CHAPTER 24

1704 Words

AKEESHA'S POV "Gusto mong yakapin din kita kapag nanalo tayo?" pang-aasar na wika ni John sa akin. Simula kasi nang makita ko ang pagyayakapan nina Ryan at Athena ay sumama na ang mood ko. Nawalan na rin ako ng ganang manood ng mga match ng mga naunang Elementalist na tinawag. Kasalukuyang naglalaban ang ika-labing siyam na set ng mga Elementalist at tiniis ko talaga ang sarili kong huwag tumingin sa pwesto nina Ryan. Baka kasi may makita na naman akong hindi kaaya-aya. "Ano Akeesha?" pangungulit pa ni John. "Pwede ba John, tigilan mo ako kung ayaw mong lunurin kita dyan," inis na sabi ko sa kaniya. "Grabe talaga ang mga babae kapag nagseselos ano. Ang mahinhin at hindi makabasag pinggan ay nagiging dragon na bumubuga ng apoy," hindi makapaniwalang sabi ni John. "At grabe kayong mga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD