MICAELLA POV.
Magkikita kami ngayon ni Icevy dahil balak kong mamasyal ulit kami lalo na't bored din ako sa bahay at ayokong makasama ang boyfriend kong matanda na hindi naman na tinitigasan at tanging pera lang ang naibibigay niya sa akin hindi kaligayahan sa kama.
Kung hindi ko lang kailangan ng pera e hindi ko naman siya talaga papatulan ayoko din na maghirap ako, naiinip na din ako dahil antagal niya mamatay.
Gusto pa talaga magpakasal hays...
Kaya naman imbes na ma stress ako sa bahay ay gusto ko nalang na lumabas, minsan pumupunta ako sa mga lalaking nagbebenta ng katawan para lang makaraos ako.
Halos sampong taon ng patay ang Mama ko at ang Papa ko naman e ewan ko kung nasaan kung buhay pa ba o ano. Kaya matagal ng panahon na nag-iisa ako sa buhay kaya naman nagiging puhunan ko minsan ang kuweba ko at kung sino-sinong mga lalaking mayayaman ang aking pinapatulan dahil kulang ang kinikita ko sa pag call-center at wala akong sariling bahay, takot akong maghirap at kumain ng mga pang mahirap na pagkain. Naka condo ako at sugar daddy ko ang nagbabayad nito minsan ay 'yung iba kong nahihithitan ng pera, ang kotse ko ay galing pa sa isang ex kong Chinese.
Ayokong umalis sa trabaho ko dahil kailangan ko munang tumaas ang position ko, gusto ko din na maging sikat kahit manlang sikat na manager hindi sikat sa scandal.
Naiinip na ako dito sa Park dahil antagal ni Icevy. Ayoko din kasi na sundoin siya sa kanila dahil andumi ng kalsada nila tamad pa naman ako magpa car wash. Ilang araw na din kasi kaming hindi nagkikita ni Icevy and wala na akong balita sa life niya, busy din sa work e at lagi din siyang wala kahit pa oras ng trabaho, hindi na din kami nagsasabay na maglunch kasi paalam niya uuwi na lang daw siya at doon manananghalian sa magulang niya.
So cheap 'di ba? tiyak na wala siyang pera kaya ayaw niyang may lunch kami sa baba.
Malapit na din gumabi, sinadya namin na ganito kaming oras pupunta dahil marami ang pa fireworks ngayon at maganda din ang Park ngayon dahil maraming mga pailaw dahil nga malapit na din fiesta dito sa amin.
Ilang saglit pa ay isang kotse ang huminto hindi kalayuan sa aking kinauupuan. Nagtaka ako dahil iniluwal nito si Icevy. Pinagmamasdan ko siyang nakangiting parang nagpapaalam sa taong nag d-drive ng kotseng itim.
Kumaway si Icevy sa akin kaya naman pilit na ngumiti ako. Parang may kakaiba ngayon sa kaniya maski ang kaniyang mukha ay napaka blooming. Tinignan ko siya mula paa hanggang buhok biglang kumunot ang aking noo. Naka wide leg trouser siya na itim at naka heels ng itim din ang kulay habang ang top niya isang mamahaling blouse na kulay dark blue, napaka silky nito at kumikinang at naka sling bag pa siya ng kulay white.
Saan niya naman nakuha ang suot niya ngayon?
"Hi" nakangiting banggit niya sa akin.
Pilit akong ngumiti, nagtataka pa din kasi ako dahil maski ang hair niya ngayon ay naka curl ng kaunti at lalong mas bumagay sa kaniya medyo kumapal din ang buhok niya at pakiramdam ko naka hair extension siya, kapansin-pansin din ang nail extension niya na kulay puti at may mga bato na kumikinang. Kahit pa ang hikaw niyang suot ay nagiging elegante ang dating niya.
"Ahm.." hindi makapagsalitang usal ko ngunit nakaramdam na ako ng kaunting inis.
"Let's go? Satingin ko we need to choose a good spot, 'yung makikita natin ang fireworks ng buong-buo at walang nakaharang na puno" usal niya.
"May alam ako, tara na" ani ko.
Hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko siya napapansin sa office ng halos ilang araw dahil busy kami ngayon, maski hindi namin trabaho ay pinapagawa sa amin dahil kailangan daw kami dahil sa gaganaping event sa thankmelater hindi pa in-announce kung anong klaseng event.
May pinuntahan kaming may pa bundok na spot, maraming damo at may iilang mga upuan saktong-sakto sa mga fireworks mamaya habang sa likuran ay may malaking puno ng narra.
"Alam mo perfect 'to kapag may alak tayo e, bili tayo?" Tanong niya sa akin.
"Sige" sambit ko.
Umalis kami agad at tumungo sa kalapit na mall upang bumili ng mga makakain at alak.
"Alam mo may nagbago sa'yo" panimula ko sa kaniya.
"Hmm? Ano naman?" Sumagot siya habang namimili siya ng mga pagkain.
"Lahat, buong katawan mo. Yumayaman ka na ata ngayon" pagbibiro ko ngunit tumawa lang siya ng mahina sa akin, hindi ko pinahalatang naiinis ako sa kaniya.
"Hindi naman" bigla niyang sagot ng nakangiti.
"Mukhang marami ka atang sasabihin a" tugon ko pa.
Ngiti lang ang isinagot niya sa akin. Maya-maya pa ay agad na kaming bumalik dahil nakabili na din kami at talagang siya lahat nagbayad kaya nagtataka pa din ako ngayon.
Walang imik kaming nakarating dito sa spot na napili namin. Habang kumakain kami at nagsisimula ng maginom ng alak ay nagsalita na siya.
"Nilihim ko sa'yo 'to kasi hindi pa akong handang sabihin but now, what I'm about to say is true" panimula niya.
Tinitigan ko lamang siya at hinayaang magkuwento.
"Dahil naging malaki ang impact ko sa aksidenteng photoshoot na nagawa ko noong nakaraang buwan, kung kailan ako nagsimulang nagwork ng call center sa thankmelater. Napagdesisyonan ni Jeeson na gawin akong kabilang sa mga nag e-endorse, gawing sikat na modelo at tulongan ako sa pagpapatayo ng iba't-ibang mga business" mahabang paliwanag niya na aking ikinagulat.
"What do you mean na aksidenteng photoshoot? 'yung nakaraang kumalat mga poster mo?" Usal ko. Tumango naman siya. "Hindi 'yon aksidente kung ginusto mo din" tugon ko pa.
"Nakulangan lang ata sila ng ambassadress that time at hindi matutuloy ang photoshoot kapag kulang ng isa and they saw me on the stairs so sapilitan nila akong pinasok sa room" paliwanag niya, ewan ko kung bakit ako nainis.
"Baka sinadya mo din talaga na pumuntang hagdan kasi alam mong may photoshoot" ani ko, kinunutan niya ako ng noo na para bang nagtataka, nagtatanong "So that's the only reason? Kung bakit ka nagkaroon ng mga gan'yang opportunities?" tanong ko sa kaniya.
Hindi ko maintindihan e bakit pati tutulongan pa sa business?
"Yes, alam ni Jeeson na makakatulong ako sa pag-unlad ng mga business niya kaya niya 'to ginagawa. Pinalipat niya ako sa sarili niyang Hotel kung saan naka VIP room ako, binigyan ng malaking halaga ng pera para ayusin at pagandahin ang sarili ko. Mica, binigyan niya din ako ng sarili kong P.A at guider ko na tumutulong para pagalingin ako sa accent sa pagsalita ng English at pagkilos mayaman-"
"What?!" inis na sigaw ko, hindi ko napigilan ang aking bibig kaya naman natigilan ito sa kaniyang pagkuwento. "Dahil lang sa aksidenteng photoshoot na 'yan gan'yan na sinadya mo naman at ginusto 'yan na mga binigay niya sa'yo? So anong kapalit?"
"B-Bakit ka nagagalit Mica? hindi ka ba masaya na nag-uumpisa ng umayos ang buhay ko at buhay ng mga magulang ko? " takang tanong niya.
"Hindi ako nagagalit, ang akin lang naman paano't gano'n kabilis?" sagot ko.
"H-Hindi ko din alam Mica. Importante ngayon e na
tutulongan ko siya at nagtutulongan niya ako"
"Yes, nag gagamitan kayong dalawa. Alam niyo masyado kayong nakakatawa" naiinis kong sabi at umirap pa.
Narinig kong bumuntong hininga si Icevy sa aking gilid.
Bigla na lang may isang babae na lumapit sa amin at nakatingin na agad kay Icevy.
"Sorry to bother you Icevy pero may schedule ka pala bukas para sa photoshoot mo ng Ms. Beauty products" sambit nito.
"Ha? hindi niyo ba tinignan schedule ko?" sagot naman ni Icevy.
"Nakaligtaan ni Stacy e" sagot niya.
Nanguyom ang aking mga palad.
Wow t4ngina may pa full schedule?!
Labis na naiinis ako ngayon sa nangyayari sa kaniya. Hindi ko mapigilan na manginig sa galit at hindi ko alam kung saan ako aabotin nito dahil labis na din ang pagpipigil ko sa galit.
"Sorry Mica, I think I've told you everything na and thankyou for this night. See you next time" masayang sambit niya at tuloyan na siyang nagmamadaling tinalikuran ako habang nakasunod sa kaniya ang dalawang mukhang alalay niya at ang babaeng kumausap sa kaniya kanina.
"Buwesit!" Naiinis kong sigaw sa aking sarili.
Halos tatlong taon na akong nagtratrabaho sa thankmelater pero ni minsan walang magandang nangyari sa akin d'yan, kahit pa sobrang sipag ko ni hindi manlang ako nagawang maging secretary ng ibang mga manager o kahit ibang mga boss doon.
"Tapos siya na bagohan? ganito na agad ang buhay niya?! ahhh!" Naiinis kong pinagkakalat ang mga pagkain na naiwan dito sa kinauupuan namin. "Napaka sipsip mo Icevy, sipsip ka!!!" Tugon ko sa pagsigaw ko.
Nanguyom ang aking mga kamay at pinagsusuntok ang aming upuan. Bumibilis ang t***k ng puso ko dahil sa galit.
Hindi ko inakalang sa isang kurap lang ay maaabot na niya ang mga pangarap at pagiging successful life niya habang ako kung sino-sinong pang mga matatanda at taong maraming pera ang kinakapitan ko para lang magkaroon ng maraming pera.
Kahit pa may mga asawa na pinapatulan ko, ultimo kahit ilang beses na ako nagkaroon ng scandal dahil sa mga lalaking may asawa na pero maraming pera, never nangyari sa akin ito.
Paano kung sumikat na siya?.
"T4ngina.." pagmumura ko sa kawalan.
Sobrang galit ang nararamdaman ko ngayon at talagang kumukulo sa inis ang aking dugo.
Sobrang unfair sa akin ng kompanya na 'yan samantalang naging secretary din dati si Kelly kahit pa sina Hanica. Ngunit ako na matagal na din doon at nagpapakabait sa kanila ay ni minsan hindi ako napansin.
Bigla na lang pumutok ang mga fireworks at lumiwanag ng sobra ang kinauupuan ko. Inis na pinagmasdan ko ang mga fireworks na dapat dalawa kami ni Icevy ang nandito at nanonood. Ngunit nang-iwan siya ng sama ng loob at galit sa akin ngayon kaya kahit pa gaano kaganda ang fireworks ay hindi ko magawang mamangha.
"Hindi puwede Icevy..." Nanggigigil kong sambit habang tumutulo ang aking mga luha sa mata.