AKEESHA'S POV "Pagsapit niyo ng ika-21 taong gulang, saan niyo nakikita ang mga sarili niyo?" seryosong tanong ni John. Nandito na kami ngayon sa rooftop ng bahay nila at nakahiga. Halos katatapos lang naming kumain ng hapunan. Napagpasyahan ng barkada na umakyat na dito para mapagmasdan ang mga bituin. Halos pagod din kami dahil sa paliligo sa ilog kanina. "Ako, abala na kami ni Riya para sa nalalapit naming kasal," nakangiting sagot ni Jethro. Biglang bumangon si Riya at tumingin siya kay Jethro. "Teka, magiging Senior Council pa lang tayo no'n." Bahagyang tumawa si Jethro at marahan niyang hinila si Riya upang mahiga ulit. "Kaya nga naghahanda pa lang sa nalalapit na kasal. Pagkatapos kasi ng goal kong maging Senior Council, ang sunod kong goal ay pakasalan ka." Hindi na nakapagsa

