AKEESHA'S POV Pagkatapos naming makausap si Mother Superior Selena at si Marie ay nagpasya na kaming umuwi muna. Sabi ni Mother ay kada Lunes daw pumupunta ang babaeng nagtanong sa kaniya tungkol sa basket noon. Kaya bukas ay babalik kami sa bahay ampunan upang makausap ang babae. Malakas ang kutob nina Ryan na ang babaeng iyon ay isang Elementalist at siya ang hinahanap namin. May posibilidad na siya rin daw ang magulang ko. Isang malamig na hangin ang dumampi sa balat ko. Alas onse na ng gabi at hindi pa ako makatulog kaya lumabas muna ako ng bahay. Nakaupo lang ako dito sa labas ng bahay habang nakatingala at pinagmamasdan ang mga bituin sa langit. Hawak ko rin ang kwintas ma ibinigay ni Mother kanina. Buong akala ko ay isang box lang ang iniwan sa akin ng magulang ko at ngayon ko

