AKEESHA'S POV Unti-unting nanumbalik ang lakas ko nang malapitan ko ang Elemental Tree. Ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ang aura ng mahiwagang puno. At habang nakapikit ay muli kong naalala ang imahe ni Ryan na palayo sa akin. Hindi ko inaasahan iyon. Ang iniisip ko kasi ay tatakbo siya palapit sa akin, yayakapin niya ako at sasabihing miss na miss na niya ako. Sasabihin niyang proud na proud siya sa akin dahil ako ang top one sa Element group ko. Tapos makikita niya ang sugat ko sa noo, magagalit siya at pagsasabihan ako na hindi ako nag-iingat. Pati si John ay pagsasabihan niya dahil hindi ako pinotrektahan. Ngunit iba ang nangyari. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Basta na lang siya lumabas ng gymnasium at hindi man lang niya ako pinansin. Isang buntong hininga ang p

