"Now, what is it that you wanted to talk to?"
Titig na titig sa kanya si Marcus bago nagsalita. "Retract your decision to join in the pageant."
It was unexpected kaya naman napabuka ang bibig ng dalaga.
"Ano?"
Pero hind muna siya sinagot ng kausap. Binalingan nito ang staff na lumapit sa kanila para kunin ang kanilang order. Nakita ni Tori ang nahihiyang ngiti sa kaniya ng binatang naka-suot ng kulay abong polo shirt na may logo ng isang puno ng palma, habang nasa ilalim nito ang pangalan ng cafe.
Bagama't nakakaramdam na ng pagkakainis ang dalaga, nagawa pa rin nitong batiin ang staff. Sino ba sa akala nito ang kaniyang kasama na basta na lamang magsasabi sa kaniya ng ganoong utos in an authoritative and bossy tone? Narinig niya siyang umorder ng dalwang brewed coffee at hindi man lang talaga nagtanong sa kaniya? Pagkatapos ay umorder din ito ng dawalang red velvet cake nang hindi din pa rin siya tinatanong?
Hah, mabuti na lang talaga at puro paborito ko ang mga iyon. Mas lalong nadagdagan ang inis niya sa lalaki.
Nang makaalis na ang staff para asikasuhin ang kanilang, sumandig kaagad sa sandalan ng inuupuang sily nito si Marcus. Humalukipkip ito habang nakatitig sa kaniya, habang siya nama'y pasimpleng iniiwas ang tingin. Tinatraydor siya ng kaniyang mga matang tila dumikit na sa mabalahibo at lalaking-lalaking mga braso ng kasama. Dahil sa may kaputian si Marcus, kitang-kitang niya ang mga ugat nitong visible sa kaniyang paningin, na mas lalo pang nagbibigay ng malakas na appeal ng lalaki. Hindi bulky ang katawan ni Marcus, pero halatang solido ito na siyang bumagay sa tangkad ng lalaki.
"Are you listening to me, Ria?"
"H-Ha? May sinasabi ka ba?" mabilis na nag-init ang pisngi ni Tori pero kunwari'y may nahulog sa kaniya kaya naman yumuko siya sa ilalim ng lamesa, kunwari'y may pinupulot.
She heard him chuckled at nang makita nga niya ang mukha ni Marcus, nakangisi ito habang kagat-kagat pa nito ang pagn-ibabang labi bago muling nagseryoso ng tingin.
Tori gulped and silently cursed herself. Kung anu-ano ang mga iniisip niya na hindi dapat.
"I was telling you again to retract your decision to join the pageant. Hindi ka do'n bagay."
"Excuse me? At sino ka para sabihin ang bagay na'yan?"
Aba't hindi lang pala ito mayabang, mapag-panlait pa ang hayop na ogre na 'to!
"Mr. Sy, I was somehow hoping before, na kahit hindi naging maganda ang mga nauna nating encounters ay mabibigyan tayo ng benefit of the doubt. Sadya ka pala talagang mayabang, antipatiko at ngayon naman, mapanglait? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Una, wala kang karapatang pigilan ako sa kung anuman ang naging desisyon ko. Pangalawa, alam konh hindi ako kasingganda at kasingtapang ng apog ng fiance mo, pero hindi naman tamang gusgahan mo ako na hindi ako nababagay para sumali sa pageant na'to."
Madiin ang mga salitang binitawan ni Tori habang tahimik lamang na nakahalukipkip pa rin ang binata. Marcus leaned forward. Inilagad nito ang magkabilang siko sa lamesa habang nanatiling nakatitig pa rin sa kaniyang huli.
"Chairwoman Linares, I didn't mean to degrade you nor insult you by saying those words. Let's just say, mayroon akong nabalitaang isang grupo na nagpapatakbo ng money laundering kung saan ay mukhang nandito pa sa sarili mong teritoryo? What are you going to do? Uunahin mo pa ba ang pagbibilad ng katawan? You know how the competition runs, right? O, baka naman talaga ambisyon mo ito? Kung ako lang ang boyfriend mo, kahit lumuha ka man ng dugo, hindi ka talaga makaksali."
"Well, malas mo lang dahil hindi kita boyfriend, Mr. Sy," nagbabaga ang mga mata ni Tori. Sobrang insulto ang ibinibigay sa kaniya ng kausap pero hindi siya magpapatalo. Alam niya ang tungkol sa sinasabi nito. Sa totoo lang, meron na siyang mga kausap at close coordination sa kinauukulan. Siya mismo ay alam na ang tungkol sa bagay na iyon. Ano ba sa tingin nito ang ginagawa nito at hanggang saan ang mga nalalaman nito?
Ngumisi si Marcus. Bagama't kitang-kita sa mukha ni Tori ang galit, hindi nagpapigil ang lalaki. Ginawa pa rin nito ang bagay na tiyak niyang mas lalong ikakagalit ng kausap.
"I wonder, how are you able to handle this situation nang hindi inuuna ang kaligtasan ng mga constituents mo. Kunsabagay, mabilis ka ngang mauto dahil pinag-community service mo lang naman ang nang-hostage noong ng trip trip lang, di ba?
"Hindi totoo 'yan. Wala kang karapatang pagsabihan ako ng ganiyan at turuan ung ano ang dapat kong gawin."
"Really? Sa sobrang busy mo nga, ni hindi mo na nga maasikaso ang nanay mo. Alam mo, huwag ka nang tumakbo sa susunod na eleksyon. Hindi mo rin naman kasi kayang panindigan ang pagbibigay mo ng buong atenyon sa baryo mo."
"Are you done insulting me? Tell me, what do you want?" bahagyang nanginig ang boses ni Tori sa sa pinipigilang damdamin. Hindi niya akalain makakadama siya ng ganoong insulto mula kay Marcus. Bagama't hindi naging maganda ang simula ng kanilang pagkakakilala, hindi naman sumagi sa kaniyang isipan na harap-harapan siya nitong iinsultuhin.
-----------------------------------
"S*it."
Halos itaob ni Marcus ang lamesa sa kaniyang harapan matapos siyang talikuran ni Victoria. May limang minuto na ang nakakaraan nang maiwan siyang mag-isa sa kanilang puwesto. Ni hindi man lang nito nagawang galawin ang inorder niyang brewed coffee at red velvet cake.
Some of her favorites, dahil mismong iyon ang sinabi ni Aling Nita nang magtanong siya dito tungkol sa dalaga.
Nagtagis ang bagang ni Marcus. Hindi totoong hindi nababagay ang dalaga sa nalalapit na patimpalak na iyon. Siya na ang pinakatangang nilalang kapag nagkataon ngang ganoon ang kaniyang tingin dito. Pero meron siyang sariling dahilan kung bakit niya iyon nagawa.
At ipinapangako niyang kapag dumating ang tamang panahon, ipapaliwanag niya ng maayos sa dalaga kung bakit niya iyon sinabi.
Ang problema, mukhang imbes na umatras ito'y mas lalo pa itong naging kumbinsidong sumali. Totoo ang sinabi niya dito kanina. Nasa hotlist ang Macabebe dahil sa pagpasok ng isang hindi pa kilalang grupo na may malawak na money laundering activity. Noong araw na nagkaroon ng hostage scene sa pagitan ni Kiro at Naida, nalaman niya sa hepe ng Paraiso ang sitwasyon. It's an intelligent report kung saan, nataong malalaman talaga ni Marcus, being part of an international anti-syndicate agency.
Tumunog ang cell phone ni Marcus. Nang makita niya kung sino ang nasa kabilang linya, mabilis niya itong sinagot nang may bahagyang pag-aalala.
"It didn't get well, am I right?"
Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang isinagot.
"As expected. Anyway, knowing her, she'll understand that, eventually. Kailangan mo lang ipagtapat sa kaniya ang totoo."
---------------------------------------
"Bilisan mo!"
Halos hindi naman magkandatuto sa pagtakbo ang tinawag. Nakasunod ito sa likod ng isang babaeng may hawak na sanggol habang pilit na tinatakasan ang mga tauhang humahabol. Hanggang sa bigla na lamang itong madapa.
"Diyos ko po, Madam! " Nanginginig man sa takot ay pinilit ng babaeng tila katiwala ng naunang babae ang magpakatatag. Mabilis itong lumuhod sa nasadlak na ginang habang mabilis nitong sinipat ang kalagayan ng baby. Nakahinga ito ng maluwag nang makitang protektado ito ng ina sanhi upang ito'y hindi man lang tumama sa bato o matitigas na bagay. Ni hindi rin ito umiyak at tahimik lamang na namimilog ang mga mata, tila ba nakikiramdam sa mga nangyayari.
"M-Madam, kailangan niyo pong tumayo. Baka m-maabutan po nila t-tayo!"
Ngunit sa kasalukuyan nitong nakikita, tila unti-unti nang nawawalan ng lakas ang among babae. Nanginginig na yakap-yakap nito ang sanggol habang impit na umiiyak. Halos mapuno na rin ng putik ang kulay puti nitong bestida.
"M-Madam, bilisan na'po natin. Tutulu-"
"K-kunin mo na siya at umalis na kayo dito." Pilit iniaabot sa kaniya ng butihing ginang ang bata. Tuluyan nang napaiyak ang babae. Sa halos dalawampung taon niyang paninilbihan sa pamilyang ito, wala siyang ibang nasaksihan kundi purong pagtitiis at paghihirap ng among babae.
"M-Madam, paano po kayo? Pakiusap, magpakatatag po kayo."
Subalit umiling lamang ang babae. Habang hirap na hirap itong nagpumilit na makaupo, noon naman nakita ng katiwala ang dugong kumalat na sa bandang tiyan ng amo. Napasinghap ito at tuluyan nang napaiyak nang maunawaan nitong may tama nga ng baril ang amo.
"M-Mangako ka. Ikaw n-na ang bahala sa a-anak ko. Ilayo mo siya dito at huwag na huwag mong h-hahayaang matunton nila ang bata."
"O-Opo, Madam."
Pumaling sa kabilang direksyon ang ulo Ni Tori. Namamawis na siya't nanlaamig pero hindi nya magawang magising.
Hanggang sa isang putok ng baril ag kaniyang narinig. Tila nangggaling iyon sa kaniyang panaginip. Napabalikwas siya ng bangon habang habol-habol ang kaniyang paghinga.
Napahilamos siya sa kaniyang mukha. Saglit niyang inalala ang kaniyang napanaginipan at kung iisa-isahin niya ang mg aiyon, masasabi niya magkakapareho halos ang kaniyang napapanaginipan. Baby, babaeng humahawak sa baby na sa palagay niya'y ina nito at isang babaeng kumuha sa. Mga lalaing humhabol at putok ng baril pagkatapos ay dugo sa katawan ng ginang.
Ano'ng ibig sabihin ng mga 'to? May kinalaman ba iyo sa tunay kong pagkatao?
Answers. She needs answers. Pero saan niya iyon kukunin? Tumayo siya at lumabas ng kaniyang kuwarto para kumuha ng maiinom sa kusina. Matapos makakuha ng isang basong tubig, bitbit ito'y lumabas siya ng kanilang bahay ay naupo sa porch habang nakatingala sa malaking buwan.
She tried to remember the woman's face in her dream, the one carrying the baby, pero hindi niya maaninang talaga. Sa pakiwari niya'y may kinalaman talaga ang kaniyang mga panaginip sa kaniyang katauhan. Wala sa sariling napahawak siya sa kaniyang kuwintas na suot at inilabas iyon mula sa pagkaatago sa suot na oversized -t-shirt. ang pendant na iyon ay isang itim na bato - black jade - na ayon kay Nanay Nita ay kasama daw sa mga gamit niya noong iniwan siya ng kapatid nito dito.
"Ikaw ba ang makakatulong sa'kin para malaman kung ano ang tunay kong pagkatao?"
Nang biglang nag-vbrate ang kaniyang cell phone. Kumunot ang kaniyang noo nang makita ang isang unknown number na tumatwag sa kalagitnaan ng gabi, about one in the morning to be specific!
Hindi niya iyon sinagot at ibinalik ang atensyon sa kuwintas. Wala pang isang minuto ay muling tumunog ang kaniyang cellphone at isang text naman ang natanggap. Ut is still the unknown number na kani-kanina lamang ay tumatawag.
Please answer the call, Ria.
"Anak ng...sino ba to?" kausap na niya talaga ang sarili. Nang muli itong nagvibrate ay mabilis nya na iton sinagot. sa tonong naiinis, mabilis niya iton gsinagot.
"Sino to?"
"Bakit hindi ka pa natutulog?"
Bigla ang pagkabog ng dibdib ng dalaga. Hindi man niya tanungin kung sino ang nasa kabilang linya, she's almost knew it pero hindi niya sasabihin.
"It's me, Jace."
Oh, ito na ang nagsabi.
"Saan mo nakuha ang number ko? At paano mo nalamang hindi pa'ko natutulog?"
"Of course, I can see you from here."
Nanliliit ang mga mata ni Tori. mula sa veranda ay makikita nag roof top ng mansiyon at doon nga, sa tulong ng maliwanag na buwan kita niya ang isang bulto ng lalaking bahagya pang kumaway sa kaniya.