CHAPTER TWENTY-THREE - What Icevy Heard?

1335 Words

ICEVY'S POV Lumalim na ang gabi pero tila wala pang balak magpahinga ang paligid. Hinayaan naming matapos ang event hanggang sa maghating-gabi, nakakamangha na halos kumpleto pa rin ang mga tao rito sa loob ng hall. Punong-puno ng tawanan, hiyawan, at mga sorpresang premyo na ikinagulat ng lahat. Marahil ay gusto lang nilang sagarin ang bawat sandali at sulitin ang gabing ito na tila ayaw nang matapos. Kinuha ko ang phone ko mula sa bag at mabilis na hinanap ang numero ni Stacy. "Ah, excuse me muna" pagpapaalam ko sa mga kasama ko habang itinuturo ang phone na nakadikit na sa aking tainga. Alam kong maingay sa banyo kaya naman napagpasyahan kong lumabas na lang ng main hall para tawagan si Stacy at magpasundo na. Ilang beses nag-ring ang phone niya pero walang sumasagot. Siguro ay na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD