ICEVY POV.
Hindi pa din makapaniwala ang aking mga magulang sa isinaad ko sa kanila. Pinaliwanag ko sa kanila lahat. Noong una ay pinapabalik pa sa akin ang pera at baka may kapalit daw na mas mabigat kaya ginagawa ito ni Jeeson ngunit ng masabi ko ang lahat ay pumayag na lang sila.
Habang hindi ko pa sariling pera ang igagastos ko ngayon ay hindi ko na muna ipapaayos ang bahay namin ngunit masasabi kong mapupuno ng masasarap na pagkain sa aming tahanan ngayon.
Sa ngayon ay titiisin ko na muna na hindi muna bilhan ng mga bagong damit sila Mama pero kung hindi ko na matiis ay bahala na lang din talaga.
Day off namin ngayon at inaya din ako lumabas ni Mica. Sakto din kasi bibili din ako ng bago kong cellphone. Nagkita na lang kami dito sa Star Mall kaya naman ngayon ay andito kami lumilibot.
"Mukhang kailangan mo na nga talaga ng bagong phone beshy kasi phone mo luma na din en tyaka hindi na sikat ang gan'tong phone 'no" sambit ni Mica habang tinitignan ang cellphone ko.
"Talagang luma na 'yan, noong high-school ko pa gamit 'yan e" sagot ko naman.
"Totoo ba? kaya pala ang cheap e" hindi maipaliwanag na mukha ang ipinakita niya sa akin. Tinawanan ko na lang siya.
Dumeretso kami sa bilihan ng mga cellphone habang hawak-hawak ako sa kamay ni Mica. Namangha tuloy ako sa mga nakikita ko ngayong cellphone. Napaka ganda nila ngunit napaka mahal din.
"Magkano ba budget mo ngayon beshy?" Tanong ni Mica habang abala siya sa pamimili ng magandang cellphone. "Gusto mo ba 'yung gan'tong phone?" Tugon niya at ipinakita ang itim na phone, tumingin ako sa presyo at umabot ito ng 30k.
O-Okay na siguro 'yan pero grabe ang mahal naman...
Lumunok na muna ako at sapilitan na lang tumango.
"Ayaw mo ba ng kaparehas kong cellphone? Kaso lag 'to e huwag na lang. Tyaka mahal din 'to 43k baka makulangan ka sa budget" saad niya at nagkibit balikat pa siya.
"Sige ayan na lang hawak mo.. meron ba silang pink na kulay niyan? or kahit blue na lang"
Agad na tumungo sa counter si Mica at nagtanong ngumiti naman ito at tinawag ako. Ipinakita sa akin ang ibang kulay ng phone na hawak ni Mica nang makita ko itong maganda at agad akong tumango ng nakangiti at pinili ang kulay blue.
Binayaran ko ng cash ang cashier at kinuha ang aking pinamiling bagong cellphone nakita ko pang nakatitig sa akin si Mica. Lumabas kami agad at naisipan namin na pumunta sa second floor ng mall.
"Mukhang marami kang budget beshy ha? Saan mo kinuha?"
Napatingin ako kay Mica na nasa aking tabi habang paakyat kami ng escalator. Tinignan ko siya ng walang emosyon. Kanina pa siya ganito magsalita. Hindi ko alam kung panget ba ang delivered niya ng mga sinasabi niya o talagang ganito lang siya magsalita? Nakangiti lang ito ngunit ang mga mata niya ay parang may sinasabi ngunit hindi ko makuha kung ano ni hindi ko siya mabasa.
Pinilit kong ngumiti at tinuon sa harapan ang aking mukha. Alam kong masasanay din ako sa kaniya.
"Ipon ko 'to" pagsisinungaling ko ngumiti na lang din siya.
Hindi pa gano'n kagaan ang loob ko kay Mica hindi ko alam kung bakit ang hirap ko siya pagkatiwalaan kahit madalas naman kami na magkasama.
Muli kong pinagmasdan si Mica. Napaka inosente ng kaniyang mukha lalong naging inosente kapag mayroong suot na salamin. Kapag lumalabas din kami ay hindi revealing ang sinusuot niya, ibang-iba sa Mica na nakita ko noong pumunta kaming bar na halos hubad na.
Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya mapagkatiwalaan kahit pa na napaka inosente niya. Siguro nga ay ako ang mali kasi ganito ang nararamdaman ko sa kaniya hindi ako puwedeng magisip ng iba sa kaniya dahil kaibigan ko siya ngunit parang andami niya kasing tinatago, parang andami niyang madilim na kuwento sa buhay.
Baka dahil na din siguro kakakilala lang namin at hindi pa kami gano'n katagal magkaibigan, alam ko darating ang araw na mapagkakatiwalaan ko siya.
Muli kong binalewala ang bumabagabag sa aking isipan.
"Tara do'n tayo Ice" tinuro ni Mica ang clothing market kaya naman agad kaming pumasok dito.
Masaya siyang namimili ng damit habang ako ay medyo malayo sa kaniya at pinagmamasdan siya. Natutuwa pa din ako sa kaniya dahil ang inosente ng mukha niya at talagang napaka ganda niya.
Bigla na lang may dumumbo sa akin kaya naman napakalingon ako sa aking likuran.
"Ops sorry, nakaharang ka kasi" inirapan pa niya ako.
Si Kelly at talagang kasama niya pa ang mga tuta niyang sina Hanica.
Sinamaan ko lang siya ng tingin at muling tumingin sa gawi ni Mica.
"She's with the slut girl" inis na usal ni Hanica.
Nang lingonin ko sila ay nakatingin na din sila kay Mica.
"Why are you always together? Hindi mo ba alam ang issue ng babae na 'yan? kadiri ah" saad ni Kelly.
Kinunotan ko siya ng noo.
"Puwede ba Kelly.. wala namang ginagawa sa'yo 'yung tao e, huwag mong umpisahan nanaman please stop this!" sagot ko sa kaniya.
"Omg. Hindi pa niya sinasabi sa'yo?" singit ni Hanica.
Nagtinginan silang apat kaya naman naging seryuso ang aking mukha.
"Ano nanaman ba 'yon?" naiiritang sambit ko.
"Why don't you ask her?" usal ni Kelly.
"Girl, ang best friend mo na 'yan e may scandal kumalat pa nga ito... hindi lang dalawang beses na nagkaroon 'yan ng scandal" si Hanica ang biglang sumingit na para bang confident pa sa sinasabi niya.
Nanlaki ang aking mga mata hindi ko tuloy alam kung maniniwala ba ako.
"Tigilan niyo 'to, huwag kayong mag imbento!" sabi ko.
Nagtawanan sila at muling nagseryuso.
"Gosh girl, hindi mo totoong kaibigan 'yan kung hindi niya sinasabi sa'yo ang sekreto niya 'di ba? Ask her." ani Kelly.
"Bakit naman niya sasabihin Kelly e nakakahiya kaya ang ginawa niya, bukakang-bukaka pa talaga sa video habang nilalaspag ng sugar daddy niya HAHA" sagot naman ni Hanica. Nagtawanan silang lahat.
"Mga sinungaling, kung gusto niyong siraan siya sa akin ay hindi niyo magagawa" matapang kong sabi.
"Ow well, good luck girl.. hindi lang 'yan ang lihim niya baka kapag sinabi namin lahat e magulat ka nalang.. let's go girls andaming nagkalat na squatters here e" sagot ni Kelly at agad na lumabas sa clothing market.
Sinamaan ko sila ng tingin habang sinusundan ko sila sa kung saan sila gumawi at tuloyan na ngang nawala sila.
"May napili ka na ba?"
Lumingon ako sa aking likod at nakita si Mica na may hawak-hawak ng mga damit. Nawala tuloy bigla ang inis ko. Pinilit kong kalimutan na nakita ko sina Kelly.
"Wala pa e, mahal kasi masyado" napapakamot sa ulo kong sambit.
"Magkano lang ba budget mo? baka kaya mo 'to bayaran... Bagay sa'yo 'to e, bilhin mo na 'to" sambit niya sa akin.
Ipinakita niya ang isang maong na skirt na hanggang tuhod. Ngumiti naman ako at tinignan ang presyo. Nagulat ako ng kaunti dahil iisa lang ito at 5,800 na agad ang bayad.
"Maganda siya" ani ko.
"Oh siya sige sa'yo na 'yan" ibinigay niya sa akin ito.
"Sure kang kaya mo 'yan bayaran ha? Mamaya wala kang pera e"
Kahit kailan ay parang ang laman ng kaniyang sinasabi hindi ko tuloy alam kung mapipikon ba ako. Gusto kong isipin na ginagawa niya akong sobrang hirap na tao.
Aminado akong walang pera kaya naman napabuntong hininga na lang ako.
"May pera pa naman ako" usal ko.
Nakita kong nawala ng kaunti ang ngiti niya bago niya ako tinalikuran.
Hays.. parang may something talaga sa kaniya.
Nagpaalam ako saglit na magbanyo at iniwan ko na muna siya habang nagpipili siya. Nang makapasok ako sa banyo ay agad kong binuksan ang phone na binili ko at sinalpak ang bago kong simcard dito. Mula sa aking bag ay inilabas ko ang card na maliit at i dinial ang number ni Jeeson.
Agad na nagring ito at ilang sigundo lang ay sinagot niya na ito.
"Hello, this is Jeeson" aniya.
"Ah, Jeeson si Icevy 'to. Nakabili na ako ng bagong phone" sambit ko.
"Okay good, isesend ko sa'yo later ang address ng hotel na tutuloyan mo" ani niya.
"H-Ha? Ang bilis naman. Wala pa akong nabibiling gamit e"
"Don't worry, i me meet mo na kasi si Stacy at si Tela" sagot naman niya.
"Sino-sino sila?" takang tanong ko.
"Stacy, she's your P.A si Tela naman ay siya ang mag g-guide at magtuturo lahat sa'yo. Sila ang bahala sa'yo" paliwanag niya
"Kasama ko ba sila sa Hotel?"
"It's up to you"
"Ah okay sige sige" sagot ko naman
"Wait, nakabili ka na ba ng mga damit mo?"
"Sorry Jeeson hindi pa e. Kasama ko kasi ngayon si Mica kaya hindi pa ako makabili"
"Okay, sina Stacy na ang bahala"
"Sige Jeeson"
Maya-maya pa ay nagpaalam na kami sa isa't-isa at pinatay na din ang linya. Nagsalamin lang ako at inayos ang aking buhok.
"Hays Icevy. Kailangan mong galingan sa buhay" walang kung anong sabi ko sa sarili ko.
Lumabas na ako ng banyo at binalikan na si Mica.
Nakita kong marami siyang pinamili kaya naman nakangiti akong lumapit sa kaniya.
"Andami mo ata pinamili?" bungad ko sa kaniya.
"Yes. Bet mo ba 'to?" tinuro niya ang isang long sleeves na kulay black.
"Naku hindi na, sige na bilhin mo na 'yan lahat. Sure ako bagay sa'yo mga 'yan" saad ko.
"Ah no, pinilian na lang din kita ng bagay sa'yo"
"H-Ha?"
"Yes! Look bagay 'to sa'yo " tinuro niya at iniangat ang isa pang dress.
"Sa susunod na ako bibili Mica" usal ko.
"I knew it, wala ka talagang pera" sabi niya. "Joke" pagbabawi niya rin
Tumawa pa siya ng kaunti at iniligpit na ang kaniyang mga napili. Tumawa na lang din ako para hindi niya mahalatang medyo na offend ako sa sinabi niya.
Naiwan ako sa gilid habang siya na sa counter, nagbabayad ng mga binili niya. Hindi ko siya maiwasang titigan, kaibigan ko siya at dapat hindi ako nagiisip ng kung ano sa kaniya at dapat hindi ako masaktan kasi gano'n lang talaga siya magsalita.