ICEVY’S POV Tahimik ang loob ng van, tanging ang mahinang ugong ng aircon at ang tunog ng gulong sa kalsada ang naririnig. Pero sa loob ng isip ko, parang may nagaganap na giyera. Hindi pa rin humuhupa ang panginginig ng aking mga kamay kahit kanina pa tapos ang interview. Nakaupo ako sa gitna nina Stacy at Tela, habang ang paningin ko ay nakapako sa labas ng bintana, pinagmamasdan ang mga nagliliparang ilaw ng lungsod. Parang panaginip. 'Yung hiyawan ng mga tao kanina, 'yung mga spotlight na tumama sa balat ko, at 'yung boses ni Marky Tandingan na paulit-ulit na tumatawag sa pangalan ko... totoo ba talaga ang lahat ng iyon? "Icevy! Oh my God, tignan mo 'to! Bilisan mo!" Halos isubsob ni Stacy ang cellphone niya sa mismong mukha ko, dahilan para mapabalikwas ako mula sa aking malalim n

