. Crush ko kasi, e. Pero okay lang, Ate Tori. At least I have found friends...and a sister.”
Nangiti ng matamis si Tori. “Oo naman. The feeling is mutual, parang gusto na kitang gawing kapatid. Tulog na tayo.”