CHAPTER NINE - Icevy & Mica

1440 Words
ICEVY POV. "Thankyou Charles ha?" sambit ko. Inabot na siya ng umaga dito sa bahay namin dahil hindi na siya pinayagan ng Mama ko na umuwi pa. Habang si Mica ay na sa kuwarto ko at mahimbing na natutulog matapos siyang bihisan ni Mama at talagang pinasuot pa ang mga lumang damit ko, nakakaloka. "No worries" sagot niya sa akin. "Pasensiya ka na, maliit lang talaga bahay namin hindi ko pa napapaayos e" nahihiya kong sabi. "It's okay" nakangiti niyang ani. Maya-maya ay lumabas na si Mama galing sa kuwarto ko. "Hindi ba babangungutin ang kaibigan mo do'n Ice?" Kunot noo kong nilingon si Mama. "Bakit naman babangungutin Ma e malinis naman ang kuwarto ko" saad ko. "e baka matakot sa mga hubad na litrato ni Wynn, ay diyos ko kung ako 'yan ay talagang mababangungot ako" Nagulat ako sa kaniyang sinabi at biglang nahiya. "Ma! ba't mo pa sinasabi nakakahiya kay Charles!" Narinig kong tumawa ng mahina si Charles kaya naman napanguso tuloy ako. "Halos wala ka ng tinirang space ng pader sa kuwarto mo panay piktyur niyang si Wynn, pati dyaryo hindi mo na pinapalampas e" talagang umisa pa siya.Lalo akong ngumuso. Hindi na ako nagtaka pa dahil halos tatlong linggo na ata siyang hindi nakakapasok sa kuwarto ko dahil palagi ko itong nilo-lock kahit maliligo ako dahil alam kong papansinin niya nanaman ang mga picture ni Wynn, 'yong iba binibigay niya sa kapitbahay at ginagawang panggatong hays. Lumipas ang oras ay naisipan ng umuwi ni Charles ngunit iniwan niya sa kabilang kanto ang sasakyan ni Mica kung saan safe, sa may parking area. Naka kuwentohan pa siya ni Papa bago siya tuloyang nakaalis. "Oh aalis na ako, kayo na muna dito Ice ha?" Usal ni Papa. Bagong ligo ito na lumabas ng banyo at kinuha ang kaniyang maliit na bag. "Sige pa, magingat ka" pagpapaalam ko sa kaniya. Maaga talaga siyang nagpapasada para maaga siyang makapagpahinga. Habang si Mama ay hindi ngayon magtitinda dahil magpapahinga muna daw siya at bukas na magtinda. Sa kahoy naming sofa na ako nakatulog. Lumipas ang mga oras ay naalimpungan ako. Marahan kong iminulat ang aking mga mata. Napatingin ako sa oras at mag a-alas nuebe na ng umaga. Nanlaki ang aking mga mata at napa balikwas agad ako ng bangon. "Ma? Bakit hindi mo ako ginising!" Natatarantang sambit ko ngunit walang sumagot sa akin. "Asan na ba 'yon" Pumasok ako sa kuwarto ko at yinugyog na si Mica. "Mica! Gumising ka na late na tayo!" Ngunit imbes na magmulat ang kaniyang mata ay tinalikuran niya ako. "Hoy! Baliw ka ba?! Bumangon ka na" tinanggalan ko siya ng kumot. "Hmmm.. inaantok pa ako" paos ang boses niyang saad. Hinila ko ang dalawang kamay niya at pinilit na ibinangon ang kaniyang katawan. Inis tuloy na nagmulat siya ng mga mata. "Maghilamos ka na lang mamaya ka na maligo late na tayo!" Ani ko sa kaniya. Nang makabangon na siya ay agad kong hinarap ang aparador ko at namili na ng susuotin. Naghubad na ako sa kaniyang harapan at hindi ko na pinansin ang hiya ko dahil late na kami. "Iw! Kadiri ka naman!" Sambit ni Mica at tumalikod sa akin. "Bumangon ka na d'yan! Maghilamos ka na" "Maghihilamos? Ano 'to wala ng hugas hugas ng p***y?" Singhal niya sa akin. "Sige maghugas ka na kung gusto mo, basta bilisan mo lang" Agad na akong nagpalit ng suot kong pambahay habang nakikipag-usap sa kaniya. "Ah.. ang sakit ng ulo ko" sabi ni Mica. Agad ko siyang hinila upang makapagbihis na, hinarap ko siya sa aparador ko at kumuha ng damit para sa kaniya. "May hindi pa ako nagagamit na panty, binigay ni Mama sa akin 'yon muna suotin mo" saad ko. "Wait.. na saan ba tayo na sa Inyo ba?" Nalilitong tanong niya. "Mamaya ka na magtanong! Bilisan mo na kumilos. Mapapatay tayo ng mga visor do'n, lalo na si Ms. Tinapa!" Hilong-hilo niyang sinuot ang pinapasuot ko, hindi na din niya inisip ang hiya niya kaya naghubad na rin siya sa harapan ko. "Tignan mo, ang kapal ng bulbol mo sa p***y hindi mo manlang ba 'yan magunting" naiinis na sambit ko. Dahil nakita ko ang madilim niyang p***y. "Tsk!" Pinanood ko siyang kumikilos. "Wala akong bra, anong gagamitin ko?" Nakanguso niyang sambit. "Ayan! Alak pa!. Ulitin mo na lang suotin ang bra mo, puwede pa 'yan hanggang sa susunod na araw" nilapitan ko siya at inamoy ang bra niya "wala pa namang amoy e kaya pa 'yan" Agad niya itong inagaw at isinampal ang bra sa braso ko. "Kadiri ka talaga!" Naiinis niyang sambit. Inilabas ko ang heels niya kagabi at tinulongan ko siyang ikabit 'yon dahil wala na kaming oras. "Siguradong malilintikan tayo sa mga impakta nito" sabi ko pa. "Sakit ng ulo ko Icevy.." sagot niya habang nanghihina pa ang kaniyang katawan. "Lumabas ka na do'n, maghilamos ka" utos ko sa kaniya. Pagewang-gewang siyang sumunod. Ako naman ay inayos ko na ang aking buhok at nilagyan na lang ng kaunting gel para hindi gaanong magulo. Kinuha ko ang colgate na nakasingit sa salamin. Naglagay ako ng kaunti sa aking daliri at nilagay sa aking bibig. Nilaro-laro ko ito ng laway ko at nilunok. Inamoy ko pa mula sa salamin ang aking hininga. "Hmm, ayan mabango na" sambit ko sa sarili ko. Kinuha ko ang colgate at lumabas ako ng kuwarto at sinalubong ko si Mica na kakatapos lang maghilamos, nilagyan ko ng kaunting colgate ang daliri ko. Nilapitan ko si Mica at agad na ipinasok ang aking daliri sa kaniyang bunganga pumalag pa ito ngunit hindi ko hinayaang makawala siya. Tuloyan ng wala siyang nagawa. "Lunokin mo 'yan, wala kaming bagong toothbrush kaya colgate na lang" sambit ko sa kaniya. Mangiyak-ngiyak niyang nilunok ang colgate na nailagay ko sa kaniyang bibig dahil wala na siyang choice. Umubo-ubo pa siya ng malakas ngunit hindi ko na pinansin pa. Agad kong sinuklayan ang kaniyang buhok at pinahiran ng kaunting lipstick ang kaniyang bibig. "Lalasonin mo ba ako! Kadiri. Pwe!" usal niya. "Tara na huhu, talagang mayayare tayo Mica" kinakabahang usal ko "Na saan na ba kasi ang Nanay ko hindi ko nanaman alam kung saan siya nagpunta " napapahawak sa ulo at bewang kong tugon. Maya-maya pa ay agad na kaming lumabas ng bahay, nag-iwan na lang ako ng sulat sa pinto namin para mabasa ni Mama kapag bumalik na siya galing kung saan man siya pumunta. Mabilis na pinaharurot ni Mica ang kotse niya patungo sa thankmelater. Agadan naman kaming nakarating at nangangatog kaming dalawa na pumasok sa elevator. Ilang minuto pa ay tinungo na namin ang opisina naming lahat. Nakailang lunok kami habang pumapasok at umupo sa aming task chair. "At heto na pala ang dalawang magaling. 2hours late, ano?kung tinatamad kayong magtrabaho aba mag resign na kayo!" Bumungad ang galit na galit na si Ms. Tina-pa. Nakayuko lang kaming dalawa sa kinauupuan namin ni Mica at hindi na makaimik pa. Lumapit si Ms. Tina at inamoy-amoy kaming dalawa. "Saang iskuwater ba kayo nang galing?! Papasok ng amoy mga daing?!" Naiinis na tugon pa ni Ms. Tina. Naririnig namin na nagtatawanan ang ibang ka trabaho namin ngayon, hindi ako ngayon makapalag dahil wala naman talaga kaming ligo at kasalanan din namin kung bakit kami na late. "Next time na mauulit pa ito ay sisiguradohin kong matatanggal na kayo sa trabaho. Understood?!" "Y-Yes p-po Ma'am " nauutal na sagot namin ni Mica. Agad na lumabas ng opisina si Ms. Tina kaya naman lumakas ang tawanan at bulongan ng mga ka trabaho namin. Sinamaan ko tuloy sila ng tingin ngunit hindi sila natinag. "Mukhang galing sa pokpokan kagabi ah" pangangantyaw ni Kelly. Agad na nanguyom ang aking mga kamay. Heto nanaman siya... "Hoy a Mica, baka naman sinasali mo na si Icevy sa kapokpokan mo. Magkaroon pa ng scandal 'yan HAHA!" singit ni Hanica. Agad na nagkaroon ng ingay sa opisina. Nakita kong napa yuko lang si Mica kaya lalo akong nanggigil. "Anong sabi mo?!" Naiinis kong sinugod si Hanica. "Ayos ayosin mo bibig mo baka makuskos ko 'yan sa pader!" Tugon ko pa. "Ah gano'n?!" Agad niya akong sinugod ng sabunot kaya naman mabilis din akong pumalag. Nang makuha ko ang kaniyang buhok ay inilampaso ko siya sa sahig. Pinipigilan ako ni Mica habang ang mga kasamahan ni Hanica ay hinihila siya palayo sa akin. "What is happening here?! Ms. Linley! Late ka na nga talagang gagawa ka pa ng gulo?! Come to my office now!" Pamilyar ang boses na nagmula sa aming likuran, nilingon ko ito at nakita si Ms. Tina, bumalik pala siya. Galit na galit na nakatingin sa amin at nanginginig na sa galit ang kaniyang mga kamay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD