RIYA'S POV Alas sais pa lang ng umaga ay nakahanda na ako dahil sabi ni Jethro ay kailangang maaga kaming umalis dahil apat na kaharian ang lilibutin namin ngayong araw. Nakakaexcite dahil sa wakas ay makikita namin ang buong Elemental World na winasak noon ng unang digmaan. At dahil nga sa apat na kaharian ang pupuntahan namin ay nagpasya akong magsuot ng dress. Simpleng dress lang naman ang pinili kong suotin. Kulay asul ito na hanggang tuhod ko ang haba. Nag-flat sandals lang din ako dahil paniguradong mahabang lakaran ang mangyayari ngayong araw. Hinayaan ko lang din na nakalugay ang aking buhok. Hindi na rin ako nag-abala pang maglagay ng make-up dahil mas gusto ni Jethro na simple lang ang ayos ko. Pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin at nang makontento ako sa aking ayos ay

