Chapter 20 - Complaint

1314 Words
“Hello po, Tita Ria.” Kasabay ng mabilis na paglingon ay ang pagsilay din ng ngiti nito sa mga labi. Simula noong una at huling pagpunta niya kasi sa villa ay hindi na niya nakita ang bata. They became close on that day at ramdam ni Tori, napalapit din sa kaniya ang bata sa maikling sandaling iyon.  Kasalukuyan siyang nasa kanilang Plaza, doing her early morning jogging. Parte na rin ng daily routine niyang iniikot ang baryo Macabebe.  “Good morning, Aaron Christopher. Mukhang nasa mood kayong mag-walkaton ni Rocket, a.” Lumawak ang ngiti ng bata. Karga-karga nito ang alagang pusa na tila ba nakilala siya at bigla na lamang tumalon at lumapit sa kaniya. Nakasunod sa bata ang yaya nitong nakilala niyang si Lily.  “Magandang umaga po, Kapitana.” “Magandang umaga din sa’yo, Lily. Mabuti naman at nailabas mo itong si Aaron. Maganda ang sunshine vitamin sa umaga.” “Ay opo, Kap. Kung ako nga lang po ang masusunod eh, every umagang kayganda ay ilalabas ko itong alaga ko. Kaso magagalit po kasi si Sir Marcus.” Tumango-tango lang si Tori sa narinig. Gustohin man niyang itanong kung bakit magagalit ang lalaki’y minabuti na lamang niya ang huwag nang ituloy. Kung iyon ang paraan nito para pangalagaan ng maayos kaligtasan ng bata’y hindi na siya magbibigay pa ng komento. Hindi man niya lubusang alam ang buong kuwento, alam niyang ulila na sa mga magulang ang bata. Kay Marcus naiwan ang responsibilidad sa bata. Sumagi din sa isipan niya ang naiwang maybahay ng matandag lalaki na Sy. Usually kasi, mga lola ang naiiwan sa mga apo kapag wala ang magulang, pero sa sitwasyon ng bata, ang tito ang mukhang nakatutok dito.  “Hindi naman siguro. Ang lapit lang naman ng plaza saka ang babait naman ng mga taga-Macabebe. The kid is safe here. Huwag mo lang pababayaang mag-isa sa kalsada dahil sa mga sasakyan.” “Oh, really? I don’t think that’s accurate, Miss. Kung safe dito, bakit may mga lasing na humarang sa akin kagabi while I'm on my way here?” Nawala ang ngiti sa labi ng dalaga dahil sa sinabi na iyon ng bagong dating. It was Samantha Dizon, in her sexy jogging suite.She’s wearing a black and red running capris, habang ang pang-itaas naman nito’y kulay pulang sports bra with straps. Isang kulay puting Nike running shoes. Her hair is in high-ponytail at dahil sa maputi ang babae, it made the male population around the area drop their jaws, seeing the hot woman. Mukhang sanay na sanay sa malamig na klima ang babae na kahit pa nasa halos 24 degrees celsius ang temperatura ay ganoon pa rin ang suot nito. Nakatayo ito sa kaniyang harapan habang nakahalukipkip. Saglit na napatingin dito si Tori, bago nagbigay ng isang pormal na ngiti. Lumapit sa kaniya si Aaron at humawak sa kaniyang kamay. Hindi nakaligtas sa dalaga ang pagtaas ng kilay ng estranghera. “Hi, good morning. And you are Miss...?” Tori trailed off.  Hindi nagustuhan ni Tori ang tono ng babae pero mas hindi gugustuhin ng kung sinuman ang pangahas na gumawa noon sa Macabebe na magalit ang kanilang kapitana.  “Samantha Dizon. I saw you last night. You’re that woman.” Titig na titig sa kaniya ang babae. Bagama’t mahina ang huli nitong sinabi ay hindi iyon nakaligtas sa kaniyang pandinig. Hindi niya ipinaalam na narinig niya ang huli nitong sinabi at nag-concentrate sa sinabi nitong nang-harass sa dito.  “Hello, Miss Dizon. It is so nice to meet and have you here in our small but lovely barangay. Would you be able to tell me kung saan banda ka hinarang ng mga lasing kamo kagabi?” “How the hell would I know kung ngayon ko lang unang napunta sa letseng barangay na’to? All I know is it’s just more or less 30 minutes ride to Marcus’ house, kung saan pinukpok ng mga lasenggo ang Lexxus ko!” Unti-unti nang nararamdaman ni Tori ang pagbangon ng inis na kapag hindi niya pa nagawang makontrol ay baka may magawa na siya sa kasalukuyang sitwasyon. Mabuti na lamang at natanaw niya si Marcus na papalapit sa kanilang kinaroroonan. Magkasalubong ang dalawang kilay nito pero mas lalo lamang itong naging guwapo sa paningin ng dalaga gayung simpleng puting t-shirt at itim na jogger ang suot nito. Ang may kahabaan nitong buhok ay ginamitan nito ng parang head-band ng sa isang babae, pero mas naging cute at hot lamang itong tingan. Nagtama ang kanilang mga tingin bago nito binawi ang mga mata sa kaniya para ituon sa fiance nitong nagtataray sa kaniya. Fiance. Right, Tori. She’s the finance kaya ihinto mo na ‘yang paghanga na ‘yan.  “You don’t need to raise your voice, Miss Dizon. Aalamin natin kung sino ang mga ‘yan at ipapatawag ko kaagad sa barangay,” iyon ang narinig ni Marcus na sinabi ng kapitana nang makalapit.  Pumagitna ang binata sa dalawang dalaga matapos nitong senyasan si Lily na kunin muna si Aaron. Agad tumalima ang yaya ng bata pero palipat-lipat ang mga tingin nito sa dalawang babaeng lihim nitong pinag-iisipan kung sino ang bagay sa amo.  And for that, Lily goes for Tori silently. Hindi naman papahuli ang chairwoman ng Macabebe. On that morning, she wears a dark-gray sports running hoodie na may kapares na kulay itim na running leggings. Kulay pulang Adidas running shoes and a pair of red headphones. Hawak ng kapitana sa kanang kamay nito ang cell phone at sa kaliwa naman ay isang bottled water. Malamig sa kanilang lugar kapag umaga kaya iyon madalas ang outifit ng dalaga. May running headband si Tori and her face screams a powerful beauty na kung hindi mo kilala ang babae, aakalain mo talagang intimidating at maldita ang dalaga. But her constituents know better. Kabaligtaran ang kaniyang ugali. Siya na ang nakilala nilang may busilak na puso lalo na sa mga taong nangangailangan. "Sam, what's the matter?" “Oh, nothing that I couldn't handle, babe. I'm just telling her here kung ano'ng nagyari sa akin kagabi when I was on my way here." “We talked about this last night, Samantha. It’s not proper to raise your voice to her,” may diin ang pagkakasabi ni Marcus. “She’s Chairwoman Tori Linares by the way.” “It’s okay, Mr. Sy. Karapatan niya ang kaniyang nararamdaman, I know she’s just scared of what happened at sisiguraduhin kong mananagot ang dapat na managot.” Tumawa ng nakakasuya si Samantha. “I know her, babe. Nasa Coco Veranda siya kagabi at isa sa mga kasama ni Rupert, right? So, ikaw din ang kapitana na sinasabi nilang nang-aarbor ng mga tao niya para hindi makulong sa kasalanang nagawa sa baryo mo?”  Sumulyap ang lalaki kay Tori na nang mga sandaling iyon ay sumeryoso ang mukha sa narininig. Bukod sa hindi nito nagustuhan ang mayabang na pakikitungo sa kaniya ng kaharap, mukhang umakyat yata sa ulo niya ang dugo niya sa narinig. “Arbor? Ano’ng arbor ang pinagsasasabi ng babae? "Stop it Samantha,” may babala na sa boses ni Marcus. Umandar na naman ang ugali ng babae at kung hindi niya ito mapapatahimik, sigurado siyang papatusin na ito ng kapitana.  "With all due respect, Miss Dizon, you don't share those thoughts of yours ng wala kang nalalaman. Hindi maganda ang makisawsaw sa kuwento ng iba lalo pa't wala ka namang alam. Let's just stick to your complaint about the "harassment" you have mentioned na naranasan mo kagabi, at huwag ka nang magdagdag pa ng kuwento hangga't maaari. Meet me in the barangay hall at nine later, at nang mapag-usapan natin ng maayos ang reklamo mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD