RIYA'S POV "Anong kaguluhan ito? Junior Council?" Lumingon kaming lahat sa pinanggalingan ng boses. Masamang nakatingin sa amin si Mr. Harold, kasama niya rin si Ms. Kira na nakataas pa ang isang kilay. Dahil sa paglalaban nang lima ay may ilang gamit ang nasunog dito sa cafeteria. Mabuti na lamang na inagapan na ito ni Athena dahil kung hindi ay baka nasunog na ang buong lugar. "Sir, si Dan at Alex po ang nagpasimuno ng lahat," sumbong naman ni Jethro. Hindi naman kasi mangingialam dapat si Ryan kanina dahil kasama ni Akeesha si John. Ngunit nang makita niya na dinuro ni Alex si Akeesha ay doon na hindi nakapagpigil si Ryan. Tiningnan ni Ms. Kira sina Dan at Alex na parehong nakatali gamit ang vines ni Jethro. May dumating na mga guard ng academy at binitbit 'yung dalawa. Nang makala

