CHAPTER TEN - Jeeson's Offer

1377 Words
ICEVY POV. Matapos kaming ma warningan nila Kelly sa loob ng Head Office ay talagang naging pangit na ang buong araw ko. Malalakas ang buntong hininga ko at sa mga oras na naging abala kami ay may kaniya-kaniya na kaming mundo. Dahil nga call center kami ay pilit kong itinatago ang aking inis dahil makaka sama ito sa trabaho ko. Lumipas ang oras at pinapatawag na ako ni Jeeson sa kaniyang office. Bumuntong hininga pa ako bago ako tuloyan naglinis sa lamesa ko. Mamaya may umuungol nanaman do'n hays traumang-trauma na talaga ako sa kanila. "Hintayin na kita" sambit ni Mica. Tumango naman ako ng nakangiti at tuloyang lumabas sa puwesto ko. Agad din akong nakarating sa opisina ni Jeeson at nakakagulat lang dahil wala ang kaniyang babae dito sa opisina niya ngayon. Buti naman.. Malayo pa lang ay nakangiti na ako, natatanaw ko siya sa salamin niyang pader. Nasa couch ito at pirming nakaupo. "So, natanggap mo na ba ang offer ko?" Bungad niya sa akin. Nagningning ang aking mga mata at malawak na ngumiti. "Ah oo... pero... seryuso ka ba t-talaga?" Nauutal ko pang sambit. Ngumisi ito at umiling-iling. "Yes of course" Nanginginig ang aking mga kamay ng nakangiti sa kaniya hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot kay Jeeson ngayon. Hindi ko lubos maisip kung bakit niya ito ginagawa. "Ipangako mo lang na iingatan mo ang mga ibibigay ko sa'yong opportunities" saad niya. "Hindi naman ako katulad ng ibang tao sir" sambit ko naman. "Are you sure na kaya mo?" "Kakayanin ko.." matapang kong sagot. "May isang taong tutulong sa'yo sa lahat ng bagay na tungkol sa business at ang pagiging modelo, ambassadress sa iba't-ibang mga brand, kung paano gumalaw ng mayaman. Bibigyan din kita ng Personal Assistant mo at sa ngayon ay titira ka na muna sa Hotel" mahabang paliwanag niya at ako naman ay tumatango-tango sa kaniyang sinasabi at nakikinig ng mabuti. "Sorry sir Jeeson, hindi ko pa kasi afford ang Hotel e" nahihiyang sambit ko. "Who said you would pay for this?" Nanahimik pa ako ngunit muling nagsalita. "Sir Jeeson nakakahiya naman na halos lahat binibigay mo na. Hindi ba parang sobra-sobra na?" Nahihiya ko talagang ani. "Ayaw mo ba?" "No, hindi sa ayaw sir Jeeson pero siyempre may hiya pa din ako pero sobrang salamat. Hinding hindi ko sasayangin ang mga binibigay mo ngayon" Ngumiti naman siya. Gusto kong tanongin kung ano ang nagawa kong mabuti sa kaniya para mabigyan ako ng mga ganito ngunit naalala ko na dahil din siguro sa pictorial na napasukan ko noong nakaraan. "Malaki ang potential na magiging maayos ang buhay mo kung na sa magazine, poster, billboard at TV ka. Noong napasama ka sa mga ambassadress ng product namin ay malaki ang naitulong mo and I think this will help our business grow even more. Bukod sa bumagay sa'yo ang mga ito ay tiningala din ang ganda mo" mahaba niyang saad. "Unti-unti Icevy ay makikilala ka din, sa ngayon ay maguumpisa pa lang tayo" tugon niya. Ngumiti ako habang nahihiya. Hindi ako makaimik bagkus panay lang ako ngiti, isang bagay ang nilabas niya galing sa ibaba ng lamesa. Isang medyo malaking bag na kulay pula. "Use it for your needs. Buy everything you want, clothes, makeup and anything" Namilog ang aking mga mata ng biglang binuksan niya ito at tumambad ang mga milyon-milyong naka lastikong pera. Lalong nanginig ang aking mga kamay at lumunok. "S-Sir.." "Shh. Just take it okay. No more satsat" Mabilis niyang inilagay sa kamay ko ang hawakan ng bag. Umiling-iling pa ako ngunit wala na akong nagawa. Bakit ang bait mo? T-totoo ba 'to? N-Nanaginip ba ako? Namumutla na ako sa gulat, naiiwan pa ding bilog ang aking mga mata. "Buy a new phone, call me at this number" May maliit na card siyang binigay sa akin. Nanginginig akong kinuha ito sa kaniyang palad. "Why are you shaking? Are you afraid of me?" Takang sambit niya. "No sir, I-I'm j-just happy sorry. Hindi mo alam sir kung paano ako ka saya ngayon" nangilid na tuloy ang aking mga luha. "Ano ba 'yan nagdrama tuloy ako" naiiyak na natatawang sambit ko. He chuckled. Mabilis na lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa balikat. "I always got your back, achieve your dreams Icevy" nakangiti niyang sambit. Lalo akong naiyak sa kaniyang sinabi hindi ko tuloy alam kung paano ako sa kaniya magpapasalamat. "Stop crying, you're so ugly" pang-aasar niyang usal. Agad akong natawa at nagpunas ako ng aking mga luha. Tinulongan niya akong buhatin ang perang binigay niya. Hinawakan ito ng aking kamay ng napaka higpit. "Thank you sir Jeeson" nangingilid ang luhang sambit ko. "Huwag mo na akong i sir, isipin mo na lang na magkapatid tayo Icevy. Promise me ha? iingatan mo 'to lahat" "Oum.. pangako" tumatangong sambit ko. Nagkuwentohan pa kami saglit ngunit sabay na lang din kaming lumabas ng opisina niya. Naglalakad na kami sa hallway nang bigla ko siyang tinanong. "Ah tyaka pala Jeeson. May girlfriend ka ba?" Deretsong sambit ko. Agad siyang napahinto at umatras. Lumayo-layo pa siya sa akin na nandidiri. "Huwag mong sabihin na you type me ha?" Usal niya. "Hell no!. I'm just asking lang 'no" angil ko sa kaniya. "Hmm. Wala" confident niyang sambit. Kumunot tuloy ang noo ko at napapaisip na. "Kahit ka flirty?" Pagpupumilit ko. "Wala nga" "Ka s*x?" Bigla siyang nasamid at umubo-ubo. Boom! Huli "Ano bang mga tanong 'yan Icevy" sambit niya sa akin. Natawa na lamang ako. Hindi ako maaaring magkamali sa nakita ko at sa mga naririnig ko. Talagang si Jeeson ang nadadatnan ko sa opisina niya ang hindi ko lang makita kung sino ang nakakasama niyang babae. Siguro kaya hindi niya inaamin ay dahil na rin hindi niya talaga girlfriend ito at nakaka s*x lang talaga kasi baka malib0g siya. Napapaisip tuloy ako kung si Kelly ba 'yon kasi nga ex niya si Jeeson. Binalewala ko na lang ito at ayokong ma stress na muna dahil dito. Sobrang saya ng aking puso ngayon. Talagang parang gusto ko ng tumalon sa sobrang tuwa ngunit pinipili kong kumalma ayokong umastang mukhang pera at ayokong ipakita sa kaniya ang iskuwater side ko. Nagpaalam na kami sa isa't-isa at nagkahiwalay ng tinungoan. Sa ibaba ay nakita ko si Mica dala-dala pa niya ang aking bag. Kumaway ako sa kaniya kaya naman napansin niya din ako. "Ano naman 'yang dala mong bag? Ang cheap ah" pang-aasar niya sa akin. "Baliw " Hindi ko na muna sasabihin kung ano ang napagusapan at mga binabalak na gawin ni Jeeson dahil alam ko naman na may tamang panahon at oras para sabihin ang mga bagay na ito sa kaniya. Iniabot niya sa akin ang aking isa pang bag. "Grabe, pumunta ka lang sa office ni sir Jeeson nagka isa ka ng bag?" Natatawa niyang usal. Tinawanan ko din tuloy siya. Sabay kaming tumungo ng parking lot kung saan nakaparada ang kaniyang kotse. Marahan kaming naglalakad dahil nga gusto namin palagi na nagkakaroon kami ng time sa chismisan. "Sasama ako sa'yo kasi magpapasalamat lang ako sa Nanay mo" saad niya. "Naku wala sa kaniya 'yon ano" "Hays, namiss ko lang kasi talaga magwalwal" malungkot niyang sambit. Naalala ko tuloy ang mga kagagahan niyang ginawa sa Bars & Clubs kagabi. "Ikaw, kung magwawalwal ka huwag ka ngang sasama sa mga kung sino sino lang na lalaki. Katulad na lang no'ng asa bar tayo hays lasing na lasing ka tyaka umamin ka nga, ginalaw ka ba ng mga lalaking 'yon?" Nag-aalalang sambit ko ngunit bakas sa boses ko na nagagalit ako. "H-Hindi ko maalala e" hinahawakan pa niya ang kaniyang ulo na para bang inaalala ang lahat. "Ano ka ba?! Nasisiraan ka na ng ulo! Mamaya may ginawa sa'yong masama ang mga 'yon e" "Hindi ko talaga maalala Icevy" nakita ko din sa kaniyang mga mata na natakot din siya sa kagagahan niya. "Sa susunod huwag ka na masyadong uminom ha" pagbabanta ko sa kaniya. "Hindi naman madami ang nainom ko no'n e hindi ko lang talaga alam bakit ang bilis kong malasing, ni wala nga akong maalala e" paliwanag niya sa akin. "Paanong hindi ka kaagad malalasing do'n e ang ingay tyaka maraming tao. Kahit nga ako inaamin ko na nahilo ako e. Mali pa din na sumama ka sa mga 'yon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD