"Tori, pasensiya na sa inasal ni Samntha kanina. She's really a brat at nasanay lang talaga sa pagiging bossy."
"Vaughn, pinipilit kong huwag siyang patulan, but including my constituents to be insulted? Iyon ang hindi ko mapapalampas. At saka, wala naman kayong kasalanan. Stop asking an apology," malumanay na sabi ng dalaga dito kasama si Tom. Declan went with Marcus and Samantha matapos bitbitin ng nauna ang babae papalabas ng barangay hall bago pa man niya ito patulan.
At ngayon nga'y nasa labas na rin sila ng barangay hall. pabalik na din kasi ng Maynila ang tatlo at katulad ng naunang binanggit noon ni Marcus, isasabay ng mga ito si Samantha.
Natatawang napailing si Tom. "I thought you would really hit her earlier. Kahit naman kasi kami ay hindi nagustuhan ang sinabi niya. Kung bakit ba kasi nalaman niya ang lugar na ito at nagpunta pa dito."
Kumunot ang noong binalingan ito ng kapitana. "Normal lang namang bagay iyon, ang puntahan ang kaniyang fiance. Siguro miss na miss na ang kaibigan niyo kaya ganoon. Tapang nga, eh. Ngayon lang kamo niya nalaman ang lugar na ito ni Jace? Dapat nga magdiwang pa 'yang kaibigan niyo dahil tiyak, naka-home run na naman iyon kagabi."
Walang nagsalita pagkatapos niyang sabihin iyon kaya naman napasulyap si Tori sa dalawang kasama. Tiyak niyang mahina lamang ang pagkakasabi niya sa huling pangungusap, kaya naman halos magkulay-kamatis ang buong mukha niya nang marinig ang sinabi ni Vaughn
" Home run, huh," nakangisi nito sinabi. "Paano siya makaka-home run eh doon si Marcus natulog sa kuwarto ng kaniyang pamangkin. At isa pa, Samantha is not Marcus' fiance, Tor."
"Huh?" talagang nagulat ang dalaga sa narinig. Kung hindi pala ito fiance ng lalaki, bakit iyon ang sinabi nito kay Rupert?
"Saan mo ba narinig ang balitang iyan? Ni hindi nga siya girlfriend ng kaibigan namin."
"Marcus is not doing that thing. Hindi siya pumapasok sa ganiyang relasyon. May mga babae siya pero- aray! S*it man, why did you do that?" angil ni Tom kay Vaughn. Ininguso ng huli si Tori na halatang nagulat sa mga sinasabi nila pero agad ding nag-iba ng anyo ng mukha.
"Huwag mo namang ilaglag si Marcus, dude. Kailangan pa bang sabihin iyan?" Pabulong ang pagkakasabi ni Vaugn kay Tom. Manhid din kasi ang lalaking ito at sobrang daldal din minsan. Pumapangalawa kay Declan.
"By the way, nabalitaan namin na umoo ka pala na i-represent ang Benguet sa Bb. Pilipinas. We're glad that you have finally decided to join kasi sayang naman kung hindi."
Pumalatak si Tori. Bumalik sa kaniyang isipan ang pagiging abala niya sa mga susunod na linggo idagdag pa ang nalalapit na taunang baryo fiesta ng Macabebe.
"Yeah, na-korner na ako at nakakahiya namang umatras na," wala sa sariling napakamot sa kaniyang sintido si Tori. "I just hope, I can justify their support. Feeling ko kasi talaga, hindi ko ito forte."
"Ano'ng hindi? You are the exact term for a complete package, Kap. At oo nga pala, kanina ko pa 'to gustong itanong. We saw a black and white photo-frame at the back of your table, kanina noong iti-nour mo kami sa opisina mo, a woman in her white helmet and white motocross. Huwag mo'ng sabihing..." halata ang kakaibang excitement sa mukha ni Tom, samantalang si Vaugh naman ay humalukipkip na naghihintay din ng kaniyang isasagot.
Tumango ng nakangiti si Tori. "It was me, years ago. pero hindi na'ko active sa track."
"Woah!" Napapalakpak ang dalawa sa narinig. By the way, hindi iyon nakita nina Marcus at Declan dahil nga nauna itong umalis kesa sa dalawa kanina.
"What happened, bakit ka huminto? Damn, for real? You are a motocross rider!"
"I do the freestyle."
"Damn, hot! Sobrang suwerte naman sa'yo ang lalaking mamahalin mo, Kap. You are really one of a kind."
"Maganda pa at sexy."
Natatawang tinulak na ni Tori ang dalawang lalaki. "Ay naku, sige na at magsi-hayo na kayo at ako'y may gagawin pa."
"Right. Bakit pa kayo nandito? I thought na nasa likod lang namin kayo." Mabilis na napalingon ang tatlo sa masungit na boses ni Marcus. Bumalik pala ito at hindi man lamang nila namalayan ang pag-park ng kotse nito. May tatlong kilometro ang layo ng barangay hall sa bahay ng chairwoman at ng villa ni Marcus.
"Tsk, grabe. Bumalik ka pa talaga, due. naka-ready naman na kaming umuwi ng Maynila. Tss, possessive."
"S*ut up, dude. Umalis na kayo at nang hindi maiuwi niyo na si Samantha," pagkuwa'y bumaling ito kay Tori at seryosong tumitig sa dalaga.
"Can we talk privately?"
Ilang segundong natigilan ang dalaga bago niya tinanguan si Marcus. "May kukunin lamang ako sa loob, hintayin mo na lang ako dito. Vaughn, Tom, mag-iingat kayo sa byahe, pakisabi na rin kay Declan. Saka 'yung sinabi kong maintenance niya dapat sa kaniyang alfa romeo, huwag kamu niyang kaligtaan."
"We will, Kap. We promise too, magkikita tayo sa Maynila kapag bumaba ka doon for the pageant. We'll support you."
"Thanks." Kumaway ang dalaga sa dalawa habang nakangiti. Magaan naman talaga kasi ang loob niya sa tatlo. tanging kay Marcus lamang hindi dahil bukod sa mali at awkward moments ang mga unang pagkakataong nagkakilala sila nito, her identified feelings for this man shoud be dismissed.
"Ano ba'ng kailangan nating pag-usapan? Baka puwedeng sa loob na lang ng opisina ko?"
"This will not take too long. Let's grab a brewed coffee," ang tinutukoy ni Marcus malamang ay ang coffee shop sa Paraiso. Hindi na umangal ang dalaga at mabilis na lamang na kinuha ang body bag nito sa loob.
Wala pang sampung minuto at nasa bayan na sila ng paraiso. Lahat ng tingin ng mga nasa loob ng Cafe Paradise ay napukol sa kanila nang tumunog ang pintuan nito sa kanilang pagpasok. Halata ang paghanga sa bawat mata ng mga naroroon dahil bukod sa matikas at magandang lalaki si Marcus, hindi naman magpapahuli si Tori na nang mga sandaling iyon at nakasuot ng isang puting cotton shirt na may pangalang "beat me" na tinernuhan nito ng itim na skinny jeans. Navy blue converse naman ang sapatos nito habang mataas na naka-ponytail ang itim at wavy-shoulder length nitong buhok. The chairwoman smiled at those who smiled to them habang nakasunod lamang sa liod ni Marcus.
Agad namang dumeretso ang lalaki sa isang corner table na malapit sa lagoon area ng cafe. Meron kasi itong veranda kung saan ay may lagoon na halos mapuno ng lotus. Ipinaghila siya ng upuan ni Marcus bago ito naman ang pumwesto sa kaniyang harapan.
"Now, what is it that you wanted to talk to?"
Titig na titig sa kanya si Marcus bago nagsalita. "Retract your decision to join in the pageant."
"Ano?"