Chapter 18 - Engaged

1361 Words
"Rupert, si Samantha Dizon ba 'yon?" Nagkibit-balikat lamang ang tinanong ni Miss Claudia Velez, a former beauty titlist and one of the committee members of the pageant. Naramdaman naman ni Tori ang mahinang pagsagi sa kaniya ni Inah, but she didn't respond. Alam na alam niya ang gustong tumbukin nito pero ayaw niya iyong pagtuunan ng pansin. Dumating ito kanina habang papalabas naman ng Coco Veranda sina Marcus at Samantha. Last night, habang papauwi sila ng kaibigan matapos ang pagkikita nila ng binata kasama ang tatlo nitong kaibigan, for the first time, hindi nagbukas ng topic ang kasama niya ng may bahid pang-aasar. "Mang, wala ka bang napapansin Marcus na 'yon?" halos tumagos ang mga titig sa kaniya ng katabi habang lulan sila ng minamaneho niyqng raptor. "Napapansing ano?" "Ako nga' y huwag mong pinaglololoko, Mang, dahil kung ako ay may matalas na pakiramdam, iba ka. Kumbaga sa hangin, kung sa'kin ay ramdam kong may bagyong paparating, 'yung sa'yo alam mo na pati ang intensity." Bahagyang napalingon dito ang dalaga. Kita niyang nandidilat sa kaseryosohan ang mukha ni Inah pero idinaan na lamang niya iyon sa iling. Mahina lamang ang pagpapatakbo niya ng sasakyan at nasa kinse minutos pa ang aabutin bago nila marating ang bahay ng kasama. "Aminin mo, nararamdaman mo din ang kakaiba niyang nga titig sa'yo. Saka bakit ba parang palagi na lamang mainit ang ulo niya sa'yo? Feeling ko, dahil naiinis siyang hindi mo siya gaanong pinapansin. Kung paano kabilis at gaan kang pansinin ng tatlo niyang buddies, siya nama'y tahimik lang sa isang tabi at nagsusungit." "So,ano ngayon ang conclusion mo, your honor?" "That man...has something to you, Chairwoman Victoria Linares. At huwag ka ding ano-ano diyan dahil idaan mo man 'yan sa taray-tarayan..." nahinto ito sa sasabihin. Pigil-hininga naman si Tori. Mukhang wala naman siyang maitatago dito. Kahit naman kasi siya, aminado siya sa kaniyang sariling malakas ang hatak sa kaniya ng Marcus na iyon. Nagagawa lang niya talagang mai-divert ang kaniyang atensyon dito para huwag masyadong pansinin ang binata. Pero sino ang lolokohin niya? Gayung may kakaiba naman talaga siyang nararamdaman para dito. Pero sa kaniyang nasaksihan at narinig kanina? Lahat iyon ay nagsiliparan na parang mga ibong nabulabog. Ang damdaming pilit niyang itinatago noon o mas tamang sabihing gusto niyang i-deny, lahat iyon ay nawala na. "Yeah, she's with her fiance. Mukha ngang may sumpong but super guwapo and hunky yummy." "Knowing that lady, she can easily make a man salivate over her perfect package. She's beautiful, intelligent, and comes from a well-known family." Ramdam ni Tori ang pangangapal ng kaniyang mukha. Wala sa sariling napahawak siya sa kaniyang leeg bago napatikhim. Funny, but how come she's feeling bitterness knowing that Marcus is already engaged? Bakit kasi hindi sumagi sa isipan niyang malaki ang posibilidad na may kasintahan na ito. Tsk, sumablay ka doon, Victoria. May pa-Ria Ria pa siyang nalalaman na siya lang daw ang maaaring tumawag sa'yo...Pa-fall lang pala ang sira-ulo. "Well, I will not disagree to what you have stated, Miss Claudia, but I would still prefer somebody who's not only a real beauty and brains, but also has contributed a lot to her community without bragging it." Tori silently sighed in disappointment. Disappointment not to anyone but to herself. Mukhang na-bengbang ka pa sa una mong pag-ibig. "Pag-ibig my ass." "What was that, Chairwoman Linares?" It was Rupert. Napaawang ang bibig ng dalaga. Because of that face na bakas ang matinding embarrasment, naging parang kengkoy ang mukha ni Tori. For sure, they have heard what she has said. Nagtatakang napatingin siya sa bakla at sa iba pang kasama nilang naroroon. "Ahm..I'm s-sorry." napapahiyang napayuko si Tori. Parang gusto niyang katusan ang sarili dahil sa katangahan. "She's indeed a darling, Rupert. A fierce darling. Kaya hindi ko tinantanan si Mayor Caloy na hindi siya mapapayag." It was no other than Gov. Gabriel Advincula. Hindi niya namalayang kararating lamang nito kasama si Mayor Caloy ng Paraiso. Sabay-sabay silang nagsipag-batian at nagbigay galang sa mga ito. The other ladies who were apparently supposedly contestants were estatic to see the good-looking governor of Benguet. "You know, Chairwoman Linares? I have faith that you have something that will make you outstanding in this competition." Bahagyang nagulat ang dalaga nang marinig ang boses na iyon sa kaniyang likuran. Napaurong ang kaniyang dila nang sumalubong sa kaniyang ang guwapong mukha ng gobernador. "G-Good evening po, Gov. Mukhang nagustuhan niyo po ang kanilang dessert a," iyon lamang ang kaniyang naisip sabihin matapos niyang mapagtantong hndi naman kailangang tumayo ng lider ng probinsiya para lamang kumuha ng pagkain sa buffet table na iyon. "Yeah, mukhang masarap nga. But, I wanted to talk to you very quickly, iyong tayo lang sana kaya kita sinundan. I hope you don't mind, Kap?" Hindi mawari ng dalaga, ngunit sa tila nakikiusap na mga mata ng binatang gobernador, she can sense something is up to him at mukhang nangangailangan ng kaniyang pang-unawa. "Of course, Gov. Lead the way." ---------------------- "Naku at tinopak yata ang ulo ng babae, nainsecure. Kaya ayun malamang ang nangyari." Pauwi na sila at mag - aalas dies na din ng gabi. Napasarap sila ng kuwentuhan pero hindi na rin nagtagal ay nauna nang umalis ang mga pulitiko kasabay ang mga miyembro ng komite ng pageant. Sila ni Inah at ang dalawang contestants ay nagpahuli, getying to know each other, pero hindi na rin sila nagtagal. "At alam mo ba'ng sinabi pa ni Rupert? Halatang-halata naman daw kasi kung saan nakatutok ang mga mata ng fiance ni Samantha Dizon. Na-threaten ang sikat na dermatologist sa'yo, day. Kaya nga pinagsabihan din ako ni Rupert na mag-iingat ka." Ang plano niyang huwag pansinin si Inah ay nawala nang marinig ang huli nutong sinabi. Mag-iingat siya? Para saan at bakit? "Hindi ko alqm pero kasi feeling ko, boto sa'yo ang Rupert na 'yon o kung ino-okray niya ako, I dunno. But, tingin ko naman ay natutuwa pa siyang tingnan na nababanas ang fiance ni Marcus." "Mang, sobrang haba na ng araw kong ito ngayon. Huwag na nga natin 'yang pag-usapan. Saka wala akong pakiaalam sa lalaking iyon at wala akong naiisip na maaari kong gawin para balaan ako ng ganiyan ng Rupert na iyan. The dermatologist can have that man for all she can. I-intrigahin pa ang buhay kong nananahimik." Umangat ang isang kilay ng bakla, "Ay grabe siya, uy! Ano, narealize mong una mong crush, at pag-ibig sana, naudlot pa? Hindi naman sobrang halata ang pait ng pagkabigo mo, te." Sinamaan niya ito ng tingin. Nasa tapat na sila ng kanilang bahay at kabababa lamang niya ng driver's seat para buksan ang bakal nilang gate. Dumeretso na doon ang kaniyang kasama, tutal naman daw ay susunduin ito doon ng pamangkin.  "Keri namang magtaray kasi noong gurl, mang. Ikaw ba naman magkaroon ng guwapong ka-date tapos eh nasa iyo ang mga mata?" Hindi niya ito sinagot. Dumeretso siya't inabot ang trangkahan ng bakal nilang gate at binuksan iyon. Siya namang nakarinig siya ng tunog ng motorsiklo. "Good evening po, Kap." Binalingan ito ni Tori at mabilis na tinanguan. Disi-syete ang binata pero halos kasing-takad na ng tito nito.  "Mang, uwi na'ko, dito na sundo ko. Bukas na natin pag-usapan 'yang broken-heart mo." "Sira-ulo. Umalis ka na nga. Johan, iuwi mo na 'yang Tito mo. Ingat." isa pa'ng tango sa mga ito at binalingan na niya ang ginagawa sa gate. Hindi na niya masyadong napansin ang pag-alis ng motorsiklo. Nang tuluyan na niyang nabuksan iyon, agad siyang humakbang pabalik ng sasakyan. When she's about to open the driver seat's door, kamuntikan na siyang mapatalon sa gulat nang isang bulto ng matangkad na lalaki ang biglang sumulpot sa hulihan ng kaniyang raptor. "Ginabi kayo?" "Ay kabayo!" Halos lumipad ang kaniyang espiritu noong una sa gulat, pero ngayo'y halos hindi na siya makahinga ng maayos nang mapagtanto kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. "Mr. Sy. My goodness," napahimas sa kaniyang dibdib ang dalaga. "Bakit ka ba nandito at nanggugulat?" pilit niyang itinago sa galit na boses ang matinding kaba na alam niyang kakaiba.  Putek, may narinig kaya ang bakulaw na'to sa pag-uusap nila kanina ni Inah? "Waiting for you, I guess." Napanganga ang dalaga. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD