CHAPTER EIGHT - Bars & Clubs

1353 Words
ICEVY POV. Akala ko ay pupunta ako dito para magsaya o i celebrate ang binigay sa akin ni Jeeson na opportunities pero hindi, nai stress ako sa pinaggagawa ni Mica. Hilong-hilo ako at hanggang ngayon hinahanap ko pa din siya. Nakakadagdag hilo ang ingay at ang mga tao dito. Bigla na lang na may nasagi akong tao, sumubsob ako sa dibdib nito. Pipikit-pikit ang mata akong tumingala. Isang lalaki na may maayos na kasuotan, mukhang mayaman. "Sorry po, sorry" sambit ko sa kaniya. Hinawakan niya ang aking mga kamay at tinitigan ang aking mukha. Anong ginagawa nito? Kumunot ang aking noo. Hinila niya ako at ipinunta sa sulok. "Are you drunk?" Bakas ang pag-aala sa mga mata ng lalaking ito. "Ah hindi naman sa drunk, tipsy lang pero kaya ko pa naman. Nahihilo lang ako sa ilaw, pasensiya na ulit" sagot ko. "Ano bang ginagawa mo sa gitna?" nagsalita ulit siya. "Hinahanap ko kasi 'yong kaibigan ko, tinangay ng dalawang lalaking kasama namin kanina e" "Bakit mo naman papakialaman ang kaibigan mo?" Takang tanong nito. "Hindi, lasing na kasi siya. Hindi naman sa nakikialam ako pero kinakabahan ako baka kasi mapano siya sa mga lalaki e" Pinaupo niya ako at inabutan ng malamig na tubig. "Salamat ah" sambit ko. "Alam mo, hindi mo kailangan mag-alala sa kasama mo dito kung may kasamang babae o lalaki. Andito kayo sa Club and that's normal" "Ha? Anong normal do'n? e dalawang lalaki 'yon!" Inis na sambit ko hindi ko mapigilang hindi sumigaw. "Relax. Mukhang ngayon ka lang nakapasok sa Bars & Clubs kaya siguro gan'yan ang reaksyon mo" Tinitigan ko lang siya ng masama dahil sa inis, uminom ako ng tubig at malakas na bumuntong hininga. "Ang mga taong pumapasok dito ay hindi lang dahil sa inom, kundi pati sa kaligayahan" pagpapaliwanag niya. "Ayan nga oh?! edi d'yan sila magsaya, d'yan sa gitna diba? sumayaw-sayaw sila d'yan hindi ba 'yon puwede?!" Inis na ani ko. "Hindi gan'yan ang sinasabi kong kaligayahan. It's s*x" Nagulat ako sa kaniyang sinabi at agad na nanlaki ang aking mga mata. Sumenyas siya na tignan ang paligid ko na aking ginawa agad. Inilibot ko ang aking paningin at karamihan dito ay naghahalikan, nagpapasahan ng candy sa bibig, mga sumasayaw na babae na halos labas na ang katawan sa stage, mga lalaki at lalaki na naghahalikan, kahit babae at babae ay meron din at ang ibang mga babae at lalaki ay nasa sulok na gumagawa ng mga kababoyan. Tulad na lamang ng lalaki at babaeng nasa sulok, ang kamay ng lalaki ay nakapasok sa palda ng babaeng katabi niya. Kanina ay wala pa ang mga ito dahil nga malalim na ang mga gabi ay halos lahat na ng tao dito ay wala na sa sarili na para bang sinasamba na ng alak ang kanilang katawan. "T4ngina" napamurang sambit ko. "See? That's what I mean, kaya huwag kang mag-alala sa kaibigan mo. Kung kusa siyang sumama ay labas ka na doon" anito. Bigla na lamang sumulpot ang lalaking naka sando kanina sa aming harapan. "I've been looking for you, andito ka lang pala" usal ng lalaking ito. Sinamaan ko siya ng tingin. "Come with me" malagkit niyang sambit. "Tsk! Umalis kang magisa mo!" Pagmamatigas ko. "Alam mo pakipot ka pa e, alam ko naman na gusto mo din ang gagawin natin" sagot niya sa akin. Malakas na sinampal ko siya dahil sa kaniyang sinabi sa aking harapan. "T4ngina ka! ika klaro ko lang ha? first time ko lang pumunta sa gan'tong lugar sa buong buhay ko at hindi ako pakipot! virgin pa ako at ayokong sayangin lang ito dahil sa'yo, hindi ko naman alam kung sino tinitira mo dito!" Inis na sambit ko sa kaniya, dinuduro ko pa siya sa inis ko. "Ow,you're a virgin. Don't you want me to taste you? Just try it, hindi ka magsisi baka hanap-hanapin mo pa" Hindi siya nagpatinag talagang sumagot pa siya sa tono ng pagiging manyakis niya. "You're so rude dude" malamig na sita ng lalaking kasama ko kanina. "Pre, huwag ka makialam. Ako naman nauna sa babaeng 'yan" sagot pa niya. Anong nauna?! "Pre huwag mong pilitin ang ayaw, did you hear what she said? ayaw niya nga e diba?" Inis na usal ng lalaking ito. Inis na umalis ang lalaking naka sando. Masamang tinitigan ko lamang siya hanggang sa nawala na siya sa aking paningin. "Ah damn it... ansakit na ng ulo ko" ani ko habang sapol-sapol ang aking noo at hinihimas ito. Nanatili kami dito sa sulok ng lalaking ito. Mabuti na lang mabait at hindi rin lasing pero mukhang nakainom din dahil naaamoy ko ang amoy alak sa kaniyang hininga. Labis na akong nag-aalala kay Mica at nagdadasal na sana hindi siya nagpagalaw pero imposible din dahil dalawang lalaki ang nanghatak sa kaniya. Alam kong hindi din tumanggi o pumalag si Mica dahil kung pumalag ito ay hindi siya sasama. Sa mga galawan na nakita ko kay Mica malabong walang nangyare, alam kong tipsy na din si Mica no'n bago pa sila nawala sa aking paningin. Ni hindi niya manlang nasita ang mga lalaking nakahawak sa kaniyang bewang kanina. Talagang dinidikit niya din ang katawan niya sa mga lalaking iyon. Hindi ko tuloy alam kung sino ang sisisihin ko, ang mga lalaki ba o siya. Hindi ko alam na may ganitong side pala ang isang Mica na sinabi niyang palagi siyang nabubully dati, suot nerdy at mahinhin. Pero anong nangyare ngayon? paano kung mapano siya? ano nalang sasabihin ng magulang niya sa akin at sa mga taong nakakita sa akin na kasama ko siya? Na pinabayaan ko siya? Hindi matanggal ang pag-aalala ko at ang lalaking kasama ko dito sa sulok ay matyagang binabantayan din ako. "Puwede ba makatanong kung anong oras na? Na power off kasi cellphone ko e" tanong ko sa lalaking kasama ko. "It's 2:40AM" sagot niya naman habang nakatingin sa kaniyang relo. "Ahm ako nga pala si Icevy, anong pangalan mo?" "Charles" nakangiting sambit nito. "Hindi ka pa ba uuwi? ako nalang maghihintay sa kaibigan ko" "Ah no, okay lang" sagot niya. Nahiya tuloy ako. Ngunit maya-maya pa ay dalawang lalaki ang natanaw ko hindi kalayuan sa aming kinauupuan. Buhat-buhat si- "Mica.." tulalang sambit ko. "Where?" Takang tanong ni Charles. Agad akong tumakbo sa mga lalaking iyon. Ang kanilang mga pantaas na suot ay nasa kanilang balikat at hindi ito nakasuot na para bang may nangyari sa kanilang tatlo. Ibinaba nila sa gilid si Mica. "Mga gago kayo! anong ginawa niyo sa kaniya?!" Sigaw ko sa mga lalaking ito. At talagang pawis na pawis pa sila. Mga hayop! "Hindi lang kami ang nag enjoy, pati siya. Huwag nga kami ang sisihin mo dahil siya ang nanghila sa amin" sagot ng isang lalaki. Damn it Mica! Are you out of your mind?! Agad na tinalikuran at iniwan kami ng mga lalaking nakasama ni Mica. Nilapitan ko si Mica at pilit na yinuyugyog ang kaniyang katawan. "Mica! Mica wake up! uuwi pa tayo!" Inayos ko ang kaniyang suot dahil hindi maayos ang pagkakasuot nito. Agad na hinubad ni Charles ang jacket niya at itinakip sa katawan ni Mica. Bigla niyang binuhat si Mica kaya naman tumayo na din ako. "Ihahatid ko na lang kayo, may sasakyan ba siya?" Usal ni Charles habang buhat si Mica. Nag-alinlangan ako hindi ko alam kung puwede ko ba siya pagkatiwalaan... Pero anong choice ko?.. hindi din ako marunong mag drive! Lowbat din cellphone ko! "Trust me okay? Hindi ako masamang tao" sambit niya. Tumango na lang agad ako at tuloyan na kaming lumabas ng Club. Hinanap niya ang kotse ni Mica kaya naman agad kong itinuro ito. Pinahiga namin si Mica sa backseat at sumakay ako sa harap. "Paano 'yong kotse mo?" Nagtatakang tanong ko kay Charles. "Babalikan ko nalang, hindi naman 'yan nawawala" aniya. Agad niyang pinaandar ang kotse ni Mica at agad kaming nagbyahe. "May malapit na Hotel dito" usal niya. "Naku hindi na, magagalit ang Nanay ko nito kapag hindi ako nakauwi e. Nag promise kasi ako" sagot ko. "So paano siya?" Tinutukoy niya si Mica. "Hays! Bahala na iuwi ko na lang siya, ituturo ko nalang sa'yo bahay namin"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD