EHRIS' POV "Bakit sinabi mo kay Akeesha ang totoo?" galit na galit na tanong sa akin ni Aries. Pagkabalik namin ni Aira dito sa Psyche World ay saktong nanonood pala si Aries sa Batis ng Katotohanan. Nang makita niya ako ay agad niya akong hinila papunta sa may talon. "Nalaman na niya ang tungkol sa kwintas. So bakit ko pa itatanggi ang katotohanan?" sagot ko naman sa kaniya. Napasabunot sa buhok niya si Aries. "Alam mo ba kung gaano mas naging kumplikado ang lahat?" Hindi ko na napigilan ang mapaiyak. Hindi ko inaasahan na mas magiging kumplikado pa ang sitwasyon ni Akeesha pero deserve niyang malaman ang totoo. "I'm sorry," ang tanging nasambit ko na lang. "Ayan ka na naman sa sorry mo Ehris. Sa tingin mo ba ay nadadaan lang ang lahat sa isang sorry?" frustrated na tanong niya sa a

