Chapter 22 - Barangay Macabebe

1168 Words
"Alam mo naman ang balita, may pakpak. May tenga ang lupa, at ang mga binatang admirer sana ni Miss Dizon kanina? Ayun at na-disappoint na. Basta ang masasabi ko lang mang, palaban ang lokang Samantha na' yan. Threatened yan sayo." Napailing ako sa narinig. It may sound mayabang ako pero ramdam ko naman talaga na mainit sa akin ang dugo ng fiance ni Jace. At isa pa ‘tong pagtawag ko sa kaniya ng pangalawa niyang pangalan. Oo nga, gusto kong ako lang ang may tawag sa kaniya noon, pero hindi ko naman sinabing pansinin niya. Lusutan mo ngayon ‘yan. Kung bakit ka pa kasi nag-isip ng endearment mo sa lalaking iyon na hindi na available. Committed na.  I may be known to be straight and stoic sometimes, but for me, nangyayari lang iyon kapag kinakailangan. Marunong akong makisama, hindi ako snob at isa din naman akong normal na babae. Of course, I admire men, iyon nga lang, pihikan ako. It was never my intention too, nor even crashed into my mind na darating ang araw na mang-aagaw ako. It’s not me.  Kaya noong araw na inamin ko sa sarili kong may kakaiba akong nararamdaman sa kaniya, I maintained what I must do. Yes, I secretly admire him, but I will not stoop below para manira ng relasyon ng ibang tao. Masaklap, knowing he's committed at tanggap ko iyon mismong noong gabing iyon sa Coco Veranda. This is the right thing to do, at hanggang sa kaya konh magtimpi, hindi ko pag-aaksayahan ng panahon at atensyon ko ang mga ipinapakita ng kaniyang fiance. Hindi ko lubos maisip kung saan nakukuha ng kaibigan ko ang ideya nito but one thing is sure, hindi ako maninira ng relasyon ng ibang tao.  Hindi pa man nakakaalis si Inah ay nakarinig na’ko ng kalabog mula sa labas ng barangay hall. Sa tantiya ko’y tunog iyon ng pintuan ng sasakyan na isinarado at hindi nga ako nagkakamali. Maya-maya’y may kumatok na sa pinto ng maliit kong opisina at dumungaw ang ulo ng aking sekretarya.  “Kap, excuse me po. May naghahanap po sa inyo sa labas. Mukhang mga taga-Maynila po. Ang guguwapo at ang ganda po ng babae, kaso mukhang nakulangan sa good manners.” See? Nagkatinginan kami ni Inah bago tipid na tinanguan si Wanda. “Sige, please lead them to the meeting room.” Nakaangat ang isang kilay ni Inah at paanas na nagsalita. “I’m not leaving here, dito lang ako sa opisina mo. Make sure to send an SOS kapag kailangan mo’ko.” But I just smirked and I knew my friend understood the message. “I know, right? Magpapatalo ka ba naman sa sarili mong teritoryo?” “Overacting ka na. Go, puntahan mo na ang dapat mong puntahan at nang maayos natin ang schedule ko sa Maynila. Hindi pwedeng wala ako dito sa susunod na mga linggo,” malapit na kasi ang fiesta ng baryo. Mabuti na nga lang at mapagkakatiwalaan ko ang aking mga kagawad sampu ng SK federation. Thanks to them, dahil mayroon kaming division of labor para masiguro ang kasiyahan at kapayapaan ng taunang selebrasyon namin.  Lumabas ako ng aking opisina para tunguhin ang meeting room. Lumapit sa akin si Luwand, bahagyang nakanguso at mukhang may gustong sabihin na sa tingin ko’y alam ko na.  “Kap, ang guguwapo ng mga nasa loob at maganda din sana ang babae kaso ubod ng yabang at antipatika.” “Sshh, let me handle it,” kinalma ko ang lagi na lamang high-blood kong sekretarya bago sinenyasan ang isang kagawa on duty na si Kuya Jaime. “Okay na po ba ‘yung CCTV, kuya?” “Ayos na po, Kap. Naibigay ko na din po kay Luwanda ang listahan ng mga pangalan ng taga-kabilang baryo.” Pagkatapos na ilan pang diskusyon ay pumasok na rin ako sa loob. There, all eyes were glued to me and while I can sense Marcus Jace’s intent stares at me, ang kaniya namang fiance ay halos magbuga ng ng apoy at asido. Nakasunod sa aking likuran si Luwanda at Kuya Jaime, “Good morning, lady and gentlemen. Pasensiya na at pinaghintay ko kayo.” “Good morning, Tori./Magandang umaga, Chairwoman,” halos sabay-sabay na bumati sa akin sina Vaugh, Tom at Declan habang si Samantha naman ay nakasimangot.  “Good morning, Ria,” talagang nagpahuli ba siya para lang tumagos sa akin ang kaniyang pagbati?  Silly, Victoria. Focus.  Isang pormal na ngiti ulit bago ko sinimulang tanungin ang nangyari.  Nagsimulang mag-salaysay si Samantha kung ano ang nangyari noong gabing may humarang sa kaniyang sasakyan. Indeed, she was telling the truth including the time stamp estimation. Kitang-kita nga sa CCTV ang nangyari but it turns out, it happened between the boundaries of the two barangays. Na-validate din namin, after close coordination with Chairman Natoy ng Magayon, na sakit sa ulo nga ang dalawang nahuli-cam, at confirmed na pawang residente iyon ng kabilang baryo. Pinatapos ko siyang magsalita hanggang sa kahuli-hulihang parte ng kaniyang monologue hanggang sa biglang nag-iba ang takbo ng kuwento.  “So, I expect that these people should go to jail immediately, and I want it now!” “Sam,” napahawak sa braso nito si Vaughn dahil ito ang nasa tabi ng dalaga. Kanina’y naisip ko din kung bakit ang layo ng puwesto ni Jace dito. Nakapagitan kasi sina Tom at Declan sa dalawa.  “Don’t touch me.” Piksi nito na nginisihan lang naman ni Vaughn. Pasimple akong tumingin sa isa, checking if he might get jealous of what his friend did, pero parang wala lang naman kay Marcus iyon. Well, maybe close na din ng tatlo ang babae kaya ganoon.  "Ano na, Chairwoman Linares? Huwag mong sabihing wala kang gagawin dahil siguro naman ay may CCTV ang barangay niyo para makitang hindi ako nagsisinungaling. Well, kung wala, I wouldn't be surprised dahil sa nasa bundok kayo. Tuloy, kahit ang mga tao dito, asal-bundok na rin." "Sam, that's too much!" biglang tumaas ang boses ni Marcus, at kahit pa ang tatlo nitong kaibigan ay muhang nainis din sa sinabi nito. Tumayo ito at anyo sanang bibitbitin nang palabas ang babae nang sinenyasan ko siya ng aking kamay.  Tumayo ako at lahat sila ay napatingin sa akin. That moment, ramdam kong wala na at tuluyan nang napigtas ang pisi ng pasensya ko. Insultuhin niya na ako, huwag na huwag lamang ang aking baryo at ang aking mga taga-barangay. "You have crossed the line, Miss Dizon. Foul na 'yang lumalabas sa bunganga mo at kung hindi ka pa tatahimik, sinisiguro ko sa'yo na lalabas ka dito ng namamaga 'yang maganda mong bibig. I respectfully invited you here to formally file a case, which we will process and resolve, but be reminded that we have a due process. Huwag mong idadaan sa pagiging spoiled brat mo ang mga taga-Macabebe dahil tiyak na hindi mo magugustuhan ang mangyayari kapag nagkataon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD