"Mang, nandito na tayo."
Halos hindi ko maimulat ang aking mga mata dahil sa sobra kong antok. Parang wala pa ngang sampung minuto ang ginawa kong pag-idlip, nandito na kami?
Muli akong napapikit at ninamnam ang lamig sa loob ng eroplano. Halos wala akong mahabang tulog simula nang umu-o ako sa pageant na ito, the reason why we're here in Manila. Hindi ko nga alam kung ang latest update na meron pa akong dalawang buwan para makapaghanda sa kompetisyong ito ay blessing ba o hindi. Oo, medyo humaba nga ang panahon kong makapaghanda at magtraining pero humaba naman ang anxiety ko at kawalan ng focus. Alam ko kasi sa sarili kong japag hindi ko boluntaryong gustong gawin ang isang bagay, I'll keep on being distracted. Sa bagay na ito, hindi man nila ako pinilit, well, let's just say, ako ang pumayag dahil sa lupang ipinangako ni Mayor, I was persuaded by the offer that will benefit the indigenous people under my care. Idagdag pa dahil sa pagpupursige ng buong Paraiso at pati na rin ni Gob.
"Bakit kasi sinosolo mo ang lahat? Nariyan naman ang mga kagawad natin na mapagkakatiwalaan, si Luwanda. Suportado ka naman nila sa pagsali sa pageant sa Binibing Pilipinas kaya wag mo namang pagurin ang sarili mo. Aba, hindi biro ang ginawa mong pagdedesisyon sa bagay na ito."
Hindi ko muna siya sinagot. Nag-inat ako at nang makita kong halos wala nang tao sa loob ng eroplano'y tumayo na ako. Mabilis na sumunod si Inah sa aking likuran upang ayusin ang may kahabaan kong buhok. Biglang nabaling ang pansin ko sa isang babaeng teenager na nakatingala sa amin. Mukhang nasa likuran namin siya kanina at ngayon nga'y papalit-palit ng tingin sa amin ng bakla.
"Hi," Ngumiti ako sa kanya.
"Hello. Magjowa po kayo?"
"Whut?!", eksaheradong reaksyon ng bakla. Natawa ako sa mukha ni Inah kaya nabaling sakin ang paniningkit ng kaniyang mga mata. Ang OA naman kasi kung maka-react.
Napatakip naman sa kaniyang bibig ang teenager.
"Ay, sorry po. Bakla po kayo? Sayang naman po, akala ko kanina magjowa kayo. Ang gwapo niyo po kasi at ang ganda ni ate."
Mataray itong inangatan ng kilay ang aming kausap. Sinaway ko si Inah at hinarap ang teenager.
"Sayang nga, 'no? Crush ko pa naman sana siya. By the way, ano nga palang pangalan mo? I'm Tori, and she's Inah, short for Innocencio."
Siniko ko ang kasama ko at ininguso ang kausap namin na noo'y ngiting-ngiti na animo'y natutuwa kay Inah.
Busangot ang mukhang inilahad ni Inah ang kaniyang kamay bago nagsalita ng malamya, "Inah."
"Hi, ako naman si Gia." Inabot niya ang kamay ni Inah. "Nice meeting you, Ino."
"Bingi ka ba? Sinabi na nga sayong Inah diba?"
Pero hindi siya nito pinansin, bagkus ay ibinaling nito sa akin ang kaniyang tingin.
Sa inis naman ng isa, nauna na itong naglakad papalabas ng eroplano habang naiwan naman kami ni Gia na nag-bubungisngisan sa likuran. Nakakatuwa kasi dahil first time kong nakita ang kaibigan kong namula ng ganon.
Hmm, mukhang nakakita ng kaniyang katapat.
"By the way, uhm san ka nga pala Gia? May sundo ka ba?"
"Wala eh. Kung san lang ako mapadpad mamaya."
Nahinto ako sa kaniyang sinabi. Nasa hall na kami papalabas ng arrival area at mula sa kinatatayuan namin ay nakikita ko ang kaibigan kong bitbit ang mga overnight bags namin. Tatlong araw lang ang ilalagi namin dito sa Maynila para sa mga paper works at kontrata na kailangang pirmahan para maging opisyal akong kalahok sa pageant. I looked at Gia, and I noticed na may kasingkitan ang kaniyang mga mata. Maputi din siya and masasabi kong maganda siya. Mukhang galing siya sa isang mayamang pamilya, na kahit simpleng tshirt at pantalon lamang ang kaniyang suot, kasama na ang bag at ang sapatos, alam kong mamahalin ang mga iyon.
"Naglayas ka?" gulat kong tanong sa kaniya.
"Naku, ilang taon ka na ba? Are you even eighteen?" I even glanced at my watch at nakita kong halos mag a-alas dyes na ng gabi. Last flight kasi mula sa Norte ang kinuha namin ni Inah para pagdating sa hotel na tutuluyan namin ay matutulog na lang kami.
Yumugyog ang balikat ni Gia sa katatawa, "Ate Tori, twenty-four na po ako." Namamangha akong napatingin sa kaniya, pagkatapos ay napabungisngis na din ng tawa lalo pa nang naglabas siya ng kaniyang lady wallet at ipinakita sa akin ang Valid ID. And indeed! She's twenty-four!
"Why not join us? Doon ka na lang sa hotel namin magpalipas ng gabi. We'll just grab a taxi from here."
For some reason, unang kita ko pa laman kay Gia ay magaan na ang loob ko sa kaniya.
Nagulat ako ng bigla akong kaladkarin palayo ni Inah.
"Aning ka ba, Victoria? Kakakilala mo lang diyan sa babaeng yan, bibitbitin mo pa sa hotel natin?" Nandidilat ang mga mata niya at halos tirisin na niya ko sa inis. When I glanced at Gia, tipid siyang ngumiti samin at kumaway-kaway.
"Kita mo na? Para pa ngang baliw na nangingiti at kung makatitig, parang may something."
"Napansin mo din yon? Kase napansin kong mukhang naaliw siya sayo. Para ngang crush ka niya, eh." Pinanliitan ko siya ng mga mata. Mukhang nasa mood akong mang-asar ngayon. Kitang-kita ko kung paano namula ang gwapong mukha ng Innocencio.
"Tigilan mo nga ko, Mang ha. Hindi ko alam kung dahil ba sa kulang ang tulog mo at ang bilis mong magtiwala sa isang estranghero. For all we know, baka stalker yan."
"I think you're right. And I am glad to announce to you that her unlucky victim is no other than you." Kasabay ng pagkakasabi ko noon ay bumunghalit ako ng tawa at tumalikod kay Inah para balikan si Gia. Dinig ko pa ang pahabol niyang tawag sa aking pangalan pero hindi ko siya pinansin.
"Okay lang ba, Ate Tori?"
"Ang alin?"
"Yung offer mong sa inyo muna sumama ngayong gabi. I promised to be gone the next day."
Ngumiti siya sa akin at muli ay naramdaman ko ang kakaibang gaan sa aking pakiramdam. Hinawakan ko na siya sa kaniyang kamay at masuyong hinila papalabas ng arrival area.
"Oo naman, sumama ka na lang muna sa amin at nang makapagpahinga ka na rin."