AKEESHA'S POV Balik na ulit sa normal classes ang academy. Kaya balik na ulit kami sa dati naming ginagawa maliban na lang kapag lunch break dahil hindi na namin nakakasabay ni John ang mga myembro ng Junior Council. Medyo nag-iba rin ang pakikitungo sa amin ng ibang estudyante dahil kami ang top one sa kanya kanya naming Element Group. Kami lang ni John ang magkasama ngayon sa table. Sina Ryan ay may sarili nang table dito sa cafeteria. Medyo malayo kami sa kanila pero kita naman namin sila. Palingon lingon pa sa amin si Athena habang si Ryan ay halos tunawin na ako sa titig niya. Hindi na nga lang ako masyadong tumitingin dahil baka magtitigan na lanh kaming dalawa buong lunch break. "Ang hirap ano." Natigilan ako sa pagkain nang magsalita si John. Nakatingin siya sa pwesto nina Ryan

