CHAPTER TWENTY-FOUR - Lights, Lens, and Icevy Luna

1366 Words

ICEVY’S POV. Hindi ko maipaliwanag ang lamig na dumadaloy sa aking mga kalamnan. Grabe ang aking kaba, ngayon lang ako mai-interview na talagang live at pinapanood ng maraming tao. Sa bawat segundong lumilipas, tila mas lalong bumibigat ang hangin sa loob ng dressing room. Ipinagdarasal ko na sana maitago ko nang husto ang aking kaba at masagot lahat ng tanong nang hindi ako pumipiyok o makikita nilang kinakabahan ako. Ayokong mapahiya sa harap ng milyun-milyong manonood. Hinarap ko ang salamin at tinignan ang sarili ko. Maganda ang pagkaka-ayos, pero hindi ako mapakali. "Stacy, kinakabahan ako. Maayos ba buhok ko? E 'yung nails ko? Hindi na OA? Tyaka 'yung makeup ko? Hindi ba parang pupunta sa bar?" Sunod-sunod na tanong ko dahil hindi na ako napapakali pa. Hinahawakan ko ang dulo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD