AKEESHA'S POV Iniabot sa amin ang kanya kanya naming armor suit. Nagulat ako pero wala akong choice kundi isuot ito. Hindi naman siya full armor, tanging balikat, dibdib at tiyan ang kayang protektahan ng suit na ito. Kulay blue ang armor ko, kay Albert ay kulay green at doon sa babae na ang pangalan pala ay Betty ay kulay puti. Pinusod ko na rin ang buhok ko dahil mukhang seryosong labanan ang mangyayari. Mas lalong lumakas ang ingay ng bawat Element Group nang matapos naming isuot ang mga armor suit namin. Ngayon ko lang nalaman na may kompetensya rin pala talaga sa pagitan ng mga Element Group. "So I think you're ready. Let the match begins." Pagkasabi noon ni Ms. Alexa ay nawala sa paningin ko ang lahat ng Elementalist at nandito na ako ngayon sa kagubatan. Hindi ko alam kung saang

