"Ria, wait.”
Huminto ang kapitana at tumingin kay Marcus. “You can accompany her later to the barangay hall. Mauuna na’ko.”
“Oh, so now, first name basis na kayo ng babaeng ‘to?”
Napatigil sa kaniyang paglalakad ang dalaga at nilingon ang dalawa. Nagpanting ang dalawa niyang tenga. She can let her pass earlier pero mukhang hindi naman tama ang tawagin siya nito sa ganoong paraan. Nilingon niya ito at isang nang-aasar at nang-uuyam na mukha nito ang agad sumalubong sa kaniya.
“Excuse me, Miss Dizon. Hindi man ako kasing-updated sa social pages, I’m aware somehow na ikaw ang klase ng babaeng professional. Perhaps, you came from an influential family too, right?”
Nameywang pa ito at nagmamalaking sumagot sa kaniya. “You have your own intelligence, Chairwoman. Kaya alam mo naman na siguro kung sino ang binabangga mo?” Ngumisi si Samantha pero agad din iyong nawala nang sinagot din siya ng ngisi ni Tori bago ito muling nagsalita.
“I do. And I must say, kilala ko nga kung sino ang binabangga ko. Isang babaeng utak talangka na naturingang may mataas na pinag-aralan, pero bobo sa magandang asal. I wonder, ano kaya ang grades mo sa GMRC?”
Napaawang ang bibig nito sa gulat at anyo sana siyang susugurin nang mapigilan ni Marcus.
“You pathetic-”
“Stop it, Samantha,” madiin ang boses ng lalaki. Hinawakan nito sa magkabilang balikat ang babae habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kaniya.
“Don’t make further commotions here. Pinagtitinginan ka na ng mga tao.”
“The hell I care, Marcus. Nilalandi ka niya, can’t you see?”
Naiiling na natawa si Tori.
Kung hindi niya lang siguro natatandaang kailangan niyang panindigan ang pagiging kapitana niya sa lugar na iyon, kanina pa nakatikim sa kaniya ang bwisit na babaeng ito. She tried to stay calm at bahagya pang nginitian ang mga nakakakita sa kanila. Sumenyas siya sa mga ito na okay lang siya nang akmang may papagitna sana, o mas tamang sabihing kakampi sa kaniya. Muli siyang umakmang aalis na sana nang napabaling siya kay Marcus matapos nitong magsalita.
“Please stay. I need to talk to you.”
“My what, Samantha?” pabulong na agaw ng lalaki. Kahit papaano’y ayaw din naman nitong mapahiya ang babaeng nagwawala. “Mauna ka nang bumalik sa villa at mag-ayos pabalik ng Maynila. Sumabay ka na kina Declan dahil pababa na rin sila ngayon.”
Marahas na hinaklas ni Samantha ang pagkakahawak ni Marcus sa braso nito.
“Are you saying na hindi ikaw ang maghahatid sa’kin sa Manila? Babe, ano ‘to? I’m sorry, okay? I promise na babawi ako sa’yo, pero huwag mo naman akong pahiyain.”
Humugot ng malalim na paghinga ang lalaki. “Hindo kita pinapahiya, Sam. Tinatama ko lang ang maling ideya na ibinibigay mo sa mga tao. We’ve talked about this, right? He’s partially pissed now at napalunok na si Samantha dahil alam nito kung kelan hindi dapat banggain ang init ng ulo ng lalaki.
“Please, babe. I’m sorry, okay.”
Hindi na nakatiis si Tori. Naiinis siya sa boses nitong pabebe at tila masusuka din siya sa pagiging childish nito. It's obvious how clingy this woman is sa binata at wala siyang panahong magtagal pa sa lugar na iyon dahil madami pa siyang kailangang asikasuhin. Kanina pa sila nakakakuha ng atensyon ng ibang mga tao sa paligid. Dalawa na ang lumapit sa kapitana dahil sa pag-eeskandalo ni Samantha. Pero magalang niya lang itong sinabihan na walang problema at hayaan lamang siyang ayusin ang sitwasyon.
“Ikaw ang mag-isang nagpunta dito ng walang pasabi, Sam. Don’t expect me to satisfy your caprice dahil wala akong panahon diyan. I have something important to attend to.”
“At sino, ang babaeng ‘to?”
Mabuti na lang talaga at nagpasya nang hilahin ni Marcus pabalik ng villa si Samantha. Tila napipikon na rin ito at sumenyas pa sa kaniya ng sandali lang pero tumalikod lamang si Tori para iwan ang dalawang nagba-bangayan. Ang agang mag-away ng mag-jowang iyon at wala siyang planong tumunganga doon at magmasid. Kaunti na lang at sasabog na ang dalaga sa inis, kung hindi niya lang iniisip ang wastong pakikitungo sa mga tao. She’s a public servant and above all, dapat ay mahaba ang kaniyang pasensiya sa mga immature na pag-uugali.
“Ria, I’m sorry about Samantha. She’s my guest," saktong tumapat sa kanilang gate si Tori nang marinig niya sa kaniyang likuran ang boses ni Marcus. Napapikit si Tori nang makitang hinabol pala siya ng binata.
“Are you okay?”
“Magsisinungaling ako kapag sinabi kong okay lang, Mr. Sy. Hindi ako sanay na may mga ganitong eskandalo akong kinasasangkutan dahil una, hindi ako naglalandi sa’yo.”
Saglit na nagbago ang ekspresyon sa mukha ng binata. Mula sa bahagyang apologetic ay naging seryoso iyon. “What happened to Jace last night? And who says na nilalandi mo ako?”
Napaiwas ng tingin si Tori. Ano bang pinagsasasabi nito at biglang napunta sa tawag niya dito kagabi ang kanilang diskusyon? Gusto niyang iiwas ang tingin sa matangkad na lalaki pero sa paraan ng seryoso nitong pagkakatitig sa kaniya, tila napapaso si Tori at mas lalo pang na-concious nang maalala niyang basa pa siya ng pawis mula sa aktibidades na ginawa kaninang umaga.
"She's your fiance. Hindi mo siya dapat ipinahiya ng ganoon sa harapan ko. Kaya niya ako napag-iisipan ng ganiyan dahil dito."
"There’s nothing kung lalapit ako sa’yo at hindi tama ang ginawa niya sa'yo."
"Still, she's your fiance and nasa panig ka pa rin niya dapat."
Napangisi si Marcus. Iyong ngisi ng nang-aasar. "Kung hindi lang kita kilala, I may have thought that you are sounding jealous. Ilang beses mo na bang binanggit ang fiance na ‘yan kahit sinasabi kong hindi iyon totoo, and yet, you keep on bringing it."
Alam ni Tori na namumula na ang kaniyang pisngi pero pinilit niyang maging matigas ang boses nang magsalita.
"Mangarap ng ka gising, Marcus Sy. That will never happen. We’ll just keep being civil. Sige na, magkita na lang tayo sa barangay hall. Samahan mo na ang childish mong fiance or g-girlfriend kung hindi iyong nauna."
Geez, Tori. Seriously? Nauutal ka!
"See? I said, she is not my fiance, tapos ngayon girlfriend na naman. No, she's not. I'll kiss you kapag binanggit mo pa ang mga salitang iyan."
The hell! kamuntikan nang madulas Tori nang mabilis na humakbang sa kaniyang harap si Marcus. Ayan na naman ang lalaki sa pamumungay nito ng mga mata.
"I'll see you in the barangay hall. And please. keep on calling me Jace. It suits you calling me that name."
Napabuka ang bibig ng dalaga. "Don’t you dare to flirt on me, dahil hindi ‘yan uubra.”
"Alam ko. And the word is too shallow. I’ll see you in a bit, Victoria," pagkatapos sabihin iyon ay inabot ni Marcus ang mga takas na buhok sa gilid ng kaniyang mukha. She can breathe his manly scent that caused her to be more immobilized.
"By the way, I like your outfit. It suits you at hindi mo na kailangang maging sexy o beauty queen just to be stunning." ani pa nito bago ito tumalikod at humakbang pabalik ng villa. Tori was left dumbfounded at halos hindi makapag-isip ng maayos.
______________________________
Yumugyog ang mga balikat ni Inah sa kakatawa. Napataas naman ng kilay si Tori. Asar niyang tiningnan ang bestfriend. Pero patuloy pa rin ito sa pagtawa kahit nagpipigil na rin.
“Ano ba? Kapag hindi ka pa diyan tumigil sa katatawa talaga, sasabunutan na kita. Umalis ka na nga at madami pa’kong tatapusin.”
Asar na asar and dalaga dahil una sa lahat, hindi talaga siya sanay nang hindi man lang nakakaganti sa nang-aapi sa kaniya. Ganiya siya simula pa lamang pagkabata. Mabilis uminit ang ulo ng kapitana at mabilis din ang kaniyang kamay manampal o manabunot pero siyempre, hindi na iyon pupuwede ngayon. Aside from her age to act what is expected, hindi naman magandang tingnan na ang isang chairwoman ay nakikipagsapakas o sabunutan sa kaaway. That’s not how a 28-year old lady should act. Pero talagang inis na inis siya at kaya tawa ng tawa ang kaharap niya’y iyon mismo ang nasa isip nito. Of all the people, Inah has known her ever since.
"Sorry ha? Hindi ko talaga kasi masakyan ang trip ni Samantha Dizon. As in totoo talaga? Pinagtasaan ka ng boses?Tsk, kung alam niya lang sana kung sino ang inaaway niya, gurl. Naku, magandang match sana," at tumayo pa ito ng katulad ng isang round girl sa boxing ring at kumembot-kembot sa kaniyang harapan. Nasa loob na sila ng kaniyang opisina sa Barangay Hall. Hindi pa rin talaga makapaniwala ang baklang kaibigan sa nangyari sa kanila ni Samantha.
“Kung nandoon lang ako, naku nag-round girl na’ko sa inyong dalawa.”
Natawa naman si Tori. Naiiling na binalikan niya sa kaniyang imahinasyon ang mukha ni Samantha kanina. "Hindi lang basta pinagtaasan ng boses, mang. Dinuro-duro pa’ko. Parang gusto ko na ngang kagatin ang daliri kanina kung hindi lang talaga ako nakapagpigil," she chuckled.
“Baliw talaga sa “self-proclaimed fiance”.
“Paano nga kasi’y threatened sa’yo. Sinabi ko na sa’yo, di ba? May kakaiba diyan kay fafa Marcus. May gusto ‘yan sa’yo. Sana nga kinagat mo na lang ‘yung daliri ng bruhang iyon at nang makita niyang aswang pala ang kaharap niya,” at bumunghalit na naman ito ng tawa. Gusto niya ring matawa pero wala na siyang mauumpisahang trabaho kapag sinabayan niya pa ang kausap.
She needs to work now at kailangan niya pang puntahan ang mga katutubo.
“Stop laughing, Inah. Umalis ka na nga at ako’y wala nang magagawa hangga’t nandirito!" naaasa niyang angil sa kaibigan but her friend continuously laughs with a sound pa.
"Sorry, sorry, mang. Eto na tatahimik na," nagpilit huminahon ang kausap saka siya muling hinarap.
"O, e, saan daw ba nga hina-rass ng mga kababayan natin at nang mapatunayan kung dito na ba 'yon sa Macabebe o sa kabilang baryo."
"They'll come here later, kailangan niyang mag-file ng formal complaint tungkol diyan. Pero ayon sa CCTV na nakita ko, mukhang galing sa karatig baryo ang mga hinayupak." nagseryoso na ang mukha ni Tori. Ayon sa pauna nilang imbestigasyon, nasa tatlong lalaki ang humarang sa sasakyan ni Samantha at ang mga pangalan nito ay kabilang sa hot list na pinaniniwalaang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Tori is sure, sa kaniyang nasasakupan ay walang under watch list pero kung ganitong nalaman niyang ang katabing barangay nila ay merong kabilang dito, hindi siya dapat magpakampante. Malaki ang posibilidad na baka mapasok sila ng mga nagtutulak and thinking about made Tori promised herself to do something.
"May sira ba sa kotse? Ano ang damage? Hindi naman siya sinaktan?"
Iyon ang isang ipinagpapasalamat na lamang ng dalaga dahil nakita niya sa CCTV na hindi naman nasaktan ang dayo. Mabuti na lang talaga at hindi ito bumaba ng sasakyan dahil kung nagkataon, baka hindi lamang damage sa kotse nito ang nangyari.
"May gasgas sa puwitan at kanang bahagi ng sasakyan. May parang kahoy na kiniskis ‘yung mga salarin kaya visible ‘yung damage."
Nagkatinginan sila ng kaibigan. Mukhang alam nito ang tumatakbo sa kaniyang isipan kaya naman nagseryoso na rin ang mukha nito bago nagpaalam sa kaniya.
"I'll go ahead muna, mang. I know what you are up to. Kita na lang tayo bukas.” tumayo na ito at dinampot ang buddy bag. Kahit lantarang bakla si Inah, ito naman ang klase na hindi nagsusuot ng mga pambabae. He’s still wearing and using men accessories kaya naman madami pa rin ang nai-scam nito kapag hindi ito nagsasalita o naglalakad.
“‘Nga pala,” he smiled again. Nagtataka siyang napatingin dito.
“Trending na sa social media iyong pagtataray ni babae. Maganda nga raw masama, naman ang ugali. At ang cool mo daw dahil hindi mo pinatulan, though meron nag-comment na sana daw, pinatikim mo.”
"How I wish. Hindi ko nga alam kung paano napagti-tiyagaan ng lalaking iyon ang talangkang 'yon." sabay na silang napahagalpak sa tawa si Inah.
"Alam mo naman ang balita may pakpak. May tenga ang lupa, at ang mga binatang admirer sana ni Miss Dizon, ayun at nadis-appoint. Basta ang masasabi ko lang, mang, palaban ang lokang Samantha na' yan. Threatened yan sayo."
Napailing si Tori. Hindi niya lubos maisip kung saan nakukuha ng kaibigan ang ideya nito dahil sabihin man niyang may kakaiba siyang nararamdaman kay Marcus, hindi niya ibaba ang sarili niya para lamang mang - agaw ng iba. Alam niya ang tama sa mali.
“Bahala siyang mamroblema ng hindi naman dapat problema. Wala naman akong interes sa Marcus na iyon.”
“Assuusss,” panunukso ng isa na inirapan lang ng dalaga. “Sige na, ciao.” Humalik muna ito sa kaniya bago tinungo ang pinto ng kaniyang opisina.
Nang maiwan sa loob, sa hindi sinasadyang pagkakataon ay parang umalingawngaw kay Tori ang endearment ng Samanthang iyon sa binat.
Hindi daw fiance at girlfriend, pero kung maka-"babe" naman sa kaniya, hindi naman tinutuwid.