ICEVY POV.
Nagumpisa kaming mamili ng mga gamit ko ay noong nakaraang araw pa, sobrang busy ko kaya naman maski sa trabaho ko as a call center ay hindi ko na gaanong magawa. Ilang araw na din kaming hindi nagkakasamang kumain ni Mica dahil busy din mula sa opisina namin.
Andito kami ngayon sa hallway ng hotel kung saan puro bakante ang floor dito at walang katao-tao maliban sa amin. Nakasuot ako ngayon ng 5 inches na heels at halos isang linggo ko na itong pina practice.
Nagkaroon na din ng sugat ang magkabilaang mga paa ko pero hindi ako sumuko kahit pa marami akong reklamo at mga palusot.
"Bakit pa ba kailangan na turoan niyo ako ilakad ang iba't-ibang mga heels" pagrereklamo ko.
Habang ang isang makapal na libro ay na sa aking ulo at pilit na inaayos paderetso ang aking lakad.
"Nagsibagsakan na agad ang mga trabaho mo Icevy at sunod-sunod agad ang mga photoshoot mo so, kailangan marami ka ng kaalaman tungkol sa mga 'to" usal ni Tela.
"Ansakit na talaga ng paa ko, hindi ko na kaya"
"Isipin mo na lang na kapag nagawa mo ng maayos 'to e mapapa sa'yo si Wynn" sagot niya.
Agad naman akong ngumiti, bumuntong hininga at tumuloy sa paglakad. Nanginginig ang aking mga paa maski ang muscle ng aking binti, pinagpapawisan din ako at nangangalay na ang aking batok dahil sa libro. Sumasakit na ang aking bewang dahil mas nauuna dapat ang aking dibdib sa aking paglalakad at kailangan laging tuwid ang aking likuran.
Sa pagkakataong ito ay natapilok nanaman ako.
"Nakukuha mo na Icevy, kaya mo 'yan kaunti na lang" sambit ni Stacy. Muli akong tumayo at naglakad ng tuwid.
Nagpatuloy ang aming pag e-ensayo sa mga heels matapos lang ang halos apat na oras ay nakuha ko na ang tamang paglalakad nito. Nangingilid ang aking mga luha pabalik kina Stacy habang dala-dala ng ulo ko ang libro.
"Good job Icevy" pagbabati ni Tela sa akin.
"Need na lang ng confident sa face pero perfect na!" ani naman ni Stacy.
"Hindi mo kami binibigo Icevy, sana sa mga susunod pa ay galingan mo pa lalo" saad muli ni Tela. "Ilang araw nalang natitira may mga photoshoot ka na, kaya mapupuyat ka talaga dahil sobrang dami pa ang dapat mong matutunan" tugon pa niya.
"Kaya ko naman magtyaga e sadyang mareklamo lang talaga ako tapos madaming salita pero salamat sa inyo" nakangiting usal ko.
"Oh sige mag lunch na muna tayo and then magbasa ka ng dictionary kahit kapag na sa byahe na tayo" sambit ni Tela.
"Ha? saan tayo pupunta?" tanong ko
"Kay sir Jeeson, kailangan niyo daw magusap lalo ngayon andaming mga gustong kumuha sa'yo ng endorsement" pagpapaliwanag ni Tela.
"Grabe hindi ko inakala na ganito ang mararating ko" nakangiting usal ko.
"Kaya pagbutihin mo Icevy, lagi lang kaming andito" sagot ni Stacy.
Mabilis kaming naghanda ng makakain sa loob ng Hotel ko, ayokong mag-isa ko lang dito kaya naman palagi ko sila pinapapunta dito hanggang sa dito na din sila palagi natutulog.
"Baka mamaya may kasama nanaman si sir Jeeson do'n" ani ko habang naghahain kami ng mga plato.
"Saan?" tanong ni Stacy.
"Sa office niya" ani ko naman "Palagi kasing may kasama siya kapag pinapapunta niya ako do'n e, nakakahiya sila istorbohin" tugon ko pa.
"Huwag mo intindihin 'yon alam mo naman marami talagang mga staff do'n e kaya maya't-maya pasok sa office ni sir Jeeson" sambit niya.
Hindi naman 'yon e...
Mabilis lang kaming kumain at nagasikaso na din na magbihis. Ilang saglit pa ay magbyahe na kami patungo sa thankmelater.
Habang na sa byahe ay patuloy akong pinabasa ng dictionary talagang walang pahinga.
Maya-maya ay nakarating na kami sa dapat naming puntahan.
"Hindi na kami papasok Icevy, tyaka na kapag sinabi ni sir Jeeson na sumunod kami sa'yo" usal ni Stacy.
"Hindi ko ba kayo puwedeng isama?"
"Wala kasing binanggit si Sir Jeeson kaya ikaw na lang ang aakyat" sagot ni Tela.
"Gano'n ba... oh sige hintayin niyo na lang ako dito" ani ko.
Agadan akong pumasok sa entrance at agadan din na pinihit ang elevator patungo sa opisina ni Jeeson. Mabilis din akong nakarating.
Kumatok ako sa kaniyang pinto at ng narinig ko ang boses niya kaya pumasok na ako ng tuloyan sa kaniyang opisina.
"How are you Ms. Icevy?" Masayang bati nito at sinenyasan ako na umupo, na agad ko namang ginawa.
"Ayos lang naman sir" nakangiti ring sagot ko.
"Marami ang gustong mag endorsement sa'yo Icevy, may commercial ka din sa isang products. Sunod-sunod at tiyak kong wala kang pahinga nito" panimula niya agad.
"Gano'n ba kabilis?.. grabe" namamanghang usal ko.
"Tinanggap ko na lahat, is it okay?"
"Oo naman siyempre" sagot ko sa kaniya.
"So, how's your practice?" tanong niya sa akin.
"Ahm.. hindi pa masyadong magamay lahat, kulang pa nalalaman ko" nahihiya kong sambit.
"May improvement naman, ayon kay Stacy kaya pagbutihin mo pa. Makakasama mo na din si Wynn sa photoshoot alam kong nabalitaan mo na 'yan kaya kung ayaw mo mapahiya sa kaniya kailangan maging handa ka na bago kayo mag meet" mahabang saad niya. Tumango-tango ako na parang bata habang nakangiti sa kaniya.
"Are you happy?" tanong niya sa akin.
"Sino ba naman hindi magiging masaya.. hmm kung alam mo lang kung gaano ako kinikilig e"
Nakita ko na tumawa siya ng mahina kaya naman natigil ko ang aking pag ngiti.
"Bakit ka ba tumatawa? hindi naman 'yon nakakatawa e" nakabusangot na sambit ko.
"No, you're cute kasi e" ani niya.
Matapos namin magusap sa mga magiging ganap ngayong buwan at sa mga susunod na buwan ay nagtanong na ako sa kaniya.
"Puwede bang pumasok pa din ako dito?" sambit ko.
"Hmm.. pumasok ka if hindi ka busy"
"Kailangan ko kasi ng pera para mabigyan ko sila Mama e kahit pang allowance lang nila"
"Ha? 'di ba may binibigay naman ako na money? you can use it" takang saad niya.
"Ayoko kasing gumamit ng pera na hindi sa akin or galing sa hirap ko, please payagan mo na ako" pagmamakaawa ko habang ang aking mga palad ay magkalapat sa kaniyang harapan.
"Okay fine, anything you want" nakangiti niyang sambit.
Nagpaalam na siya dahil busy daw siya kaya naman nagpaalam na din ako dahil naghihintay pa sila Stacy sa baba.
Pumasok na agad ako sa elevator ngunit napalingon na lang ako sa aking harapan ng bumukas ulit ito at hindi tuloyang sumara. Bumungad sa akin ang nakangising si Kelly at Hanica.
Ang mga demonyita...
"Hi b!tch" nakakairitang pagbati sa akin ni Kelly. "Sakto, you're here. This is the right time for you to know that we're not lying about Mica's scandal." Tugon pa niya.
"Ano bang sinasabi niyo? talaga bang ayaw niyo na ako tantanan d'yan?" Nagugulohan kong sambit. Hindi na ako tinigilan ng mga ito tungkol sa parati nilang sinasabi.
"Watch this" ani Hanica.
Bigla niyang inilabas ang cellphone niya at iniharap sa akin sa aking mukha. Isang hubad na babae ang nakahiga habang naglalabas masok naman ang pag-aari ng isang lalaki na malaki ang tyan pero halatang may edad na, na siyang may hawak ng camera. Habang ang babae ay malakas naman na umuungol.
Tinitigan kong mabuti ang babaeng nasa video at nakita...
Si Mica nga talaga...
Napaatras ako sa sobrang gulat, nanlaki ang aking mga mata na para bang nanghihina ako ngayon.
"I delete niyo 'yan, bakit may gan'yan kayo?" Naiinis kong sambit.
"Duh? viral siya at nagkalat na 'yan sa X. Hindi ko nga in expect na siya 'yan e" sambit ni Hanica. "Pa nerdy effect kasi ang atake niya palagi" tumugon pa siya na para bang nandidiri.
"Hindi lang 'yan ang kumalat niyang video madami pa feeling ko nga siya ang na sa likod ng isang dummy account na nagpo-post niyan e siyempre malaki ang pera niya d'yan, pinagkikitaan niya ang p**e niya" nakisabat naman si Kelly.
Hindi.. hindi 'to totoo
"Kelly I delete niyo 'yan lahat, maawa naman kayo sa tao oh" nagmamakaawa kong sambit.
"Bakit ka maaawa? siya nga ang naglantad niyan so it's mean she want it, kahit I delete pa namin 'yan wala ring silbi, hindi lang kami ang may hawak ng videos niya 'no" sagot niya sa akin.
Napakurap-kurap na lang ako habang tinitignan silang dalawa ng nanlalaki ang aking mga mata. Pinipilit kong huwag silang paniwalaan kahit na may ebidensiya.
"Hindi nga namin maintindihan bakit ka sumama at nakikipag kaibigan sa kaniya e... unless-"
"Hindi ako gumagawa ng mga gan'yan Hanica" pagpuputol ko sa sasabihin niya. "Hindi ko rin alam na meron siyang gan'yan pero kahit na nalaman ko na wala pa din akong karapatang husgahan siya dahil hindi naman natin alam ang totoong kuwento ng buhay niya kung bakit niya ito ginagawa" mahabang tugon ko pa.
"Nahihibang ka na ba? kita naman lahat ng video niya na gustong-gusto niya e. Ayaw niyang mahusgahan siya ng ibang tao pero panay gawa ng scandal? like what the fvck?" Pagmamatigas naman ni Kelly.
Saktong bumukas na ang elevator kaya naman naiinis akong lumabas at iniwan na sila.