Chapter 19 - Jace

1211 Words
"Waiting for you, I guess." Napanganga ang dalaga samantalang napayuko naman si Marcus. Pilit nitong itinatago ang amusement sa mukha ng babae. Unti-unting humakbang papalapit sa dalaga ang binata habang ang nauna nama’y napaatras. Hanggang sa tuluyan na itong nasukol sa pinto ng driver’s seat. “M-may kailangan ka, Mr. Sy?”  Parang gustong kurutin ni Tori ang kaniyang sarili nang mismong siya ay nahalata niyang nautal siya nang sabihin iyon. Ano ba kasi ang ginagawa ng lalaking ito doon at dis-oras na ng gabi’y bigla-bigla na lamang itong susulpot sa kaniyang harapan? Isa pang hakbang at halos maduling na siya sa pagmumukha ni Marcus nang bigla itong yumuko sa kaniya at idinistansiya ang mukha ng isang dangkal.  “T-teka nga, ba’t ba ang lapit-lapit mo? Umayos ka, Mr. Sy-” “One more Mr. Sy, Victoria...hindi ako magdadalawang-isip na turuan ng leksyon ‘yang bibig mo.” Napalunok si Tori. Kitang-kita niya kung papaano’ng titigan ni Marcus ang kaniyang labi. Nanlalambot ang kaniyang mga tuhod at halos hindi na siya makahinga kaya naman kamuntikan pa siya mawalan ng balanse. Mabuti na nga lang at mabilis siyang nasalo ni Marcus. Mabilis siyang nahawakan nito sa magkabila niyang mga braso. Halos magkasabay pa silang napahiwalay sa isa’t-isa. Nagkatinginan sila bago naunang tumikhim ang binata at bahagyang umatras.  “Ayos ka lang?” “Ayos lang ako, pero ang bigla kang susulpot na lang diyan ng walang pasintabi, iyon ang hindi. Ano ba kasi ang kailangan mo?” Umayos na ng tayo ang dalaga at bahagyang hinamig ang sarili. She tried to regain her strength bago pa man niya tuluyang kamuhian ang sarili sa kaniyang karupukan.  Pero hindi siya sinagot ni Marcus. Bagkus ay salubong ang dalawang kilay nitong tumitig lamang sa kaniya ng ilang segundo bago ito napailing. Bahagya pa itong natawa pero halata namang hindi natutuwa.  “Alam mo ba’ng dahil sa pagiging busy mo diyan sa pageant na sasalihan mo, hindi mo man lang nalamang sumama ang pakiramdam ni Nanay Nita kanina?” “Ano?!” bumakas sa mukha ng dalaga ang matinding pagkabahala. Nagmamadali itong pumasok sa kanilang bakuran pero mabilis din itong hinabol ni Marcus at hinawakan sa pulupulsuhan nito.  “Hey, easy,” bahagyang lumambot ang boses ng lalaki. Kanina-kanina lang ay hindi nito maitago ang tila nag-aakusa nitong tono sa dalaga.  “Okay na si Nanay Nita. Mabuti na lang at natanaw ko siya kanina sa labas ng gate. Medyo napagod lang naman daw sabi ng doktor.” Mas lalong napamaang si Tori. Bumuka-sarado ang bibig nito hanggang sa napatakip na lamang sa bibig at halatang naiinis na tumalikod ulit para pumasok na ng tuluyan sa bahay. Tahimik lamang na nakasunod dito si Marcus.  Tori was pissed to herself dahil wala man lamang siyang kaalam-alam sa nangyari sa kaniyang nanay. She may not be her biological mother, but for her, she is more than that. Kulang na lang na ito ang nagsilang sa kaniya upang tawagin itong tunay niyang ina. But despite of that truth, hindi siya nakaramdam kahit sandali ng pangungulila sa tunay niyang ina. Pinuna nito o mas tamang sabihing ginawa nito ang lahat upang mahigitan ang pag-aarugang maaaring maibigay ng isang tunay na ina. Tori knew that her biological mother had passed away when she was still a baby. Wala namang tinago sa kaniya si Nanay Nita, kahit na ang katotohanang ang kapatid nito ang dating pinagkakatiwalaang tauhan ng tunay niyang ina, si Myla Linares. Pero kung ano ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang ina, iyon ang bagay na hindi masabi sa kaniya ng matandang dalaga. Even the disappearance of Myla Linares, wala silang impormasyon kung nasaan ito. Kung buhay pa ba ito o patay na. Hanggang sa unti-unti na lamang nitong natanggap na maaaring wala na nga talaga ang nag-iisang kapatid.  Nang makitang payapang natutulog sa sarili nitong silid ang ina, napahugot ng malalim na paghinga si Tori. She closed her eyes at ilang sandaling ginawa iyon bago dahan-dahang isinarado ang pintuan ng kuwarto.  Saktong paglingon niya’y nagtama ang mga mata nila ni Marcus. He’s silently towering over her with his hands inside his front pockets.  She sighed, “Maraming salamat sa iyo. Kung wala ka’y baka kung ano pa’ng nangyari kay nanay.” Naglakad ang dalaga papuntang salas. Nagi-guilty si Tori at nang mga oras na iyo’y basang-basa iyon ng binata sa mukha ng dalaga.  Lihim nitong kinastigo ang sarili. Hindi niya kasi dapat binigla ang babae. Alam naman niyang maa-upset talaga pero sa hindi niya mawari’y kung bakit kanina pa siya hindi mapakali knowing that the woman is joining the damn pageant.  Now, where the hell are you getting that, Marcus? Una sa lahat, bakit ganiyan na lamang ang pagkakainis mo sa nalalaman mo? It’s just not making any sense.  Tumikhim si Tori sanhi para mabalik dito ang atensyon ng lalaki. Nakikita niyang tila hindi ito komportable at halata na ring pagod ito sa buo nitong mag-araw.  “Napagod lang naman daw si Nanay Nita. Huwag ka nang mag-alala at magpahinga ka na rin,” inilahad ni Marcus pagkatapos ang kamay nito. Nagtataka namang napatingin sa kaniya si Tori.  “Hindi mo pa naipapasok ang raptor mo. Give me your key, I’ll take care of it.” “Hindi. Ako-” “Sshh. Let me do it.” Wala na’ng nagawa ang dalaga. Iniabot niya ang susi sa binata at naupo sa sofa. Pagod niyang isinandig ang likuran sa sandalan habang sinisisi pa rin ang sarili. Kung bakit kasi hindi niya nalaman ang nangyari kanina? Paano na lamang kung wala ditong nakakita at nabagok ang ulo nito? Bakit kasi wala man lamang nakapagsabi sa kaniya kanina? But knowing the old lady, hindi talaga ito magsasabi hangga’t okay pa. Iyon ang isang bagay na kaniyang ikinababahala. May ugali kasi itong puro okay lang, kayo nito, kesyo busy siya at ayaw nitong magpadagdag pa sa kaniyang mga iisipin dahil sa responsibilidad niya sa kaniyang baryo, etc. Minsan na rin niyang inisip noon na huwag nang muling tumakbo pero ito rin kasama si Inah ang numero unong magtutulak sa kaniyang huwag niyang hayaang maputol ang progreso ng Macabebe. Mula kasi nang simulan niya ang kaniyang termino, unti-unti ngang nakilala ang kanilang baryo, hindi lang dahil sa mga produkto nito at mga talentado nitong mamamayan, kundi dahil na rin, kilala ang Macabebe bilang barangay na may pinaka-bata, matalino, maganda at sikat na chairwoman. Iilan lamang ang hindi nakakaalam na sa mundo ng motocross, Tori was once a champion for the female category.   “Here. Mauna na rin ako at nang makapagpahinga ka na.” Tumango ng tipid sa kaniya si Marcus bago ito tumalikod at humakbang papalabas ng kanilang pintuan.  “Jace.” Nahinto sa paglalakad ang binata. Lumapit si Tori at nang saktong nasa likuran na ito ng lalaki’y lumingon ang huli.  Isang tipid ngunit totoong ngiti ang ibinigay ni Tori. “Maraming salamat ulit.” Mahinang tango kasabay ng ngiti, sumagot ito sa kaniya. “Don’t mention it, we’ll talk tomorrow. Pahinga ka na. I-lock mo ng maayos ang mga pintuan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD