AKEESHA'S POV Habang tinatahak namin ang daan papunta sa Earth Kingdom, mapapansin na sagana ang kaharian sa mga puno at bulaklak. Halos lahat ng puno dito ay may matingkad na green na dahon at bawat puno ay may iba't ibang kulay ng bulaklak. Mayroong kulay pula, dilaw at pink na mga bulaklak na kapag hinangin ang mga puno ay nagmimistulang umuulan ng bulaklak. Kung namangha ako sa Fire Kingdom, hindi rin naman magpapatalo ang Earth Kingdom. Ang gate ng kaharian ay gawa sa pinakamatibay at pinakamagandang kahoy at napapalamutian ito ng iba't ibang uri ng mga gems. At kapag natatamaan ng sinag ng araw ang mga gems ay nagkakaroon ng rainbow sa harap ng gate ng kaharian. Nakakapanghinayang lang na hindi namin naabutan ang rainbow dahil simula 7:00 hanggang 9:00 lang tumatama ang sinag ng ar

