THIRD POV "Alam mo na ba Akeesha ang balita? May isang estudyante sa Fire Element Group ang pinopormahan ni Mr. Ryan." Natigilan bigla si Akeesha. Susugod na sana ang cyclops ni Albert ngunit pinatigil ito ni Betty. Nagpalabas ng air element si Betty at may lumabas na imahe dito. Imahe ito ni Ryan at ng isang babae, magkalapat ang mga labi nila. At ang mas nakakagulat ay sa tapat ng House of Council ang imahe. Naikuyom ni Akeesha ang kaniyang mga kamay at unti-unting pumatak ang mga luha niya. Samantala, gulat ang mababakas sa lahat ng Elementalist pati na rin sa myembro ng Council. "Anong ibig sabihin nu'n Ryan?" galit na galit na tanong ni Athena kay Ryan. Nagngingitngit ang kalooban niya dahil maaaring maapektuhan ang pakikipaglaban ni Akeesha dahil sa nakitang imahe. "It was an ac

