ICEVY’S POV Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Paulit-ulit na nag-e-echo sa isip ko 'yung text message. “Nice interview, Luna. Let's see if you're as good on set as you are on TV. See you around.” Simple lang ang mga salita pero parang may malalamig na daliri na humahaplos sa batok ko tuwing maaalala ko ’yun. Andami ko pa naman ngayong trabaho tapos parang nagpapaapekto ako sa ganito. Sino ba talaga siya? Ayan tuloy palagi na nagtetext dahil nakuha niya ang personal number ko. Ibang number ang ginagamit namin kapag naglalapag kami ng information na alam naming makikita ng maraming tao kaya naman hindi ko maintindihan paano ito nangyari. “Icevy, earth to Icevy!” Nagulat ako nang pumalakpak si Tela sa tapat ng mukha ko. Nandito kami ngayon sa isang high-end cafe sa Makati para sa i

